YAEL'S
"Ka Edel, Ka Felly! Nandito na po ang apo niyo."
Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Maraming tao ang naka-paligid sa amin. Hindi ko alam kung kanina pa ba sila naka-palibot sa kotse ko. Everyone is staring at us. And it feels weird. I held Yana's hand to tranquil my uneasiness. I felt her stiffened. Maybe because I held her hand.
"Twinnee."
"Anneng."Yana freed her hand from mine when she heard that. May lumapit sa kanyang isang babae at isang lalaki. Niyakap noong babae si Yana. Na ginantihan rin ng yakap ng huli. Matapos nilang mag-yakapan ay bumaling si Yana sa lalaking kasama noong babae. Niyakap niya rin 'yun. Naikuyom ko ang kamay ko ng makita ko 'yun. I don't want to make any scene. Kahit pa nga gusto kong suntukin ang lalaking kayakap ni Yana. Ano ba siya ni Yana? Bakit kailangan pang yakapin? I'm trying to calm myself.
This is my first time admitting to my self that I am jealous. Seeing Yana hugging with other guy make me sick. Tumingin sa akin si Yana. At alam ko nakita niya ang reaksyon ng mukha ko habang magka-yakap sila noong lalake. I am seeing red. I wanted to wring the guys neck. Pero bago ko pa magawa ang mga iniisip ko ay nag-bitiw na sila sa isa't isa.
"Saan ka ba galing na babae ka? Pinag-alala mo kami. Halos mabaliw kami kakahanap sayo."
Sunod sunod na wika noong babae.
"Sumama kase ako kay Aling Isay e."
Sagot naman ni Yana sa kanya.
"Baliw ka na ba? Hindi mo naman lubos na kilala si Aling Isay, ah? Ano ba ang pang-uuto na sinabi niya at sumama ka sa kanya?"
"Oo nga. Pinaiwas ka na dun nila Ka Edel at Ka Felly, ah? 'Di ka pa rin nakinig. Saan ka ba napadpad? At ano ba talaga ang nangyari sayo ha?"
Magka-sunod na wika noong babae at lalake na yumakap sa kanya. Nakita ko kung paanong hindi malaman ni Yana ang isasagot sa dalawa kaya sumingit na ako sa kanila.
"Sorry to interrupt you both. Pero sa tingin ko dapat ang family ni Yana ang dapat makarinig ng nangyari sa kanya. Hindi ang buong---" Huminto ako saglit at tumingin sa paligid. "Can we go to their house first, so she could meet her grandparents first."
Sa tingin ko ay naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin. Pero parehas silang naka-kunot noo sa akin. Maybe they are wondering who I am. Bago pa sila makapag-tanong ay ipina-kilala ko na ang sarili ko.
"By the way, the name is Rafael Leonardo De Silva."
I offered my hand as i introduced myself to them. Yung babae lang ang tumanggap ng pakikipag-kamay ko.
"Jennylyn Torres, Jenn for short. Bestfriend ni Twinnee--ang ibig kong sabihin ni Yana."
Pagpapa-kilala nito sa akin. Habang ang lalaki naman na katabi nito ay tahimik lang na naka-tingin sa akin. Nang ma-realize siguro ng bestfriend ni Yana, na nag-pakilalang Jenn na hindi inaabot noong lalaki ang kamay ko ay siniko niya ito. I decided to lower my hand. Dahil 'tila wala naman balak ang lalaki ng abutin iyon.
"Carlo Sevilla."
Matipid lang niyang pagpapakilala.
Sabay sabay kaming nag-lakad papunta sa isang bahay. Siguro ito na ang bahay kung saan lumaki si Yana. Bago pa kami maka-katok sa pinto ay nakita na namin ang pag-bukas nito. Isang matandang babae at lalaki ang bumungad sa amin.
_______________________________________
YANA'S
Agad kong niyakap ang lolo at lola ko ng makita ko pa lang sila sa pag-bukas ng pinto namin. Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko. Miss na miss ko talaga sila na kahit nagkita na ulit kami ay parang nangungulila pa rin ako sakanila.
Nang matapos ang iyakan namin sa pinto ng bahay ay pumasok na kami sa loob kasama ang mga kaibigan kong sina Jenn at Carlo.
" Si Rafael po pala. Amo ko. Yaya po ako ng anak niya. Sinamahan niya po ako makauwi ngayon."
Pakilala ko kay Yael sa lolo at lola ko.
"Maraming salamat po sa paghatid sa apo ko. Akala namin ay may nangyari na sa kanya na masama kaya hindi naman siya makita. Ikaw naman kase apo, magta-trabaho ka pala hindi mo man lang sinabi. Bakit naman tumakas ka pa? Hindi ka naman namin pipigilan."
Suway sa akin ng lola Felly ko. Tumingin sa akin si Yael na tila ba humihingi ng pirmiso para payagan ko siya na siya na ang mag-paliwanag.
"Ang totoo po niyan..."
Sinimulan ni Yael na ikwento ang lahat ng sinabi ko sa kanila bago ako mapadpad sa dulo ng hacienda niya. Mataman naman na nakikinig lang ang mga kasama namin. Nang mataapos siyang mag-kwento ay agad na muli kong nakita ang pag-agos ng luha sa mata ng lolo at lola ko.
"Sinabi ko na sayo 'di ba? 'Wag kang sasama sa Isay na 'yun. Hindi ka pa rin nakinig. Mabuti na lang at mabubuting tao ang nakapulot sayo."
Muntik na akong mapa-ismid sa huling sinabi ni lolo. Kung alam lang talaga ni lolo kung ano ang ginawa ni Yael sa akin. Baka hindi na humihinga ang isang 'to sa kinau-upuan niya.
Lahat ng nangyari sa akin ay ni-kwento ko sa kanila. Hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko. Lalo na ng malaman nila na hindi nila ako apo. Sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Dianne na posibleng kambal ko at sa mga totoong magulang ko.
"Paano nagawa ng anak natin ito Edel?" Umiiyak pa rin si lola. "Mali ba tayo ng pagpapalaki sa kanya? Paano niya nagawa na mag-nakaw ng isang sanggol sa tunay nitong mga magulang?"
Niyakap siya ni lolo at pilit pinatatahan.
"Hindi po ako ninakaw ni inay sa tunay kong magulang. Huwag niyo po siyang sisihin. Siguro nga po hindi ko siya kadugo. Pero galing pa rin po ako sa kanya. Siyanm na buwan niya akong dala dala sa loob ng sinapupunan niya. Kaya para sa akin anak niya ako at nanay ko siya."
Paliwanag ko naman para huminto na siya sa pag-iyak niya. Nang mapakalma ko si lola ay ni-kwento ko rin sa kanila ang tungkol sa totoong mga magulang ko.
"Apo, ang sabi mo ay kailangan mo bumalik sa Maynila? Hanggang kailan ka dito? Hindi ka namin gusto pigilan na makasama ang totoong mga magulang mo. Pero sana wag mo rin ipagkait sa amin na kahit hindi kami ang totoong pamilya mo ay gusto ka pa rin namin makasama ng lola mo."
Sabi ni lolo sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong hindi totoong pamilya? Lolo, totoong pamilya ko kayo. Walang magbabago doon."
Sabi ko naman sa kanila saka sila muling niyakap.
_________________________________________
💜To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
Любовные романыNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...