YANA'S
It's been two weeks since I started living with my real parents. At sa tatlong araw na paninirahan ko dito ay sinurpresa nila ako sa pag-dating ng lolo at lola ko. Akala ko noong una bibisita lang sila, pero hindi pala. Ang sabi ng parents ko pwede silang tumira dito sa bahay kasama ko, namin. Hanggang kailan nila gusto.
Masaya ako dahil kasama ko na sila at si mama at papa. Pero hindi ko maiwasan maramdaman ang kahungkagan,kahit na kasama ko ang pamilya ko. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Huminga ako ng malalim at nakinig na lamang nagki-kwentuhan ang mga magulang, lolo at lola ko.
Nasa garden kami at kumakain habang nagki-kwentuhan sila. Lumingon sa akin si mama.
"Anak may request sana ako." Maya maya ay wika niya. "Ime-meet ko kase yung kaibigan ko sa isang korean resto sa mall. Pwede mo ba akong samahan?"
"Opo, pwede po. Wala naman po akong ginagawa."
"Salamat naman. Sige na hija, mag-prepare kana. I'll just get ready na rin."
Masaya niyang wika. Hindi ko alam kung bakit extra happy si mama, pero natutuwa ako na masaya siya. Nag-paalam ako sa kanila na mauuna na sa kwarto para makapag-ready.
Naligo lang ako saglit at nag-bihis. I am wearing a simple sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba. Ipinares ko dito ang flat step in na color nude, na binili ni mama nang minsan na nag-mall kami para ipasyal ang lolo at lola ko.
Natutuwa ako na nag-kasundo sila. Masaya ako na pinatawad ni mama at papa si lolo at lola nang humingi ang dalawa ng despensa sa ginawa ng nanay ko na pag-kuha sa akin. Mababait talaga sila. Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila sa kahit na anong paraan. Kahit pa ang ibig sabihin noon ay tuluyan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para kay Yael.
___
Dahil malapit lang ang mall na pinuntahan namin at wala namang traffic, ay nakarating agad kami dito in thirty minutes something. Binati kami agad ng mga staff ng resto sa bungad pa lang ng pinto. Yumuko pa sila bilang pag-bati.
"Annyeonghaseyo—resto KK-FOOD osin geos-eul hwan-yeonghabnida~"
Ngumiti lang sa kanila si mama, ginaya ko na lang siya. Kahit hindi ko naman naintindihan ang sinabi nila.
"Ma, ano daw sabi nila?"
Bulong ko sa kanya. I heard her chuckled a little before answering me.
"They just said 'welcome'."
Nangunot ang noo ko. " Ang haba ng sinabi, niwe-welcome lang pala kami." Bulong ko pa sa sarili.
"I have reservation here." Kausap niya sa isang staff. "It's under my name Rosenda Alvarez."
"Yes po, Ma'am. This way po."
Ni-guide niya kami papunta sa table malapit sa gitna. Nang maupo kami ni Mama ay biglang tumunog ang telepono niya. Lumapit sa akin ang waitress ay nag-bigay ng menu. Tumingin muna ako doon habang naririnig ko ang pag-kausap ni mama sa kabilang linya.
"Nandito na kami ng anak ko. Hihintayin na lang namin kayo dito." Nakangiti pa siya habang kausap ang nasa kabilang linya. "Sige, bye."
Nang ibaba niya ang telepono ay humarap siya sa akin.
"Naka-pili ka na ba anak?"
"Wala po akong kilala sa mga pagkain na nasa menu, ma. Kung ano na lang po ang order-in niyo. 'Yun na lang rin po ang akin."
"Pasensya ka na anak ha? Favorite kasi namin ng kaibigan ko ang kumain sa mga k-resto, simula noong mahilig kaming dalawa sa k-drama." Tukoy niya sa kaibigan. " Apat na taon na rin kase kaming hindi nagkikita. Nag-migrate kase ang pamilya niya sa US, four years ago. Kaya we decided na kumain na lang sa k-resto na gaya nito. Hindi na kita natanong kung saan mo ba gusto kumain sa sobrang excitement ko."
"Ok lang po, ma." Malumanay kong wika. "May tiwala po ako sa food of choice niyo. Hindi niyo pa naman ako dinadala sa resto na may masamang lasa ang food e. Hindi ko lang po talaga kilala ang mga pagkain dito. Kaya nasabi kong, kung ano na lang po ang order-in niyo. 'Yun na lang rin ang akin."
Masaya siyang tumango, atsaka tumingin sa menu. Sinabi niya sa nahihintay na waiter ang mga order namin.
"I-ready na po namin ang order niyo ma'am."
Kapagkuwan ay wika ng waitress atsaka umalis. Sakto naman sa pag-lapit ng isang ginang na kaedad ni mama sa table namin. Agad tumayo si mama at niyakap ang ginang.
"Kamusta ka na, Gloria? I miss you."
"Ito okay naman. Mahilig pa rin sa k-drama. Ikaw ang kamusta?"
Balik pangangamusta nito kay mama.
"Maupo ka muna." Wika ni mama sa kanya. "Eto masayang masaya ako ngayon. Bumalik na si Dianne sa amin at nakita ko pa ang isang kong anak. Si Yana ang kambal ni Dianne."
Pagpapakilala niya sa akin. Saka naman bumaling ang tingin sa akin ng ginang.
"How did that happened?"
"It's a long story. I will tell you next time." Tumingin sa akin si mama. "Hija, ito si Gloria ang k-drama buddy at best friend ko."
Inilahad niya ang kamay sa akin at ngumiti.
"Just call me, Tita Ria."
Tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya at ngumiti.
"Yana po, Tita Ria."
Matapos iyon ay hinintay na namin ang order namin. Hindi naman nag-tagal ay dumating na iyon. Masaya kaming kumaing tatlo. Hanggang matapos kaming kumain ay puro kwentuhan lang silang dalawa tungkol sa mga k-drama at k-pop na pinapanuod nilang dalawa. Isinasali naman nila ako sa usapan. Kaya lamang ay hindi ako maka-relate.
Naglakad-lakad kami at nag-window shopping sa mall. Nasa unahan ko si mama at Tita Ria. Nang mapadaan kami sa isang clothing line ay hindi ko inaasahan na makikita ko doon ang taong laman ng isip ko sa nakalipas na mga araw.
Kasama niya si Sab at si Dianne. Para akong sinampal ng reality. Masaya silang namimili ng damit. They are the difinition of a happy and complete family, nang kung sino man na makakita sa kanila. Siguro nga umasa lang ako na may nararamdaman siya sa akin. Dahil sa mga pina-pakita niya noon. Masyado akong umasa kaya nasasaktan ako ngayon ng husto. Hindi na niya ako kailangan dahil nandyan na ang asawa niya. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Tumingala ako para mapigil ang pag-bagsak ng luha ko.
Ayokong makita ni mama na apektado pa rin ako."Are you okay, anak?" Tanong ni mama na di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.
"Opo, okay lang ako." Pagsisinungaling ko naman. "Si Tita po?" Hanap ko sa kaibigan niya. Na bigla na lang nawala sa tabi niya.
"May kausap sa phone." Sagot niya naman. "Ano bang tini-tingnan mo doon? May gusto ka bang bilhin?"
"Wala po." Tanggi ko naman, saka inaya na siya. "Tara na po. Puntahan na lang natin si Tita Ria."
Nagtataka man ay tumango na lamang siya. Gusto kong sabihin kay mama na nakita ko sila Dianne. Pero minabuti ko nang wag sabihin. Galit si mama kay Yael dahil sa naging ugnayan namin noon na ipinag-tapat ko sa kanila ni papa. Ok lang naman kahit hindi ko sabihin kay mama na nakita ko sila Dianne, dahil binibisita naman siya ng magulang namin sa nakalipas na mga araw.
_________________________________________
💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...