YANA'S
"Kumain ka muna, anak. Bago tayo mag-usap usap. May sasabihin rin kase kami ng Papa mo sayo e."
Nasa isang kainan kami sa labas ng hospital.
Hindi ko alam kung tatango na lang ba ako sa kanila. Inaya ko sila dito para tapatin sila, na kahit totoong anak nila ako. Ay sa lola at lolo ko pa rin ako uuwi. Gusto ko kaseng malayo kay Yael. Yun ang tamang gawin. Siguro dadalawin ko sila paminsan minsan. Pero hindi madalas. Ayokong makasira ng pamilya, lalo at sa kapatid ko pa.
"Sige po, umorder na tayo."
Sa huli ay pinagbigyan ko sila. Kita ko ang saya sa mga mata nila. Habang naghihintay ng order namin ay in-open ko ang isang paksa na hindi ko alam kung magugustuhan ba nila.
"Ma, Pa. Hindi ko po sana gusto na saktan kayo. Pero sa tingin ko kailangan niyo pong malaman." Huminga muna ako ng malalim bago nag-patuloy. "May namagitan po sa amin ni Yael. Alam ko po mali, dahil asawa siya ng kapatid ko. Kaya pinutol ko na po. Pinutol na po namin ni Yael. Lalo na at bumalik na si Dianne."
Nakayuko ako at hindi makatingin sa kanila.
"Pinilit ka ba ni Yael?"
Mapanganib na wika ni Papa.
"Hindi po. Wala pong pilitan na nangyari. Kaya wag na po kayong magalit."
Paliwanag ko sa kanya .
" 'Wag magalit? Dalawa kayong anak ko ang tinuhog niya. Para niya akong ginagago sa ginawa niya."
Galit pa rin niyang wika. Tumayo siya at akmang aalis. Ngunit pinigilan ko siya sa braso.
"Pa, please po. 'Wag na nating palakihin. Sinabi ko lang sa inyo para maintindihan niyo kung bakit gusto kong manatili sa probinsya namin. Kasama ng mga nag palaki sa akin." Huminga ako ng malalim. "Gusto ko rin po kayong makasama, pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon."
Hinawakan ni Mama ang isang kamay ko.
"Hija, walang tamang panahon para magkasama-sama tayo. Kung hindi ngayon mismo." Kita ko ang pinipigil na emosyon niya. "Ngayon ka lang namin makakasama, buong buhay mo ibang tao ang kasama mo. Hayaan mo naman kaming maranasan kung paano ka maging anak."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko silang dalawa.
"Masaya po ako na nakilala ko na kayo sa wakas. Pakiramdam ko na-kompleto ako. Nawala lahat ng mga katanungan sa isip ko." Humiwalay ako ng yakap sa kanila. "Pero sa ngayon gusto ko munang makalimutan ang nararamdaman ko para kay Yael. Asawa siya ng kapatid ko, kaya dapat tanggapin ko yun."
Hindi sila nag-salita matapos 'yun, dahil dumating na ang pagkain namin. Pero habang kumakain kami ay nag-salita si Papa.
"Anak, does Yael said or did anything for you to fall for him? Alam ko tumira kayo sa iisang bahay."
Wika niya na hindi mapakali. Dahil sa nalaman.
"Sa totoo lang po, hindi ko alam kung paano at kailan. Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya at si Sab." Ngumiti ako sa kanila. "Pero alam ko pong mali, kaya pinigilan ko ang sarili ko. Promise pinigilan ko po. Pero sa tingin ko wala akong kontrol pagdating sa sarili kong emosyon."
Nagtinginan ang mag-asawa.
"Anak sa tingin ko hindi mo naman kailangan lumayo para lang hindi na kayo mag-kita ng asawa ng kapatid mo."
Wika ni mama na sinigundahan naman ni papa.
"Tama ang mama mo. Sa bahay ka namin titira. Ang kapatid mo naman sa bahay siya ng asawa niya titira."
"Pero paano po kayo? Hindi niyo ba namimiss si Dianne? Dalawang taon rin po siyang nawala."
Malumanay kong wika. Bakit ganito na lang nila ako ituring. May nagawa akong kasalanan sa kanila. Dapat nagagalit sila sa akin. Hindi ganito na pina-pakitaan nila ako ng magandang loob.
"We can always visit her in their home." Nakangiting wika ni mama. "Unlike you, kung babalik ka ng bicol. It's eight to ten hours drive."
"Bakit ang bait niyo po sa akin? I mean, opo anak niyo ako. Pero kailan niyo lang ako nakilala. At masasaktan ang anak niyo na matagal niyo na nakasama kaysa sa akin-- kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Yael."
"Anak ka rin namin. And your not the only one at fault here, Yael is to blame too. 'Wag mong akuin ang lahat."
Wika ni Papa.
"Salamat po. Pero gusto ko lang po linawin. Pareho naming alam ni Yael na mali ang ginawa namin, kaya itinigil namin. Sana wag na po ninyong palakihin pa. Para hindi na umabot kay Dianne."
Parehong malungkot na tumango ang dalawa. Alam kong hindi sila sangayon sa pakiusap ko. Sino ba namang magulang ang gustong madihado ang mga anak nila? Lalo na si Papa, galit siya alam ko 'yun. Ramdam ko yun. Pero dahil sa pakiusap ko, kaya marahil ay pinipigilan niya ang sarili.
Masaya kaming kumain. O mas tama 'atang sabihin na iniba ko ang usapan. Ini-kwento ko sa kanila ang naging buhay ko sa mga taong nag-palaki sa akin. At kung anong mga klaseng tao ba sila. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko habang kina-kausap ko sila. Masaya ako. At pakiramdam ko medyo nabawasan ang mabigat na dinadala kong problema.
Isa ito sa mga pangarap ko. Ang kumain na kasamang nanay at tatay sa isang hapag. Bigla ko rin naisip sila lolo at lola. Siguro mas masaya kung kasama ko rin sila.
"Ma" Tawag ko sa kanya."May gusto po sana akong hilingin bago ako pumayag sa pagtira ko sa bahay niyo."
Nasa labas na kami at naglalakad pabalik sa hospital. Pareho silang huminto at humarap sa akin.
"Sabihin mo lang, anak. Kahit ano pa yan. Para man lang makabawi kami ng daddy mo sa mga araw na hindi ka namin nakasama."
"Nakakahiya po, pero gusto ko sanang makasama sila lolo at lola. Pwede po ba natin silang ipasundo para makasama ko sila sa iisang bahay. Promise ako po ang bahala sa kanila. Hindi sila magiging pabigat. Ako ang mag-aalaga sa kanila."
Mahabang wika ko. Habang nakikiusap.
Akala ko ay hindi sila papayag. Pero mali ako. Talagang mabubuting tao sila. Maswerte ako na sa kanila ako nanggaling. Lalo ko tuloy nararamdaman ang bigat ng kasalanan ko. Mabubuting tao sila, tapos hindi katanggap tanggap ang ginawa ko. Pero nagawa nilang maging malumanay at maintindihin sa akin.
Ngumiti ako ng matipid at sumabay ng paglalakad sa kanila. Sisiguraduhin ko na hindi ko na sila bibiguin. Susunduin ko ang lahat ng sasabihin sa akin nila mama at papa. Sa ganoon man lang ay makabawi ako sa nagawa ko.
________________________________________
💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomansaNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...