CHAPTER 19

379 3 0
                                    


YAEL'S

"Anak, ako na ang magba-bantay kay Yana. Lumabas ka na at patahanin mo si Sab. Kanina pa umiiyak 'yon."

Wika ni Mama nang pumasok siya sa kwarto na inuukupa ni Yana. Limang oras ng walang malay ang babae at mag-buhat kanina ay hindi ako umalis sa tabi nito. Nag-aalala pa rin ako dito dahil bigla na lang itong nawalan ng malay.

" Sige Ma, babalik na lang ako pag napatahan ko na si Sab."

Sagot ko saka tumayo para lumabas ng silid. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan ay muling nag-salita si mama.

"Marahil ay hindi lang ako ang nakakapansin na sobra ang pag-aalala mo kay Yana. May dapat ka bang aminin? Hindi lang nagsa-salita ang mga -in laws mo, pero alam kong nahahalata rin nila itong kung ano man sayo. May nararamdaman ka ba para kay Yana? "

Hindi ako naka-sagot agad. I want to tell  her that she is right, but I don't want her to be the first to know. Gusto ko na si Yana ang unang makarinig noon. Pero hindi ko magawa dahil sa komplikadong sitwasyon namin. 

"Wala ma." I heaved a sigh. " I just feel responsible to her. Alam mo naman kung bakit."

Sa halip ay isinagot ko sa kanya.

"Mabuti naman. Ayoko na magkaroon tayo ng alitan sa pamilya ng asawa mo."

Tumango ako bilang sagot saka tuluyan ng lumabas ng silid para puntahan ang anak ko.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay mama pero hindi ko ginawa dahil alam kong masama pa ang loob nito sa akin at ayaw ko ng dagdagan pa iyon. Hindi ako sigurado kung ano ba ang nararamdaman ko para kay Yana, but I am sure as hell that no other woman made me feel this kind of feeling. Not even my own wife.  Yana can make me go crazy without doin' anything.

Naabutan ko na pina-patahan ng mga -in laws ko at ni Yaya Alma ang anak ko na si Sab. Ngunit ayaw nito tumahan.

"Sab"

Tawag ko dito. Lumapit ito sa akin habang umiiyak pa rin. Naka-tingin naman sa akin ang mga nagpapatahan sa kanya kanina. Tumango ako sa mga ito para i-senyas na ako na ang bahala sa mga ito.

"D-daddy ok-kay lang n-naman si M-mommy d-di ba? B-bakit p-po b-ba siya nag-sleep na naman?"

Wika niya habang umiiyak kaya pa-putol putol ang salita nito. Pinahid ko ang luha nito gamit ang kamay ko.

"Ok lang si Mommy. Napagod lang siya sa byahe kanina kaya siya nagri-rest."

Paliwanag ko naman sa kanya.

"T-talaga? N-napagod lang siya?"

Tanong pa niya.

"Opo napagod lang ang mommy. Kung ayaw mo maniwala kay Daddy, si Mommy ang kausapin mo mamaya kapag nagising siya. Tanungin mo siya."

Saka lang ito tumahan ng marinig ang sinabi ko.

_______________________________________

YANA'S

[FLASHBACK]

"Parang awa niyo na po ibalik niyo na lang ako sa amin."

Umiiyak kong wika kay Aling Isay.

"Hindi na pwede may costumer na na bumili sayo sa auction. Jackpot kami sayo ang laki ng pera na ibinayad sa amin."

Nakangiti ito na parang demonyo ng sabihin 'yon.

"Ang sabi niyo po dadalhin niyo ako sa tatay ko. Pero ang totoo ibebenta niyo lang ako."

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon