YANA'S
Hindi ako dalawin ng antok dahil sa naganap sa pagitan namin ni Yael sa pamamasyal kasama ang anak nito. Pinapa-alalahanan ko ang sarili na hindi dapat ako makaramdam ng kahit ano sa lalaki kun'di galit lang. Dahil ito ang kumuha ng pinaka-iingatan ko. Pero kanina lang nang halikan ako nito habang tinuturuan ako na mag-skate ay hindi ko na-kontrol ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Tila sasabog ito sa sobrang lakas. Hindi ko alam kung paano kanina itatago ang mukha sa lalaki kaya sumiksik na lamang ako sa leeg nito. Dahil bukod sa pag-kabog ng dibdib ko ay dama ko rin ang pamumula ng aking mukha.
Kaya simula ng makaalis kami sa skating rink ng mall ay sinubukan ko nang iwasan ang mapa-tingin sa mata nito.Ayaw kong malaman ng lalaki na apektado ako sa halik na iginawad nito sa akin. Kahit iyon naman talaga ang totoo. Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Ten-thirtyseven pa lamang pala ng gabi. Kaya naisipan ko na lumabas sana ng silid. Ngunit saktong pag-bukas pa lamang ng pinto ng kwarto ko ay nakita ko naman ang lalaking laman ng isipan ko kanina lamang.
" Bakit? May kailangan ka ba?"
Kabado kong tanong dito.
" Sasabihin ko lang sana na bukas na kita dadalhin sa pamilya ni Dianne para ipakilala."
Sagot naman nito sa akin.
Sandaling naisantabi ko ang kakaibang nararamdaman para sa lalaki dahil nilukob ako ng kaba. Kaba na malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Kaba na baka ang mga taong nag-palaki at kinilala kong pamilya ay hindi pala totoo.
"Are you okay?"
Tanong ng lalaki na marahil ay nahalata ang pag-aalala ko.
"Wala 'to. Kinakabahan lang ako na baka pag nakita nila ako hindi nila ako tanggapin."
Kinuha nito ang isang kamay ko saka marahang pinisil.
"Sigurado akong matatanggap ka nila at mamahalin kagaya ng pagtanggap at pagmamahal mo sa anak ko."
Nakatitig sila sa mata ng isa't isa habang sinasabi iyon sa akin ng lalaki. Muli ay bumalik ang kanina ay nararamdaman ko na kakaiba dahil sa pagdadaiti ng kanilang mga balat. Tila nag-aapoy ang mga titig ng lalaki sa akin, na ang epekto ay ang pamumula ng aking pisngi.
Binawi ko ang mga kamay mula sa lalaki at umiwas ng tingin sa mata nito. Pinasadahan ko na lang ng tingin ang suot nito. Naka-sando lang ang lalaki habang naka-boxer short. Pinamulahan pa akong lalo ng mapa-dako ang tingin doon. Tama ba ang nakikita ko? Tila hindi nais itago ng lalaki ang nararamdaman nito.
Napa-tingin ako dito ng marinig ko mahinang tawa nito. I saw the amusement in his eyes.
"B-bakit ka t-tumatawa?"
Kanda-utal na tanong ko.
"Nothing, natawa lang ako dahil parang sing kulay na ng kamatis sa pula ang mukha mo."
"E-exaggerated ka naman."
Sagot ko naman dito.
"What made you blush?"
Kapagkuwan ay tanong nito.
"Wala. Umalis ka na matutulog na ako."
"Matutulog? Pero kanina lang kung wala ako sa pintuan ng kwarto mo dapat lalabas ka. Saan ka pala dapat pupunta?"
Nakangisi ang lalaki habang tinatanong ako. Nais kong burahin ang ngisi ng lalaki pero hindi ko alam kung paano iyon gagawin.
"Pupunta dapat ako sa room ni Sab. Tama sa room ni Sab, kase ano papatulugin ko siya. Oo, patutulugin ko siya."
Sagot ko dito.
"Kanina pa natin napatulog si Sab. Bago tayo pumasok sa kanya kanyang kwarto natin."
"Ano, iinom ako. Tama, iinom ako ng tubig sa kusina."
Iwas kong sagot sa lalaki. Dahil kung saan saan napapadako ang tingin ko ay kanda-mali ako ng sagot dito.
"Wala ka bang bathrobe? Dapat hindi ka lumalabas ng ganyan."
Kapagkuwan ay wika ko sa lalaki na ikinatawa naman nito ng bahagya.
"Lalaki ako kaya ok lang na mag-suot ako ng ganito. I used to walk in my house naked. Pero dahil may mga kasama ako kaya nakadamit pa ako."
Hindi ko gusto na isipin pero kusang lumitaw sa isipan ko ang imahe nito. Si Yael habang walang saplot na palakad lakad sa buong kabahayan. Agad kong binura sa isip ang imahinasyon na lumitaw doon. Mali na pag-pantasyahan ko ang lalaking may asawa na. Pagpa-paalala ko pa sa sarili.
"Ganun pala, sige hindi na pala ako nauuhaw. Pasok na ako sa kwarto para matulog."
Wika ko dito at akmang papasok na sa kwarto ng pigilan ako nito sa braso. Napatingin ako sa kamay nito na naka-hawak sa akin.
" Can I ask you something?"
Tanong nito sa akin.
"Ano 'yun?"
Tanong ko naman pabalik dito habang nakatitig sa mata nito.
"Pwede ba kitang halikan?"
Hindi ko alam kung nabingi ba ako sa narinig mula sa lalaki.
"Ha?"
"I want to kiss you so bad, again. Pero ayoko na halikan ka ng hindi mo naman gusto dahil baka mas magalit ka sa akin."
"Pero kanina hinalikan mo ako. Sa skating rink, hindi mo naman ako tinanong ng ganito."
Bago ko pa mapigilan ang sarili ay naibulalas ko na sa lalaki.
"So? Ok lang na halikan kita ulit?"
"Oo, hindi. I mean b—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay hapit na ako ng lalaki sa bewang at naramdaman ko na lang ang pag-lapat ng labi nito sa labi ko. Parang may sumabog na mga fireworks sa taas ng mga ulo namin at may nagliliparang mga paru paru sa loob nang tiyan ko.
Yael is kissing me tenderly, na para bang isa akong babasaging pinggan. Hindi katulad ng unang halik na naranasan ko dito na mapag-parusa. Dahil ang akala nito ay ako ang nawawala nitong asawa. Sa naisip ay naitulak ko ang lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala na may asawa nga pala ang lalaki at hindi ako 'yun.
"Mali 'to."Wika ko saka pumasok sa silid at sinaraduhan ng pinto ang lalaki. Hindi ko gustong maulit ang nangyari sa amin. Isa iyong pagkakamali na hindi dapat na maulit uli. Mali na magustuhan ko ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Hindi iyon tama dahil may asawa ito.
_____________________________________
💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...