EPILOGUE

619 7 2
                                    

YANA'S

Walang pag-sidlan ang saya na nararamdaman ko. Sa mahingit isang taon na nakalipas, mag-mula ng ipag-laban ako ni Yael sa mga magulang ko. At first, nahirapan kami. Lalo na nang ipaliwanag namin kay Sab ang sitwasyon. Pero hindi naman iyon nag-tagal. Dahil nag-paliwanag sa kanya ang Mommy Dianne niya sa sitwasyon. Na agad na naintindihan ng bata. Matalino si Sab, sa edad niya ay naunawaan niya agad ang lahat.

Sa mga magulang ko naman. Paunti-unti ay tina-tanggap nila ang lahat. At alam kong babalik rin sa dati ang samahan ng magulang ko at ni Yael pag-lipas ng panahon. Mula sa terasa ng bahay ni Yael ay tinatanaw ko ang pakikipag-kwentuhan ni Sab sa lolo at lola ko sa garden. Napa-ngiti ako ng makita ko ang pag-lapit ni Ate Dianne at ng girlfriend niya. Si Stacey— yung babaeng nag-pakilala na kaibigan niya sa hospital noon— may dala silang meryenda.

Marahil nag-luto na naman ang mag-kasintahan sa kusina. Isang professional chef kase si Stacey at Restaurant owner naman ang kapatid ko. Kaya pag-luluto talaga ang bonding nila kapag bumibisita dito para kay Sab.

Yes, I am living with Yael and Sab. Matapos noong ipaglaban niya ako sa parents ko, ay iniuwi niya na ako dito. Natatakot daw kase siya na baka ilayo pa ako ng magulang ko. Na hindi naman nangyari.

Nanuot sa ilong ko amoy ni Yael nang maramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin mula sa likod.

"Bakit bumangon ka kaagad?" He asked in a raspy, yet sexy tone. He kiss the side of my neck. I 'hmmm' at what he just did. "The bed felt empty without you. Bumalik na tayo sa kama. Maraming magbabantay kay Sab ngayon. Kailangan nating sulitin 'to."

"Madaling araw na tayo natulog, Yael." Natatawa kong wika. "Kulang pa rin? Hindi ka ba nagsasawa?"

"I will never get tired of you my sweet Yana." Iniharap niya ako sa kanya. Pinag-dikit niya ang mga noo namin. "Atsaka kailangan nating sipagan."

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi ba sinabi sayo ni Sab?" Nakangisi niyang wika. "Mina-madali na niya ako na gumawa ng kapatid niya."

Natawa ako. Nai-imagine ko kase kung paano sinabi sa kanya ni Sab na gusto na niya ng kapatid. Ang batang yun pa naman kapag humiling gusto instant. Akala 'ata parang instant noodles ang pag-gawa ng bata. Agad-agad.

Dapat isu-surprise ko kay Yael ang nalaman ko noong isang araw na magandang balita. Pero dahil nangungulit siya ngayon. Sasabihin ko na lang. Linapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Hindi mo na kailangan mag-sipag." Nangunot ang noo niya sa akin. "Buntis na ako. Noong isang araw ko lang nalaman. Two weeks na kase akong delay sa period ko. Kaya nagpa-sama ako kay Ate at kay Stacey sa Obgyne para makumpirma ang hinala ko. And, boom... buntis."

Nakita ko kung paano gumuhit ang saya sa mukha niya. Niyakap niya ako at inikot ng isang beses. Napatili na lang ako. Nang ilapag niya ako ng maingat ay lumuhod siya sa harap ko, saka hinawakan ang tiyan ko.

"Anak? andito si Daddy." Kausap niya pa sa tiyan ko.

Hinampas ko siya sa balikat habang natatawa. "Hindi pa nakakaintindi yan."

Sumilip siya sa mga tao sa garden mula sa terasa. Saka masayang isinigaw ang magandang balita.

"Everyone! Magiging Daddy na ako ulit. May kapatid na si Sab."

Kita ko ang saya sa kanila sa narinig mula kay Yael. Lalo na si Sab.

Muling humarap sa akin si Yael. Tinitigan ako ng may pagmamahal."May surprise rin ako sayo." Wika niya.

"Ano yun?" Kahit nagtataka kung ano ang surprise niya ay naka-ngiti pa rin ako. Hindi na 'ata mawawala ang ngiti sa labi ko dahil sa kanya.

"Mapapakasalan na kita. My marriage with Dianne is officially divorce."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

_____________________________________

YAEL'S

"Tumakas na kaya tayo dito? Tutal nakapag-thank you na tayo sa mga bisita."

Isang hampas ang nakuha ko sa asawa ko. Imbes na magalit ay napangiti ako. Asawa ko na talaga siya. Nakatali na siya sa akin.

"Ano ka ba naman? Tapusin natin ang reception para ka namang sabik na sabik."

"Babe, isang linggo akong hindi pinalapit ng mama mo sayo." Wika ko. "Imagine my days without you? It's hell. Bakit kase kailangan pa sumunod sa kasabihan."

Naka-nguso kong wika. Isang halik ang naramdaman ko na bigla na lamang iginawad ng asawa ko sa akin. Niyakap ko na lamang siya.

Akala ko talaga hindi ko mararanasan ang ganito. Pero tama pala si Mommy darating at darating ang tamang tao at panahon para sa akin. Para maging masaya ako. At gagawin ko ang lahat para hindi na ito mawala sa akin.

"Ma'am umiiyak po si JR. Hinahanap po 'ata ang presence niyo."

Wika ng kinuha naming Yaya para sa pangalawa namin ni Yana. Five months ago ng maipanganak niya si JR, ay saka namin ni-plano ang kasal namin ni Yana.

"Gutom ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi po, kakapadede ko lang po sa kanya e."

Kinuha ni Yana si JR kay Yaya. Para namang magic na huminto ang bata. Nagkatawanan kaming dalawa.

"Ito yung kalaban ko sa atensyon mo minsan e. Ang mga anak natin."

Birong totoo ko sa kanya.

"Pati ba naman bata?" Tumatawa niyang wika.

Ngumiti lang ako. Lumapit sa amin si Dianne at ang girlfriend niya na si Stacey kasama si Sab.

"Congrats"
"Congratulatios"

Sabay nilang bati sa amin. Agad naman nagpabuhat sa akin si Sab. Na agad kong binuhat.

"Salamat"

Everything is perfect. Wala na akong mahihiling pa. Dahil kompleto na ako. Siguro hindi magiging perpekto ang magiging pagsasama namin. May pagaawayan kami na maliliit na bagay, pero kahit na ganoon. Sisiguraduhin ko na hindi mawawala sa akin itong pamilya na binuo ko.

_______________________________________

💜

END...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon