CHAPTER 24

337 3 0
                                    

YANA'S

"Ana?"

Napalingon ako sa taong nag-salita nang marinig ko ang palayaw ko. Bukod kase sa palayaw ko na Yana, ay kilala rin ako sa palayaw na Ana, ng mga dating ka-klase ko noong high school. At hindi nga ako nag-kamali, kilala ko ang taong tumawag sa pangalan ko. Si Melody, kasama niya rin si Arvin ang baklang ka-klase rin namin.

"Melody? Arvin? Kamusta na kayo?"

Masaya kong tanong sa kanila.

"Ikaw ang kamusta? Ang balita namin nawawala ka? Nakita ko pa nga sa police station si Jen at Carlo, kasama ang lolo at lola mo, nagre-report ng missing person para sayo."

Balik tanong niya sa akin. Ang tinutukoy niya na kasama ng lolo at lola ko ay ang dalawa kong matalik na kaibigan.

"Ayos l-lang ako." Mahinang sagot ko.

May sinasabi pa sila sa akin pero hindi ko na maintindihan. Iniisip ko ang pamilya ko. Kung paano sila nahirapan sa pagkawala ko. Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pag-akbay  ng kung sino sa akin. Nang tingnan ko ito ay si Yael ang nakita ko.

"Sino siya, Ana? Boyfreind mo?"

Si Arvin ang unang nag-react. Kita ko ang paghanga sa mga mata nila habang nakatingin sila kay Yael.

"Hindi. B—"

Yael cut me off.

"Ana? Is that your other nickname?"

"Oo, other nickname niya yun, pogi."

Si Arvin na ang  sumagot sa kanya. Pinalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin ng hindi masyadong nahahalata ng mga kaharap namin.

"Hindi mo ba kami ipapa-kilala sa kanya, Ana?"

Melody asked still looking at me and Yael. Ako na dapat ang sasagot sa kanya ng unahan ako ni Yael.

"Yael."

He said and offered his hand. Nag-unahan pa ang dalawa sa pag-abot sa kamay ni Yael.

"Melody."
"Arvin."

Sabay na wika ng dalawa. Napatawa ako ng bahagya sa inaakto nilang dalawa.

"May asawa na yan si Melody. Ako single pa."

Pahabol pa ni Arvin.

"May asawa na rin yan."

Sagot ko naman kay Arvin. Ramdam ko ang titig ni Yael sa akin. Samantalang 'tila nakaramdam naman ng ilang ang dalawa.

"Ah, sige una na kami, Ana. Nice to see you again."

Si Melody ang nag-salita. Hinila niya si Arvin paalis. Tinanaw ko na lang sila paalis. Nauna na akong sumakay ng sasakyan niya. Nang makapasok naman si Yael ay pansin ko ang pananahimik niya.

"Deretso na tayo sa amin."

Tumango lang siya sa sinabi ko. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Yael matapos namin makausap ang mga dating classmate ko. At hindi ko alam kung ano ang dahilan. Dahil ba sinabi kong hindi ko siya boyfriend? Kung hindi yun ang dahilan, hindi ko na alam.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pananahimik niya, pero sana hindi 'yon ang dahilan. Dahil wala naman kaming dapat na maging ugnayan. May asawa at anak siya. May sarili na siyang mundo na nabuo niya bago pa ako dumating. Isa lang ako sa mga babaeng dadaan at mawawala sa buhay niya dahil 'yun ang reality.

Ayaw kong makaramdam ng kahit na anong feelings sa kanya dahil alam ko na ako lang rin ang matatalo sa huli. Ayaw kong umuwi ng talunan at umiiyak. Pero alam kong magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala pa akong nararamdaman para sa kanya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Pero alam kong hindi pwede. Kaya pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi dapat ako nagpapa-daig sa nararamdaman ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na dapat magalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya noon sa akin. Pero natunaw 'yun na parang bula ng makilala ko siya ng tuluyan.
Huminto siya sa may malaking tulay.  

"Sabi ni waze may daan dito papunta sa inyo. Should I go this way? Or that way?"

Tukoy niya sa dalawang daan na pwedeng daanan papunta sa bahay namin.

"Dito na lang tayo dumaan."

Sagot ko na ang tinutukoy ay ang daan paliko sa malaking tulay. Matapos nun ay hindi na siya muling nag-salita pa. Nang makarating kami sa may mismong likod ng bahay namin na may maliit na space dahil may mini court doon ay saka lamang siya muling nag-salita ulit.

"Dito na ba ako magpa-park? Pwede ba dito?"

Tumango ako bilang sagot. Akmang lalabas na ako ng sasakyan ng pigilan niya ako.

"Really? Tatango ka lang? "

Nangunot ang noo ko sa kanya.

"Pag ikaw ang hindi nagsa-salita okay lang? Kapag ako, nagagalit ka? Ano bang problema mo?"

"Ok, I'm sorry. I am just had a lot on my mind. So, can't we just pass through it? And answer me, if this is okay? I meaan this place to park my car."

Siguro nga marami lang siyang iniisip.

"Oo, pwede mag park dito. Malawak ang lupa na pag-aari ng buong angkan ng pamilya ng lolo ko at parte 'to ng lupa ng lolo ko. Ilan sa mga bahay dito puro kamag-anak namin ang nakatira. Yung iba naman, ibinigay ni lolo sa mga taong walang lupa para matayuan ng bahay."

Paliwanag ko sa kanya.

"So mayaman rin kayo?"

Napatawa ako ng bahagya.

"Sana. Kung hindi lang naging hobby ni lolo ang tumulong at mamigay ng lupa sa mga walang matayuan ng bahay. Sa sobrang bait niya, ang niyogan at mga nipa tree na lang ang natira sa kanya. Na hindi rin naman mapagka-kitaan dahil walang umiintindi."

"Ang lolo mo? Hindi niya ba kayang i-manage?"

"Masyado ng matanda si lolo. Hindi na niya kaya. Yung iba ko namang kamag-anak may kanya kanya nang buhay. "

Inaya ko na siyang bumaba matapos yun. Kita ko ang gulat sa mata ng mga kamag-anak ko at iba ko pang kapit-bahay ng makita akong bumaba ng sasakyan. Hindi rin nila naitago ang reaksyon nila ng makita ang kasama ko.
Nag-simula kong marinig ang bulungan ng mga tao, kung maituturing man naa bulong 'yun dahil naririnig rin naman namin.

'Ang apo ni Ka Edel at Ka Felly iyan 'di ba?'

'Oo, yan yung nawawala.'

'Sa tingin ko ay hindi nawawala. Naglayas o nag-tanan'

'Parehas ng ina. Malantod.'

'Tama, naalala ko noon dumating na lang bigla ang nanay niya bumalik na may anak. Siya naman bumalik na may kasamang lalaki.'

Napailing-iling na lang ako sa mga narinig ko.

"Are you not gonna say anything to them? They are bad mouthing you."

Medyo inis na tanong sa akin ni Yael.

"Hindi naman worth it. Hayaan mo na."

Sagot ko naman saka siya inaya papunta sa bahay namin.

_________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon