YAEL'S
Me and my in laws are just listening to my mom. She is story tellin' about what happened to Yana— accordingly to what Yana remembered. Kasama ni Yana si Sab na nagba-bonding sa kwarto, ayaw kase itong iwan ng huli. Baka daw magka-sakit na naman ang mommy niya kapag naiwan niya.
Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko kay Yana habang nakikinig sa kini-kwento ng nanay ko. I balled my hand into fist.
"I think whatever happened to Yana is a part of a human trafficking syndicate something."
My mother in law stated. She is the first one to comment after my mom finished the story.
"That's what I thought too, balae."
Segunda naman sa kanya ni mama.
"Ano na ang gagawin natin? Sasabihin ba natin sa mga pulis?"
Tanong ni mama Rosenda.
"Ofcourse, ire-report natin. Pero sa kakilala nating pulis. Sa mapagkakatiwalaan natin. We don't know, baka may kapit rin na pulis ang mga 'yon. We need to be careful."
Wika naman ni papa Rick.
Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi niya. Tama siya, dapat kaming mag-ingat hindi namin alam kung gaano ba kalaki at kalawak ng implowensya ng sindikato na babanggain namin. Who knows, na baka kaya hindi hinahanap ng mga ito si Yana ay dahil hawak nang mga ito si Dianne. Or maybe, not. There's a lot of possibility that can happen.
"My PI just called before mom started to tell about what happened to Yana. He is investigating about aling Isay, the one who brought Yana in the city. He wants to meet me, pero dahil may nangyari kay Yana kanina. Sinabi ko na lang na dito siya mag-punta para mag-report ng mga nalaman niya. I gave him your address."
Paliwanag ko sa kanila.
"Why meet him here? Pwede mo naman siyang kausapin sa labas. Coffee shop, or in a restaurant, maybe? If your concern is Yana, you don't need to worry about her. She's our daughter, so she's in good hands."
Mama Rosenda said.
"Don't take it in a wrong way. Your mama Rosenda was just curious."
Sigunda sa kanya ni Papa Rick.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at inaantay ang magiging sagot ko. Alam ko na kahit itanggi ko pa ay halata sa kilos ko ang kakaibang pag-aalala ko kay Yana, at hindi iyon naka-ligtas sa mapanuring mata ng mama at in laws ko.
"I just thought that maybe, I should share whatever information I have with you. Because Yana is your daughter. Pero kung ayaw niyo naman na papuntahin dito ang PI ko. It's okay, I can just tell him right now to meet me in a near cafe."
_________________________________________
YANA'S
Alam kong hindi ko dapat ipakita kay Sab na malungkot ako. Kaya pilit kong ipinapakita sa kanya na masaya ako. Kasama ko ang bata habang inu-obserbahan ako ng family doctor ng mga Alvares. Ina-assure ko siya na okay na ako.
"Mommy, sure ka ba na okay ka na? Lagi ka kaseng nakakatulog e. Parang lagi kang pagod. Lagi akong nawo-
worry na baka mawawala ka sa akin. Sa amin ni daddy."Malungkot pa rin na wika niya.
"Okay na ako anak. Kaya ko na ngang tumayo e. Tingnan mo, hindi na ako natutumba."
Pinakita ko pa sa kanya na kaya ko na ngang tumayo para hindi na siya mag-alala. Nang sa tingin ko naman ay naniwala na siya ay pinasama ko muna siya kay Ate Alma. At sinabi ko na pupuntahan ko ang daddy at mga lola at lolo niya.
"Bakit hindi ako pwedeng sumama? Kela daddy ka naman pupunta."
Reklamo ng bata na tila ayaw pa sumama sa yaya niya.
"Kase anak , kakausapin ko sila about sa mga adult stuff. At hindi pwedeng makinig ang mga bata."
Ngumuso siya na ikina-tawa ko. Pero agad rin sumama sa yaya niya ng sabihin ko 'yun. Nakita ko sila na nag-uusap usap sa may garden lawn.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Lumingon sila sa akin. Agad lumapit sa akin si sir Yael at akmang aalalayan niya ako nang iwasan ko siya."Okay lang ako. 'Wag mo na ako alalayan."
Ibinaba niya ang kamay na hahawak dapat sa akin para alalayan ako nang marinig niya ang sinabi ko.
"Bakit ka naman bumangon agad? Okay ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?"
Sunod sunod na tanong sa akin ni Mr. Alvares.
"Ayos na po ako, Mr. Alvares."
Sagot ko naman.
Nagpalitan ang mag asawang Alvares ng tingin. Saka siya ang lumapit para alalayan akong umupo sa inu-upuan nila ni Mr. Alvares. Hawak niya ang kamay ko at napapagitnaan ako nilang mag-asawa. Marahan na pinisil ni Mrs. Alvares ang kamay ko na hawak niya.
"Hija, you can start calling us Mom and Dad."
I heaved a sigh before I answered.
"Hindi pa naman po lumalabas ang result kung anak niyo ako."
"You are our daughter. Kahit wala pang dna result. Nag-dna result lang naman tayo dahil nirerespeto namin ang gusto mo. But in our heart, alam namin na anak ka namin. Nararamdaman ko, ako ang mommy mo. Sa akin ka galing."
Naluluha niya pang wika.
"Pwede po bang bigyan niyo ako ng time para tanggapin ang lahat?" I breathed heavily as my eyes started to water. "Buong buhay ko po hindi ko kayo kilala bilang magulang. At hindi po nag-kulang ang mga taong nag-alaga sa akin na iparamdam na hindi ako parte ng pamilya nila. Kaya nahihirapan pa po ako na tanggapin ang lahat."
Tumango ang mag-asawa at sabay na nag-wika.
"We understand, hija."
Nang kumalma na ang lahat ay si ma'am Cita ang nag-salita.
"Bakit ka bumangon agad, Yana? May sasabihin ka ba?"
"Opo. Gusto ko po sana na umuwi muna saglit sa amin para makita sila lolo at lola. Tumakas lang po ako sa amin e. Hindi ko po kase alam na mangyayari pala sa akin 'to. Akala ko makakauwi agad ako."
Nagtinginan silang lahat sa sinabi ko.
"I can go with you, with your mom. Ihahatid ka na namin, para makilala na namin ang mga taong papasalamatan namin na nag-palaki sayo."
Sabi pa ni Mr. Alavares, na agad kong tinanggihan.
"Hindi na po. Magpapaturo na lang ako kay ate Alma kung paano sasakay ng bus. Alam ko naman poo ang babaan ng bus sa amin. Ayoko po na maka-abala pa."
"Hindi ka abala, anak. Kung ayaw mo naman mag-pahatid sa amin ng daddy mo—" Saglit siyang huminto. "Pwede ka naman samahan ni Yael."
Halata sa boses ng ginang ang pag-aalangan sa huling sinabi nito. Nagkatingin kami ni Yael para lang muli kong bawiin ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nagiging komportable sa mga titig na binibigay niya.
" Ayos lang ba 'yun sayo, hijo? I mean, can you free your schedule? I know your busy."
Tanong pa ni Mr. Alvares sa kanya.
" I can clear my schedule, 'Pa."
Deretsong sagot niya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na kailangan pero ng makita ko ang determinasyon sa mga mata niya ay hindi na ako nakapag-salita pa.
_______________________________________
💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...