Lei's pov
Kilig to the max ako ngayon.....
Akalain mo na sa isang linggo eh mapapasagot ako ng gunggong na yon.
Kasi naman po ganito yun...
Flashback
Papasok na sana kami nina Stacey kaso sa pagpasok namin ay bawat estudyanteng madadaan namin eh bibigyan kami ng bulaklak...
At sa pang 30 roses ay saka nakaharela sina Rave na may dalang red rose, si Zen ay pink, si Xero ay blue at si Zack na nanonood lang pati si Casey...Nag eemote pa ang g*ga kesyo daw wala daw mag bibigay ng bulaklak sa kanya...
Tapos non ay nung Martes naman ay teddy bears, sa Miyerkules ay nag production number silang tatlo at dahil hindi marunong sumayaw si Rave ay tawa lang kami ng tawa...
Huwebes, ay nag triple date kami..
Sa gabi yun noh, hindi kami marunong mag absent noh, good girl kami eh...
Nung Biyernes naman ay normal days ..
Sabado ay wala silang ginawa at ngayong Linggo ay pinapapunta kami sa school, at sasagutin ko na syaFlashback ends
Pero pansin ko lang na wala si Alex lagi...
Hmmpp yaan mo na nga..
Pagkatapak ko pa lang ng school ay agad kong nakita sina Mikka kasama sina Michelle, yup napatawad ko na sya kasi everyone changed naman diba...
Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila pagkalapit na pagkalapit ko pa lang
Wala lang napadaan lang kami, paalis na rin kami kasi inasikaso lang namin yung mga absents namin" sabi ni Michelle
Nagpaalam na ang kami sa kanila kaya naman sila Mikka at tiningnan ko
Woy! Nandito kami kasi pinapunta kami ng boyfriends namin" depensang sabi ni Mikka
Wapakels ka na dun Mimi" sabi ni Casey habang nakataas ang kilay, wala pa naman akong sinasabi-_-#
Napatigil na lang kami nang may dumating na mga sasakyan..
Lumabas doon ang gwapo kong manliligaw or should I say my-boyfriend-to-be, kasama yung tatlong tukmol..
Lalapit sana ako sa kanila nang may biglang lumabas na apat na babae...
Nangunot na lang ang noo naming apat ng biglang kumapit sa kanila ang mga lintang..
Sino sila ha, Zen?!" sigaw ni Stacey na ngayon ay namumula na sa selos
Sila, sila ang tunay naming mga girlfriend" walang emosyong sabi ni Zen kaya naman napatanga na lang kami
Wag naman kayong magbiro, hindi na nakakatawa Xero" sabi ni Mikka habang nanggigilid na ang mga luha
Hindi Mikka break na tayo" sagot ni Xero sabay talikod sa amin at andar ng kotse
Haha, tayo rin Zen break na rin ba tayo?!" sumbat ni Stacey habang umiiyak
Oo, wala na akong pakielam sa iyo" sabi ni Zen sabay gaya sa walk-out ni Xero, haha natuto pa kong mag joke noh
Hoy, gunggong wag mong sabihin na break na tayo kasi hindi naman tayo, magiging pa lang haha, alam mo yung masakit na mahal kita pero pinagmukha mo lang akong tanga" sabi ko kay Rave saka ako tumalikod, bakit? Ayoko ng umiyak ulit, malakas ako yan ang alam ko kaya hindi na ako iiyak
Isang tanong na lang" sabi ni Casey kay Zack kaya napatigil ako
Kasali ba kayo sa mafiang Golden Eagles?"