LOL 25 ▶ I'll try

171 29 7
                                    

~STEPHEN~

"Poor Alexa" rinig kong sabi ni Lucy

Nasa tabi ko siya ngayon sa kotse, pupunta kami sa bahay niya kasi...We need to continue it. I need her right now. I badly need her.

***********

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Lucy, umuwi na din ako.

Sa mga nakaraang araw, parang hindi ko na napapansin si Alexa--I mean, kasama namin siya pero wala na yung atensyon ko sa kanya.

Pero ang alam ko mahal ko siya. Pero bakit parang si Lucy na yung palagi kong naiisip? Bakit siya na yung natutuunan ko ng pansin?

Dahil ba nagagawa ni Lucy yung mga pagkukulang ni Alexa? Dahil ba mas maalaga si Lucy kesa sa kanya?

Pero mahal  ko naman talaga si Alexa diba? Ano ng nangyayari? Asan na yung dating kami?

Pagkauwi ko, nakasalubong ko agad si mama.

"Why are you late? Where did you go? Kasama mo ba si Alexa?" tanong niya

"No" tipid na sagot ko at umupo na muna dito sa sofa sa sala at ganun din yung ginawa ni mama

"Any problem?" tanong ni mama na nasa tabi ko

"Ma, bago ba kayo magpakasal ni papa eh, nagkaron muna kayo ng ibang boyfriend?" tanong ko

"Uhm, yes. Akala ko nga siya na yung para sa'kin. But I'm wrong"

Huminga muna ako ng malalim at tumingin ulit kay mama.

"Stephen, always remember that hindi lahat ng nasayo ay sayo na talaga. May mga bagay o taong dumadating sa buhay natin na pangsamantala lang. Pero kung hindi man yun para sayo, may panibagong dadating naman sa buhay mo" sabi ni mama at umalis na sa tabi ko

Ok, di ko na-gets! Tss.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko at nagayos na ng sarili.

Dahil wala naman kaming assignment kaya nagbukas nalang ako ng facebook ko.

Dahil famous ako, siyempre 10k+ notification, 6k+ messages and 5k+ friend request. But I ignore it.

Tumambay muna ako sa facebook ni Lucy. She's famous too. Ang gaganda ng display pictures niya.

Minessage ko rin siya na, susunduin ko siya bukas kaya nagreply naman siya ng 'ok'.

Ila-log out ko na sana yung facebook ko ng may nagmessage sa'kin.

[Hi] si Alexa

Dahil wala na kong gana, kaya seen nalang at naglog-out na 'ko.

Ano na bang nangyayari sa'kin?

**********

Sinabi ko kay Alexa na hindi ko siya masusundo and thank god, pumayag naman siya.

Sinundo ko na si Lucy at nakapasok na din kami.

Hinatid ko na siya sa room niya, at ako nasa room na din.

After a minute, dumating na yung adviser namin kaya umayos na 'ko ng upo.

"Class, I have a big announcement" panimula ng adviser namin "This coming friday, may contest tayo. It's a pageant. Mr. and Ms. St. Paul Highschool"

And as usual, nagbulong-bulungan na naman yung mga kaklase ko.

"Mamimili tayo kung sinong ipanglalaban natin sa section natin" tumingin tingin muna siya sa mga students sa room at huminto ng tingin sa akin "Sinong boto kay Stephen?" tanong ni Ma'am

Halos lahat ng nasa room ay nagtaasan ng kamay especially yung mga girls.

Nagpaboto na din siya para naman sa girls. Siyempre yung may itsura yung binoto nila.

Psh. Sanay na ko sa ganyang contest. I know, ako ang mananalo.

"Ok. Stephen and Kate. Pupunta kayong dalawa mamaya sa gym para malaman niyo yung mga kailangan niyo para sa contest" sabi niya at nag nod lang kami pareho ni Kate

As usual.

Lecture.

Lecture.

Lecture.

Ok 5 minutes more.

And, Break time na!

Pumunta na ko sa room nila Alexa at Lucy na lagi kong ginagawa.

Pag labas nila, nakita kong nakasimangot si Lucy.

Pagdating namin sa table namin, inorder ko na muna yung pagkain naming tatlo.

Pagkabalik ko, tumabi na ko kay Alexa at nasa tapat ko naman si Lucy.

"Lucy sinong partner mo sa contest?" tanong ko

Alam ko kasi na siya lagi yung pinanglalaban sa section nila.

Hinihintay ko siyang sumagot pero mas sumimangot lang siya.

"Ako" singit ni Alexa

"Huh? Ano'ng ikaw?" tanong ko
"Ako yung ipanglalaban" walang ganang sagot niya ng hindi nakatingin sa'kin

"Weh? Di nga? Pano?" tanong ko

Nakakapagtaka lang. Hindi naman kasi sumasali si Alexa sa mga ganung contest eh.

Nagkibit balikat lang siya at kumain na ulit.

"Sinong partner mo?" tanong ko

"Zac" sabi niya

Pero...Bakit...Ano...Bakit hindi ako nagalit o nagselos man lang?

"Ah" sagot ko nalang

Umalis na si Lucy at naiwan nalang kami ni Alexa.

"I need to go" sabi ni Alexa pero nahawakan ko na agad siya bago pa siya makaalis

"What?" tanong niya

"Sabay na tayo" sabi ko at inakbayan ko siya gaya ng ginagawa ko dati

Ng makapunta kami sa room nila, aalis na sana ako.

"Stephen...I love you" sabi niya kaya napangiti ako

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya tapos hinalikan yung buhok niya gaya ng ginagawa ko dati.

"I love you so much Alexa. Don't leave me ok? Sorry sa mga nagawa ko" sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso

"Promise me, you'll stay" sabi niya pero hindi ako nakasagot

Tumalikod nalang siya at pumasok nalang ng classroom niya.

I can't promise. But i'll try...

____________________________________

A/N:

Wala talaga kong maisip pag POV na ni Stephen. Kainis. Haha. Dami pang typo.

Sa tingin niyo ano'ng mangyayari next chapter?

Sorry sa mabagal na update. Mabagal din ang utak tsaka yung wifi eh. Tsuri.

Guys. Pahelp ako. Ano magandang kantahin nila Faith at Zac para sa contest nila? Yung nekekekeleg ah! Comment kayo dali ^_^

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon