LOL 31 ▶ Pregnant

130 27 5
                                    

~STEPHEN~

"I'm pregnant" salita na masayang pakinggan kapag nasa tamang panahon kana

"No way!" sagot ko kay Lucy "Hell no! F*cking hell no!" sigaw ko

"Stephen, kitang-kita mo naman diba" sabi niya sabay pakita ulit ng pregnancy test

Ilang araw na din kasi siyang nagsusuka, at ngayong kauuwi lang namin galing sa contest, naisipan naming icheck kung totoo nga yung nararamdaman niya.

"Lucy, bata pa 'ko--tayo!" sigaw ko ulit

Nandito kami ngayon sa bahay ko.

"It's your fault! Panagutan mo 'ko!" sigaw ulit niya kaya napahilamos nalang yung kamay ko sa buhok ko

"Baka hindi akin yan!" pagtanggi ko

"All this time, iniisip mo na nakikipag sex ako sa iba? Tanga ka ba?" tanong niya

"Pero paano yung buhay natin? Yung pag-aaral? Yung sasabihin ng ibang tao? Yung parents natin? Tsaka pano kami ni Alexa?" tanong ko

"Ganyan kaba talaga ha? Hindi mo man lang ako naisip? Ako yung maghihirap. Ako yung magmumukhang malandi. Ako yung mas sasama ang image. Hindi mo man lang ba naisip yun ha?"

"Pero hindi ko naman kasi ginusto yan!"

"Bakit, ako ba gusto ko?! Ako yung magpapakahirap, hindi ikaw!"

"P*ta!" sigaw ko at sinuntok yung pader na malapit sa'kin

"Umuwi kana muna Lucy" mahinahong sabi ko

"But--"

"Please lang" madiing sabi ko kaya umalis nalang din siya

What the hell am I done?

Hindi ko naman akalain na mabubuntis ko si Lucy. Yung kaibigan ko pa, at kaibigan pa ng girlfriend ko. Sh*t!!

"Ahhhgggrrr! Bwiset! T*ng*n*!!!!"

"Anak, bakit? May problema ba?" tanong ni mama na nasa labas ng pinto ng kwarto ko

"Wala po" sigaw ko

"Bakit umiiyak si Lucy kanina nung pauwi siya? May nangyari ba?"

Opo ma, may nangyari sa'min at nabuntis ko siya.

"Nandito pala yung papa mo, pwede ba kaming pumasok?" tanong ulit ni mama

"Sige po ma" sagot ko nalang

"May problema ba Stephen?" tanong ni papa

"Wala po" pagsisinungaling ko

"You're lying" sabat ni mama

Tinignan lang nila ako at napabuntong hininga nalang ako bago magsalita.

"Nakabuntis po ako" sabi ko at halata sa mukha nila yung pagkagulat

"W-what did you say?" tanong ni mama

"Nakabuntis po ak--" hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi bigla nalang akong sinuntok ni papa

"Sabi ko na nga ba eh! Kaya ayaw ko na nag-gi-girlfriend ka! Panagutan mo yang girlfriend mo ha! Panagutan mo si Alexa!" sigaw ni papa

Nakita ko nalang si mama na umiiyak.

"H-hindi po si Alexa. S-si L-lucy po" sabi ko kaya sinuntok na naman ako ni papa

"Ano nalang yung sasabihin ng mga magulang ni Lucy sa pamilya natin? Sa akin at sa mama mo? Kami ang mapapahiya!" sigaw ni papa

"Oo alam kong mali ako! Pero sana man lang kino-comfort niyo ko. Nahihirapan din naman ako!" sigaw ko sa kanila pero bigla nalang akong sinampal ni mama

"Una sa lahat, magulang mo kami kaya wala kang karapatang sigawan kami! At pangalawa, nagpakasarap ka eh kahit alam mong hindi pa pwede. Pwes ngayon magtiis ka!" sigaw ni mama

"Ibreak mo na si Alexa" sabi ni papa kaya napatingin ako sa kanya

"Pero mahal ko siya!" pangatwiran ko

Lumapit sa'kin si papa at hinawakan yung balikat ko.

"Kung mahal mo talaga si Alexa, hindi mo papatulan si Lucy"

"Pero pa, aksidente yun"

"Stephen anak, lahat ng akala mo ay sayo na ay nawawala pa din. Expect the unexpected nga diba"

Yun din yung sinabi ni mama. Hindi lahat ng nasa akin ay sa akin na talaga.

"Pero hindi ko kaya. Naawa ako kay Alexa" sabi ko

"Kaya mo yan. Ikaw na mismo ang nagsabi. Awa lang ang pinanghahawakan mo, hindi pagmamahal"

____________________________________

A/N:

Yup, maikli lang 'to kaya pasensya na. Tsaka medyo naging bagito tong chapter na 'to. Hahahaha.

Break up naba ang next nito? Abangan.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon