LOL 32 ▶ Date?

135 24 21
                                    

~ALEXA FAITH~

"I love you Faith"

"I love you Faith"

"I love you Faith"

"Ahhhhhhhh. Tama na!!!!" sigaw ko dito sa kwarto ko

Paulit-ulit kasi sa utak ko yung sinabi ni Zac kanina eh. Nagkunwari lang talaga ako na hindi ko narinig yun.

At hindi ako mapakali sa sinabi niya.

Yung puso ko nagpaparty sa loob ko. Feeling ko may ipis sa tiyan ko.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Abnormal naba 'ko? Kakaiba na yung feeling ko.

"I love you Faith"

"Waaaaah! Oo na! Tama na!" sigaw ko ulit

Bigla nalang tumunog yung phone ko at may mga lumilipad na namang mga ipis sa tiyan ko.

[Faith, nasa labas ako ng bahay niyo]  text ni Zac kaya sumilip ako sa bintana ng kwarto ko

Nandun nga siya sa labas at nakatayo habang nakasandal sa kotse niya.

Tinext ko nalang siya.

[Pasok ka nalang]

[Ikaw ang lumabas. Magmo-mall tayo]

[Ha? Ngayon na?]

[Yup ;)]

[Sige bihis muna ako]

[Ok! Hintayin kita dito sa kotse]

Nagmadali na 'kong magbihis.

Hindi tulad dati na kung ano'ng madampot ko na damit ay yun na yung susuotin ko. Pero ngayon, nakailang palit na 'ko pero feeling ko hindi pa din bagay sa'kin lahat ng naisukat ko.

[Tagal mo naman] text ulit ni Zac kaya nagmadali na 'ko

At dahil nabwiset na 'ko...Nauwi nalang ako sa dress na hindi ko naman madalas na naisusuot dati. Naka ponytail lang din ako at konting powder.

Pagkalabas ko, nandun pa din si Zac at nakatayo.

"Kaya pala ang tagal mo eh" sabi niya

"Huh?" nagtatakang sabi ko

"Nagpaganda kapa kaya ang tagal mo. Hindi mo naman na kailangan eh, maganda kana" sabi niya kaya uminit bigla yung mukha ko

Bakit nga ba 'ko nag-ayos eh si Zac lang naman yung kasama ko? Malala na 'to.

"Manahimik ka na nga lang. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Kain muna tayo" sabi niya kaya pumayag na 'ko

Papasok na sana ako sa kotse dahil binuksan na ni Zac, pero hinarangan niya 'ko.

"Bakit?!" mataray na tanong ko

"Highblood? May bibigay lang! Hintay lang" sabi niya at may kinuha sa loob ng kotse

"Para saan 'to?" tanong ko nung inabot niya sa'kin yung 3 rose

"Try mong nguyain" sarcastic na sabi niya kaya inirapan ko lang siya

"Regalo ko sayo kasi ang ganda ng performance mo kahapon" sabi niya at pinapasok na ko sa kotse

Habang bumabiyahe, may tinitignan siya sa phone niya habang tumatawa kaya na-curious ako.

"Ano yan?" tanong ko at titignan sana yung phone niya pero nilayo niya bigla

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon