▓Epilogue▓

104 13 14
                                    

"ZAC?!!!" sigaw ko at hingal na hingal akong nagising

Nasan ako? Bakit puro puti? Bakit may mga nakakabit sa kamay ko?

"Oh my. Thanks God! You're awake Alexa!" pagtingin ko, si Tita Amy pala

"Po?" nagtatakang tanong ko

"Dalawang linggo kanang hindi nagigising"

"Ha? Bakit po?"

"Bigla kang inatake ng hika mo hanggang sa nahimatay ka tapos ngayon ka lang nagising"

"Talaga po?"

"Oo. Buti nga gising kana eh. Sino nga pala yung sinisigaw mong Zac kanina?"

Zac? Ah, yung lalaki sa panaginip ko.

Sino yun? Di ko nga kilala yun eh.

Tapos parang totoo yung nangyari sa panaginip ko.

Parang totoo na minahal ko talaga yung Zac na yun.

Nakakapagtaka lang, lahat ng nasa panaginip ko tama.

Kilala ko sila Lucy at Stephen. Pero hello! Hindi ko boyfriend si Stephen at hindi ko kaibigan si Lucy. Kaya lang si Stephen at Lucy, sila naman na talaga ang partners eh? 2 years ng sila.

Tapos yung mga lugar sa panaginip ko, lahat totoo! Nakikita ko. Yung Zac lang talaga ang hindi.

Tsaka hindi din pala ako mataray! Mabait kaya ako. Friendly, jolly tas palatawa at maingay. Ang layo ng ugali ko sa napaginipan ko.

Pero bakit ganun? Totoo na ampon at may hika ako sa totoong buhay gaya ng napaginipan ko?

Baka mangyari yun sa totoong buhay?

Imposible.

***********

1 week ng nakalipas, at medyo ok na 'ko. Bumalik na naman ako sa pagiging baliw.

Excited din ako kasi first day of school namin ngayon! Sana maraming pogi! Hehe.

Nga pala, araw-araw kong napapaginipan yung Zac na yun. Laging yung nakikita ko ay nasa ospital daw siya tas iyak daw ako ng iyak. As if na iiyakan ko yun eh hindi ko nga kilala.

Hay nako, mga panaginip talaga kabaligtaran sa totoong buhay eh. Tsk tsk.

Tinignan ko yung phone ko at may walong text at tatlong missed call na galing sa ibat-iba kong kaibigan. Dahil nga sa friendly ako kaya ayun, na-miss ata nila 'ko.

************

Nandito na 'ko sa school. Grade 10 student at section A-1. Teka san ko ba narinig yung A-1? Tss, nevermind.

Nakita ko sa list kanina na kaklase ko pala yung lovers na sila Stephen at Lucy. Pero, kainis lang ha! Hindi ko ma-imagine talaga na magiging kami ni Stephen at aagawin ni Lucy! Kadiri yun noh. Pero why not? Pogi naman si Stephen, joke! Heret ke ne.

Pagpasok ko ng room,nakita ko agad yung mga kaibigan ko.

"Mga friendddd!!!!!" sigaw ko pagkapasok ko kaya nagsitinginan sila sa'kin

Pati siguro yung ibang students, nagsitinginan na, but I don't care. Sanay naman na silang maingay ako, ewan ko lang sa mga new students.

"Yaaay! Na-miss namin yung top 1 naming kaibigan na pinaglihi sa megaphone!" sigaw ni Cassandra

Siyempre, nag-group hug muna kami! Miss ko kaya sila!

Nagchikahan pa kami about sa mga nangyari sa bakasyon namin at nawala na sa isip ko na mayroon pa palang ibang student. Siyempre gusto kong makipagkaibigan sa kanila.

Dumating na yung new adviser namin at pinalipat na kami sa proper seat namin. Kainis nga eh, alternate pa! Lalaki tuloy magiging katabi ko. Psh.

Uupo na sana ako sa upuan ko, ng makita ko kung sino'ng makakatabi ko.

"IKAW?!" sigaw ko

Si Z-zac? Yung nasa panaginip ko? The hell! Is this real? Nananaginip lang ba ulit ako? Bakit nandito 'to!!??

Pinagsasampal ko yung pisngi ko pero wala eh. TOTOO 'TO.

"You're insane" cold na sabi niya at umiwas na ng tingin

Grabe namang pagkasungit nito at talagang snob ang beauty ko? Di man lang ako tinanong kung sino ako? Tsk. Ang layo niya sa Zac na napaginipan ko.

Dahan-dahan akong umupo habang nakatitig pa din sa kanya.

Siya ba talaga 'to?

Oh lord. Mababaliw na 'ko.

____________________________________

A/N:

So, kamusta? Haha.
Ganito ba yung inaakala niyong ending? Hehe.

Guys! May dalawa pa pong SPECIAL CHAPTER. Yung isa, about dun sa panaginip. Kung bakit naaksidente si Zac.

Yung isa naman, POV ni ZAC. Real Zac! Zac na snobbers at masungit.

Gaya ng sinabi ko, kung hindi niyo tanggap 'tong epilogue, pwede niyo ng ituring na ending yung LOL 50.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon