LOL 47 ▶ ITY

113 15 25
                                    

~ZACHARY~

Nandito na 'ko sa kwarto ko. Pagkatapos kasi nung nangyaring mwuah mwuah tsup tsup sa'min ni Faith, bumalik na agad siya sa kwarto niya. Nahiya ata.

Grabe ang tagal nun mga pre! Naubusan kami ng hininga!

Inalok ko pa siya na imamassage ko yung paa niya dahil natapilok siya kanina kaya lang sinungitan lang ako.

Pero ok lang...

Because I am so happy today! Tuwing naaalala ko yung nangyari kanina parang gusto kong tumalon ng building.

Ang sarap ulit-ulitin. At ang sarap ng lips ni Faith.

Talaga bang umamin na 'ko? Hindi ko lang ma-imagine, kasi sobrang seryoso ko kanina nung umamin ako.

Akalain niyo yun, nagiging seryoso din pala 'ko?

"Whoo! Grabe ka talaga Faith" sigaw ko dito sa kwarto ko

Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din yung labi niya. Kakaiba yung kiss namin kanina. At ang nakapagtataka, tumugon sa halik ko si Faith! Akala ko nga mauubusan na kami ng hininga eh.

Pero kung tumugon siya sa halik ko, edi ibig sabihin gusto din niya? MAY GUSTO DIN SIYA SA'KIN????!!!!!!!!!! Tama na, OA na.

Pero, seryoso. Ang saya saya ko talaga!!! Nasabi ko na yung totoong nararamdaman ko sa kanya! Nag-kiss pa kami! Ng torrid. Oh diba, parang mag-boyfriend-girlfriend na talaga!

~Faith and me, standing on the tree. K-I-S-S-I-N-G.......Torridlyyyyy!!!!~

I LOVE YOU FAITH! I LOVE YOU NA TALAGA!!

**********

~ALEXA FAITH~

"Nagselos ako kasi mahal talaga kita. I like you. I love you so much"

"Seryoso na talaga ako sa nararamdaman ko"

"I love you Faith"

Kainis naman oh, hindi maalis sa isip ko yung mga sinabi ni Zac!

Hindi na nga siya maalis sa isip ko, tumambay pa siya sa puso ko...

Tsaka, yung kiss. Nakakahiya ako! Baka isipin niya gustong-gusto ko.

Malamang, gustong-gusto mo talaga! Bwiset na isip 'to

Nawala ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

Pagbukas ko, may papel nalang sa baba.

Invitation para sa mga magaganda't gwapong estudyante. Bawal pangit.

Where: Tabi ng dagat
What: Kakain ng buhangin, joke. Naniwala ka naman. Bonfire!
When: Mamayang gabi, 7:38
Team: Team A-1!

Ano'ng klaseng invitation 'to? Tss. Bahala na nga. Pupunta nalang ako mamaya. Sino kaya mga ka-team ko?

Uyy, gusto niyang kasama si Zac. Sabi na naman ng magaling kong isip

*************

At the beach..

"Nandito na ba lahat ng team A-1?" sigaw nung parang team leader namin

"A-1 po namin!" sigaw nung isang ka-team namin kaya nagtawanan sila. As if namang nakakatawa.

Ka-team ko nga pala sila Lucy at Stephen. At as usual magkatabi sila.

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon