LOL 38 ▶ Deja vu

82 17 3
                                    

~ALEXA FAITH~

"Love me like you do, lala-love me like you do!"

Nagising ako sa ingay na naririnig ko kasabay ng tugtog sa earphones ko.

"Shh. Silence please" rinig ko ulit na sabi naman ng babae

Dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Zac na nasa tabi ko at nakangiti sa'kin.

Nananaginip pa ako siguro?

Kinusot-kusot ko pa yung mata ko para sure pero nandun pa din siya.

"Hindi ka nananaginip Faith!" sabi niya sabay halik sa noo ko na kinagulat ko naman

Sisigaw na sana ako ng makita kong nasa library pa din pala ako.

Nakatulog na naman ako.

"Nag-cut ka ng isang class. Lagot ka" mahina pero nangaasar na sabi ni Zac

"What?!" mahinang sabi ko din

"Yes, cutting kana Ms. Alexa Faith. Ang tagal mo kayang tulog"

Biglang naningkit yung mata ko at tinignan siya ng masama.

"Oh, oh. Mga titig mo na naman sa'kin ha. Parang gustong-gusto mo na 'kong kainin" sabi niya

"You liar" sabi ko

"Ha? Ako? Sinungaling? Oh c'mon"

"Kung cutting ako, bakit ka nandito? Edi cutting ka din!" napalakas yung sigaw ko kaya napatingin sa'min yung mga nasa library even the librarian.

Ok. Center of attraction na naman kami.

"Lumabas na kayong dalawa. This is a library, not a.... ano...Uhmm...Library to, hindi palengke! Get out!" nahihirapang sabi nung librarian at narinig ko pang nagpipigil ng tawa si Zac

"I said get out!" sigaw ulit ng librarian kaya kinuha na namin yung gamit namin at lumabas

Paglabas namin ni Zac, napansin ko na nasa tig-isang tenga pala namin yung earphones ko kaya hinatak ko yung nasa kanya.

Parang deja vu lang. Ganito din yung nangyari sa'min ni Stephen dati.

"Hey! Nakikinig ako!" sabi niya

"Hindi ka nga nagpaalam eh! Tsaka bakit naiba yung tugtog na pinapakinggan ko?" sabi ko habang naglalakad kami kung saan saan

"Masyadong malungkot yung kanta mo eh, kaya pinalitan ko. Ganda kaya, love me like you do lala-love me--"

"Shut up!"

"Bastos naman nito, kita mong kumakanta eh"

"Hindi ko sinabing kumanta ka"

"Ok ok! Easyhan mo lang Faith!"

"I don't care, at ano yung sinasabi mong cutting ako? Is that true?!"

"Oo nga!"

"Mamatay ka man?"

"Oo!"

"Mamatay man ako?"

"Uhm, ano kasi. Hindi ka talaga cutting. Hehe. Peace"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"So, ano palang ginagawa sa room ngayon?!" tanong ko

"Wala si Ma'am kaya pagala-gala lang din yung mga kaklase natin"

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon