LOL 12 ▶ Sweetness & Bitterness

116 34 4
                                    

Dedicated ⇨ blood_death07 ♥♥♥

____________________________________

~ALEXA FAITH~

"Doc ano'ng nangyari? Ayos lang ba siya? Kamusta siya? Nasaktan ba siya?"

"She's fine now. Pero ako na mismo ang nagsasabi na she's weak and definitely fragile. Mahina yung resistensiya niya tsaka may hika siya"

"Hika po doc?"

"Yes. Kaya bawal na bawal siyang mapagod. Wag kang mag-alala, hindi naman malala yung sakit niya. Kulang lang sa vitamins. Mas ok kung painomin siya ng gam--"

"FREAKING HELL NO!" singit ko sa pag-uusap nung Doctor at ni Stephen

"But Miss Adriano--"

"BUT WHAT?" mataray, madiin at malakas na tanong ko

"Ikaw ng bahala" rinig kong bulong nung doctor kay Stephen

Nasa hospital na naman ako. Nakahiga sa hospital bed at MUKHANG mahina. Take note, 'mukha lang' kasi ok na 'ko.

Lumapit na sa'kin si Stephen at umupo sa tabi ko.

Ang sarap niya ngang itulak ngayon eh, kung hindi ko lang talaga siya boyfriend.

"Cupcake, I'm sorry" sabi niya pero hindi pa din ako umiimik

"Hindi ko naman alam na may hika ka pala eh"

"Pinatapos mo ba 'ko?"

"Huh?"

"Kanina! Sasabihin ko sana!"

"Ba't 'di mo sinabi?" hayyy maawaing langit, pigilan niyo 'ko at masusuntok ko na talaga 'tong lalaking 'to

"Tumakbo ka na eh" matamlay na sabi ko at humiga nalang ulit

Mas masarap pang matulog ngayon.

Grabe kasing pagpapahirap yung ginawa niya sa'kin kanina.

Sana nga kamag-anak nalang ako ni Flash eh.

Pero lahat ginawa ko na, pero nahuli pa din ako.

Pinagtawanan niya pa 'ko kanina habang pinapanuod akong ugod-ugod na naglalakad papunta sa kanya.

Halos gapangin ko na yung kalsada tapos sinabihan pa 'ko ng pagong!

At subukan niyang ituloy yung bwiset na 'sexy dance' niyang dare kundi isasama ko na siya kay satanas sa impyerno!

Pasalamat nga siya kasi....

Mahal ko siya

Kaya...

Hindi ko kayang magalit ng todo sa kanya.

Oh kinilig naman kayo! Oh kaya sasabihin niyo 'Walang Forever'! Oh edi kayo na!

"Cupcake, sorry na talaga. Oo, inaamin ko kasalanan ko. Pero sorry na talaga" sabi niya na nasa likod ko habang hinahaplos yung buhok ko. "Sorry" sabi niya ulit at hinalikan yung buhok ko

Naramdaman kong umalis na siya, at nung narinig kong binuksan niya yung pinto siyempre nagsalita na 'ko.

Ano 'ko pabebe?

"Hoy!" sigaw ko

Pero isa pa 'tong pabebe at hindi humaharap. Alam ko namang gusto niyang tawagin ko siyang 'cupcake'.

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon