LOL 28 ▶ Heart beats fast (1)

97 24 2
                                    

~ZACHARY~

Umuwi ako ng bahay na sobrang saya. Lalo na nung nagtext pa sa'kin si Faith, halos mapamura na 'ko.

Nagsearch nalang din ako kung paano matuturuan si Faith sa tamang paglakad niya.

**********

Late na kong nakapasok dahil napuyat ako sa mga sinearch ko.

Pagdating ko sa room, nagtuturo na yung teacher naming bakla. Buti nalang nadala ng kapogian ko kaya hindi masyadong nagalit.

Nung break time na, nauna ng bumaba sila Faith. At alam ko kasama na naman niya sila Stephen...At ako yung nalulungkot sa kanya.

Pagbaba ko sa canteen, mag-isang kumakain si Faith sa dulong table kaya sinamahan ko siya.

"Bakit ikaw lang? Asan boyfriend mo?" tanong ko

"Nagpractice" walang ganang sagot niya habang kumakain at hindi man lang tumitingin sa'kin

"Ah. Pagdating mo dito wala na sila ni Lucy?" tanong ko ulit

"Hindi. Paupo pa lang ako, nagpaalam na sila" sabi niya ulit at nilapag na yung kutsara at tinidor niya at tumingin sa'kin

Pinipigilan na naman niyang umiyak.

"Don't cry here" mahinang sabi ko

"Kelan pa ko umiyak sa madaming tao ha?" sabi niya at tumayo na

"Huy, hindi pa ko tapos. Tsaka ubusin mo yang pagkain mo!" sigaw ko

"Maglilinis nalang muna ako. Hintayin kita sa elementary building" sabi niya

"Room 162?" tanong at tumango lang siya at umalis na

Bwiset ka Stephen! Sabi ko sa isip ko.

Binilisan ko nalang yung pagkain ko at halos mabulunan na 'ko. Mahirap na baka may mangyari kay Faith, tapos wala ako sa tabi niya.

Tinakbo ko na papunta dun sa room na yun dahil medyo malayo din.

Pagdating ko dun, medyo malinis na din at nakita ko si Faith na nakayuko sa pinakadulong table.

"Huy, tahan na Faith. Wag ka ng umiyak" sabi ko pagkalapit ko sa kanya

"Baliw. 'Di ako umiiyak. Inaantok ako" paliwanag niya

"Napuyat kaba?" tanong ko naman

"Oo" sabi lang niya habang nakayuko pa din

Tinuloy ko nalang na linisin yung room. Medyo hindi na ako nahirapan dahil maayos naman na.

Nung natapos ako, tumabi naman ako sa kanya.

Inangat ko yung ulo niya, at nilagay sa balikat ko para mas komportable siya.

"Ganitong-ganito din nung nakita ko kayo dati ni Stephen nung pinalabas ka nung teacher natin kasi hindi ka nakikinig" parang baliw ako na kinakausap ko pati yung tulog na tao

Inilagay ko naman yung kanang kamay ko sa balikat niya.

"Nag-alala ako sayo nun nung pinalabas ka kaya nag-excuse ako na pupunta ako ng C.R. pero paglabas ko, nakita ko kayo ni Stephen sa garden. Ang sweet niyo matulog, habang ako nakatulala lang sa corridor" paliwanag ko ulit

Ilang minuto din kaming nasa ganong posisyon. Siyempre, sinusulit ko na habang tulog siya.

Hanggang sa nag bell na kaya ginising ko na siya at bumalik kami sa room.

**********

Nung uwian, nag-usap na naman sila Faith at Stephen. Tapos nakita ko nalang na umalis na si Stephen at Lucy na magkasama.

"Selos?" sabi ko kay Faith at inakbayan siya pero tinanggal niya din

Hindi niya ako pinansin at naglinis nalang.

Habang naglilinis ako, kinakanta ko yung kantang napili ko na kakantahin namin.

"Yan kakantahin natin?" tanong ni Faith

"Yup. Ayaw mo?" tanong ko

"May sinabi ba kong ayaw ko?!" mataray na tanong niya

"Nagtatanong lang! Masama?!" ginaya ko pa yung boses niya

"You're annoying!" sigaw niya

"You're annoying too!" sigaw ko din habang pinipigilan yung tawa ko

"Shut up!"

"You, shut up!" natatawang sabi ko

"Ahhgggrrr! Ang epal mo talaga Zac! Ang ingay mo talaga! Nakakainis ka! Panira ka ng--"

1...

2...

3...

My heart beats fast.

"Edi natahimik ka? Mas bagay sayo yung dating Faith na tahimik. Gusto mo ulitin ko?" mahinahong sabi ko pagkatapos ko siyang bigyan ng smack kiss sa lips!

Yung panlalaki ng mata niya, bigla namang sumingkit.

Uh-oh. Gera na ito.

"Maniac!" sigaw niya sabay suntok sa mukha ko

"Aray! Ang ingay mo kasi eh! Pinatahimik lang kita" tsansing na din hehe

"Bwiset ka! Sumali ka sa lintek na contest na yan! Maghanap ka ng kapartner mo!" sigaw niya at umalis na

Imbis na mag-alala ako, napangiti nalang ako. At sinundan siya sa bahay nila.

____________________________________

A/N:

Kalahati palang 'to. Next chapter po yung kasunod. POV ni Faith! Yieeee kilig much. ZaIth

Yung sinabi din po ni Zac nung nakatulog si Faith ay nasa Chapter 1. Yung POV ni Faith. Si Zac po yung nakita niya na nakatingin sa kanya. Sino'ng nakaalala?

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon