LOL 36 ▶ Throwback

116 22 3
                                    

~ZACHARY~

Nakakainis! Nakakabadtrip! Kung hindi lang makakasira sa gwapo kong reputasyon, siguro napatay ko na yung letcheng Stephen na yun eh!

Simula ng nagbreak sila ni Faith, nagbago na lahat. Literal na nagbago.

"Huy Faith" sabi ko habang naglalakad kami

Eto na yung sinasabi ko eh. Simula nung nagbreak sila ng letche niyang ex boyfriend, naging back to abnormal na naman si Faith.

Yung tipong no look, no talk. Puro yes snob, yes irap, yes bored look.

Nakakabwiset diba?!

Nagbreak lang sila parang naging bula na ko sa paningin niya. Bula na madaling mawala. (Panes!)

"Oy babae. Anyare? Kausapin mo naman ako oh" sabi ko ulit with puppy eye pa....

Pero hindi pa din gumana.

Bwiset!!

Papatayin ko na talaga yung Stephen na yun!!!

Panira siya!

"Faith ano ba!" sigaw ko sabay harang sa dinadaanan niya

Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at tinignan siya sa mata.

"Faith. Wag ka namang ganyan. Nagbreak lang kayo ng hayop mong ex tapos hindi mo na ko kinakausap" sabi ko at nakatingin lang din siya sa mata ko

"Be brave Faith. Move on. Tandaan mo hindi lang siya yung lalake sa mundo. Hindi mo siya deserve" paliwanag ko at halata sa mata niya na paiyak na siya

"Malay mo may iba pang nagmamahal sayo. Nandito naman--"

"Leave me alone!" sigaw niya sabay hawi nung kamay ko sa balikat niya

Tumakbo na siya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"Hay nako Faith. Kung alam mo lang. Lagi nalang hindi natutuloy pag sasabihin na eh. Tsk" bulong ko

*************

Nandito ako ngayon sa pogi kong kwarto.

Nagiisip, nagmumuni, nagaalala, nagtatanong, nagjaja-- joke! nagjajack n' poy. Wag green minded.

"Problema na naman tol?" singit ni kuya kaya tinignan ko siya

"Bakit sa tuwing may scene ako na may problema lagi kang nakikiepal" sabi ko

"Tanong mo sa magandang author ng panget mong story!" sabi niya

"Eh talaga? Tawa na ko?" pangaasar ko naman sa kanya

"Shut up. Don't change our topic"

"Wow, level up. Umi-english. Sosyal na pala yung mga EXTRA sa story ko" sabi ko at sinadya kong diinan yung EXTRA para damang-dama niya
"Just wait and see, baka yung extra ay maging bida"

"Oh talaga? Di wow. Bago kapa maging bida, ipapapatay na kita sa magandang author. Gusto mo para maganda yung pagkamatay mo, sa car accident nalang? Maganda yun" pang-aasar ko

"Kwento mo tol"

"Kwinento ko na"

"Tanga! Kwento mo na yung problema mo! Bobo!"

"Bobo ka din!"

"Hayop ka!"

"Mas hayop ka!"

"Tae, back to topic na nga!" sabi niya kaya napatawa nalang kaming pareho

Ganito lang naman kami, nagaaway pero lambingan lang namin yun. Eew, so gay.

"Ano na?! Hulaan ko. Problema mo na naman yung babaeng kinikwento mo noh?"

"Akalain mo yun, minsan may utak ka pala" pangaasar ko

"Shut up men. Ituloy mo na yung sasabihin mo"

"Oo na! Ganito kasi, nakipagbreak yung boyfriend ng babyhoneypiemyloves--"

"Yuck! Kabaklaan mo! May pa-babyhoneypiemyloves ka pa!"

"Pake mo ba! Makinig ka nalang kasi! Yun na nga break na sila"

"Edi maganda, may chance ka na"

"Chance? Eh naging isnabera na naman yung babaeng yun. Bumalik sa dati niyang gawi eh. Nag-throwback tol! Tapos hindi na naman ako pinapansin. Ano'ng CHANCE ang meron dun ha!"

"Uhm, sige. Tutulungan nalang kitang manligaw para naman sumaya kanang hampaslupa ka"

"Talaga?"

"Oo, pero dapat ma-meet ko muna yung babae"

"Saan?"

"Sa park nalang na lagi nating pinupuntahan. Bukas, after ng class niyo"

"Ok. Sana lang mapapayag ko siyang sumama sa'kin"

____________________________________

A/N:

Whooo! Another update!

Nakukulitan ako sa scene ng magkapatid na yun. Ang cute lang. Hahahaha.

Kung magaling kayo, magegets niyo yung scene nila at yung mga sinasabi nila. Kasi, may clue na para sa mga mangyayari sa mga next chapters.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon