LOL 46 ▶ Real Kiss

107 15 8
                                    

Dedicated ⇨ FutureMrsDelFierro ♥♥♥

____________________________________

~ALEXA FAITH~

Ang aga 'kong nagising kasi hindi ako sanay na matulog sa ibang kwarto.

Naka-ready na din ako at naligo na kahit sobrang aga pa at maginaw.

Pagbaba ko ng kwarto wala pang nagkalat na mga estudyante sa labas.

So it means, ako palang ata yung gising.

Hindi pa din sumisikat yung araw kaya medyo malamig pa.

Umupo nalang ako sa buhangin malapit sa dagat, at hinayaan kong mabasa yung mga paa ko.

Napangiti nalang ako bigla dahil naalala ko na naman yung mga reply ni Zac sa tinext kong "<3" kagabi.

Every seconds, minutes, and hours of my life I'm always thinking and keep on asking myself. "ANO NA BA'NG MERON SA AMIN NI ZAC? IS HE SERIOUS? AKO BA, ANO BA TALAGA YUNG NARARAMDAMAN KO SA KANYA? DID I LIKE HIM? O BAKA NAMAN NATUTUWA LANG TALAGA AKO SA KANYA. NAG-DE-DENY LANG BA TALAGA 'KO NG FEELINGS KO? PAANO KUNG PAREHO PALA KAMING HINDI SERYOSO? PAANO KUNG AS FRIENDS LANG TALAGA? WHAT WILL HAPPEN? CAN WE GO NOW TO OUR NEXT LEVEL? MORE THAN FRIENDS BA? ANO BA TALAGA? NAGUGULUHAN DIN AKO."

"Bakit mag-isa ka?"

Paglingon ko, nagulat ako kasi nandito si Stephen.

"Aga mo ha? Di ka sanay noh?" he ask at tumango lang ako

Now, alam ko na na naka-move on na talaga ako. No hard feelings. Nawala na kasi yung dating feelings ko sa kanya.

Yung tipong kinakabahan ako pag nandyan siya, tapos nahihiya ako. Hindi na din ako nakakaramdam ng mabilis na heart beat at yung mga butterfly sa tiyan wala na din.

Maybe we are not really meant for each other. Maybe he's not the right man for me. Hindi talaga siguro ako yung babaeng mabubuhay sa pagmamahal niya.

"Tulala pa din? Di ka pa din nagbabago?" tanong niya kaya nawala ako sa iniisip ko

Napansin ko nalang na nasa tabi ko na pala siya.

"So, kamusta?" tanong niya

"Better. How 'bout you and Lucy?" tanong ko

"We're ok. Hindi ko man siya ganun kamahal katulad nung pagmamahal ko sayo dati pero unti-unti ng nahuhulog yung loob ko sa kanya. Nawawala na din yung bad side niya" paliwanag ni Stephen and I'm happy to hear that

"Eh kayo ni Zac? Balita ko kayo na ha?" nakangiting sabi niya

"Walang kami. Mga tsismosa talaga, may ending agad yung tsismis" sabi ko at sabay kaming natawa

"It's nice to see and hear you laughing. Iba talaga nagagawa ng true love" paliwanag niya

Biglang may tumawag sa'kin, at paglingon namin ni Stephen nakita namin si Zac--with his bad look.

"Patay. Lagot ako nito. Geh, balik na 'ko. Mag-aayos na din ako. Bye Alexa!" nakangiting sabi ni Stephen at tumakbo na paalis

Napangiti din ako kasi ok na kami ni Stephen. Nakakapag-kwentuhan na kami na para bang walang nangyari.

Pagtingin ko kay Zac, ang sama na ng tingin.

Tatawagin ko sana siya kaya lang bigla nalang siyang naglakad papunta sa kung saan.

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon