LOL 1 ▶ Boring

419 49 6
                                    

~ALEXA FAITH~

"Cupcake, love you"

"Same" walang ganang sagot ko

Napailing nalang si Stephen habang nakangiti at inakbayan ako habang naglalakad kami.

Sanay naman na siya sa'kin eh.

Hinayaan ko nalang siyang umakbay sa'kin dahil wala namang teacher na nakakalat dito sa ground.

Naglalakad na kami papunta sa room namin ng may masamang damong biglang sumulpot sa harap namin.

"Mr.Santiago and Ms.Adriano, ilang beses ko bang sasabihin na bawal ang PDA dito!" sabi ng pinaka-hate kong--namin ni Stephen na teacher, si Ma'am Carulla

Nagtinginan nalang kami ni Stephen at inalis niya yung pagkakaakbay niya.

"Good" mataray na sabi ni Ma'am Carulla at umalis na

Naglakad nalang ulit kami at nung malayo na si Ma'am, ay umakbay na naman Stephen kaya napatingin ako sa kanya.

"Hayaan mo na yun cupcake, matandang dalaga kaya ayaw makakita ng lovers" sabi niya

**********

Nandito na 'ko sa room ko. Si Stephen naman nasa room niya na. Section A kasi ako, siya naman Section C. Hindi kasi nag-aaral mabuti.

Kaklase ko si Lucy pero malayo yung pwesto niya sa pwesto ko kaya wala akong makausap kahit hindi ako magandang kausap.

Dahil wala ako'ng maintindihan sa lesson, at bored na bored na ako. Humarap nalang ako sa bintana na nasa tabi ko.

Naalala ko na naman kung paano kami nagkakilala ni Stephen.

"Bestie please! Samahan mo na 'ko" sabi ni Lucy

"I'm busy" simpleng sagot ko

"Please bestie please. Lilibre kita"'

"Magrereview ako"

"Bestie naman eh" sabi niya at nag pout pa.

Wala na. Pag si Lucy na ang nagsabi, wala na akong nagagawa. Mahal ko kasi siya eh. Siya na yung naging pamilya ko. Para ko na siyang kapatid.

So, ayun. Pumunta na kami sa mall pagkatapos ng class namin.

May sumalubong sa amin na lalaki na kasing age lang siguro namin at taga ibang school. Base na din sa suot niyang uniform.

"Uhm, bestie. Si Stephen Santiago. Family friend namin" pagpapakilala ni Lucy

Makikipag-shake hands sana siya pero tinignan ko lang siya habang nakataas yung kilay ko.

Nung nakita niyang hindi ko inaabot yung kamay niya, ibaba na niya na sana pero bigla-bigla nalang akong nakipag-shake hands.

"Alexa" walang ganang sabi ko at bumitaw na

"Nice meeting you, Alexa" sabi niya habang nakangiti

Inirapan ko lang siya. Feeling close kasi eh.

Pero simula ng araw na yun, naging close na din kami.

Nilunok ko na naman yung sinabi ko na wala na 'kong ibang kakaibiganin bukod kay Lucy.

Simula nun, lagi niya na kaming hinahatid at sundo.

Nawala ako sa kahibangan ko ng marinig ko yung pangalan ko.

"Alexa Faith Adriano!" sigaw ng teacher ko

Tinaasan ko lang siya ng kilay, na para bang sinasabi ko kung ano'ng kailangan niya.

"I said, are you listening to me!"

"No" walang gana kong sagot

Nakita ko pa siyang bumuntong hininga at nagpipigil ng galit.

Yung mga kaklase naman namin gulat na gulat.

I'm just saying the truth. Sinusunod ko lang ang mabait kong teacher.

"Alexa!" sigaw ulit ng teacher namin "I don't like your attitude. Binabastos mo 'ko! Now, get your bag and you can go outside! Kahit matalino ka at president ka ng room, eh hindi kana makikinig!" Bla bla bla i don't care

"Kaya nga! Ang weirdo mo talaga Faith!" sigaw ni Zachary. Ang pinaka epal at maingay sa room na 'to. 'Zac the epal na maingay'

Nagtawanan lang yung may mga kaklase ko.

"GET.OUT!" sigaw ulit ng teacher namin

Pagtayo ko, nakita kong nakatingin si Lucy sa'kin at nag smirk pero bigla niya ding iniwas yung tingin niya.

Bakit kaya nagsmirk yun? Siguro dahil sa pagsagot ng epal na maingay na Zac na yun.

"Labas!" sigaw ulit ng teacher namin. Di makahintay?

Lumabas na 'ko ng room. Bahala na sila, tutal boring naman yung klase at kaya ko namang ipasa yung exam ko without the help of them.

Pumunta nalang ako ng garden at umupo nalang sa bench.

Ako lang ang mag-isang section A dito, puro last section na yung nagkalat.

Kinuha ko nalang yung phone ko at earphones. Makikinig nalang ako ng music. Pipikit nalang din ako para ma-relax,ka-stress eh.

Pero bago ako pumikit, may nakita akong tao na nasa third floor kung nasaan yung room namin. Pero dahil hindi ko siya namukhaan at wala akong pake sa kanya, eh hindi ko nalang siya tinignan ulit.

____________________________________

A/N:

Whooo! Natapos din ang chapter 1!

Sino kaya yung nakita ni Alexa?

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Happy Reading! ;)

Leave COMMENTS!

VOTE & SHARE!♥

LOL ツ

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon