LOL 50 ▶ Last Chapter

82 13 6
                                    

Dedicated ThatGirlInPink28 ♥♥♥

____________________________________

~ZACHARY~

Grabe, wala na akong naintindihan kanina sa mga lessons sa school dahil sobra akong naeexcite!

Magdi-dinner date kami ni Faith tapos doon ko siya liligawan.

Bumili na din ako ng isang bouquet ng bulaklak at singsing para kunwari engaged na kami. Hehe.

At eto ako ngayon, nag-aayos ng sarili ko.

Naka semi-formal ako ngayon dahil ang pangit naman kung mukhang magmo-mall lang yung suot ko.

Ang tagal ko sa salamin at habang naghihintay ako ng oras ay tinext ko na si Faith.

[I'm on my way honey. See you. I love you :*] pagkatext ko, bumaba na 'ko at sumakay na sa kotse. Magpapahatid nalang ako .

Wala pang ilang segundo,.nagreply na siya.

[OTW too bee <3] reply niya kaya kinilig naman ako

Habang bumabiyahe, masaya akong nakangiti. May malungkot bang nakangiti?

Sana ngayon wala ng sagabal. Wala ng pumigil.

Dahil ito na yung araw na sasagutin ako ni Faith.

Ito yung araw na magiging isa na kami.

Yung legal na magiging kami.

Yung wala ng makakaagaw kay Faith.

Ito na yung araw na mabubuhay na 'ko sa pagmamahal niya at mabubuhay na siya sa pagmamahal ko.

We are living on each love.

Nawala ako sa iniisip ko ng makita 'kong may paparating na kotse sa kotse namin at...

"Kuya Josh?!!"

And then all went black.

**********

~ALEXA FAITH~

Kanina pa nagtext si Zac na on the way na daw siya pero hanggang ngayon wala pa din.

Nakakainis na ha.

Uulitin niya pa ba ulit yung ginawa niya?

Nag-ayos ba naman ako para sa kanya...Para sa araw na 'to, tapos hindi naman pala siya dadating?

Pinagtitripan lang ba 'ko ni Zac?

Bee calling....

Kainis! Tumawag pa siya!

[Hoy Zac! Bwiset ka! Antagal ko ng naghihintay dito oh!--]

[Hello?] bakit babae?

[Hello? Who's this?]

[Kamag-anak po ba kayo ni Zachary Alcantara?]

Bakit bigla akong kinabahan? Ano bang nangyayari?

[B-bakit po ?] tanong ko

[Nandito po siya ngayon sa Manila Hospital. Nagkaroon po ng aksidente at kasama po siya doon]

[S-sige] yan nalang ang nasagot ko at pumunta agad ako sa hospital na sinabi

Si Zac nasa hospital?

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon