LOL 13 ▶ '103' means?

128 35 8
                                    

Dedicated ⇨ marynelle_nicole ♥♥♥

____________________________________

~ZACHARY~

"Room 103?" ulit ko

"Opo sir. Yun po yung room ni Ms...Ah, Ms...."

Nag thank you na ako sa nurse na pinagtanungan ko at umalis na bigla. Napakatagal kasi magasalita eh.

Nandito ako sa ospital.

Bakit ako nasa ospital?

Pogi kasi ako eh. Connect?

"101....102....103! Gotcha!" sabi ko

Nagayos muna ako ng sarili ko. Siyempre kailangan pogi padin ako.

Breath in, breath out.

Masaya na may halong kaba kong binuksan yung pinto.

And all turns into black. Nagdilim bigla yung paningin ko sa nakita ko.

Sumikip bigla yung puso ko.

Shit! Baka may sakit na'ko sa puso! Shit talaga!

"F*ck this feeling!" madiin na bulong ko sa sarili ko at umuwi na

DOUBLE BADTRIP.

TRIPLE SHIT.

F*CK!

Pakingshet.

**********

"Oh utol? Problema mo?" sabi ni kuya at umupo sa tabi ko

Nakauwi na 'ko at nanunuod na ngayon ng bwiset na palabas na 'to. Bwiset! Magpapalabas sila ng wala man lang kaintindi-intindi sa storya? Hindi ko nga maintindihan eh!

Sarap ibato nitong bwiset na remote na 'to!

Ang sarap ibato sa kanila! Bwiset! Boseeet!

"Huy!" sigaw ni kuya sabay suntok sa braso ko

"Ano!" sigaw ko

"Woah! Chill tol! Chill!"

"Sorry" sabi ko at bumalik na sa walang kwenta at bwiset na pinapanuod ko

"HB tol? Ugat mo puputok na oh? Ano bang problema?" tanong ni kuya sabay akbay sa'kin

Tinanggal ko yung kamay niya at inis na hinarap siya.

"Wala"

"Kilala kita"

"Malamang, kapatid mo 'ko" haysss

"Ano ngang problema? Babae ba?"

"Hindi"

"Shit utol! Bakla ka? Lalaki pinoproblema mo?!"

"Oo bakla ako! Duh?" maarteng sabi ko

"Psssh, kadiri ka tol!"

"Baliw! Sa gwapo 'kong to? Ang pogi pogi ko, tapos lalaki lang magugustuhan ko? Para mo na ding sinabi na gusto ko yung sarili ko"

"Hangin ah"

"Just stating the fact"

"Hindi nga, ano'ng problema mo? Seryoso na 'ko"

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon