LOL 26 ▶ Waiting...

115 23 9
                                    

~ZACHARY~

Hi mga fans! Miss me?

"Huy, tara na" sabi ko kay Faith
Pinapapunta kasi kami nung adviser namin sa gym para malaman yung mga gagawin sa contest.

Well, ako yung napili. Alam niyo naman, gwapo ako.

Tapos, akala ko si Lucy yung ipanglalaban. Nagulat nalang ako na kay Faith halos lahat bumoto, especially yung mga boys. Bigla nalang nagbago yung pakikitungo nila kay Faith.

Kaya eto siya ngayon. Nagdadabog habang naglalakad sa gym.

"Alam mo Fai--"

"Wala akong pakielam!" putol niya sa sinasabi ko

"Aba aba. Bumabalik ang dating Faith ha" sabi ko at tumawa

Nakita ko naman na mas lalong nalukot yung noo ni Faith at nagdabog na naman.

Halos mawasak yung pinto ng gym nung pumasok si Faith kaya nagtinginan sila sa'min.

"May wala pa ba?" tanong nung teacher

Nagtinginan nalang kami ng may gumalabog na naman ng pinto ng gym.

"Lucy?" sabay sabay naming sabi except kay Faith

"May problema?" tanong nung teacher ng makalapit si Lucy

"Wala naman. May papaalisin lang" sabi ni Lucy at pumunta sa pwesto nila Stephen

"Alis na! Ako na yung kapartner ni Stephen. Mukha ka lang alalay kapag tumabi ka sa kanya!" pagtataray ni Lucy sa partner ni Stephen kaya nagtaka kami

"Lucy, sila yung representative ng sec--" hindi na natapos nung teacher yung sasabihin niya kasi sumabat na naman si Lucy

"Gusto mong mawalan ng trabaho?!" sigaw ni Lucy at napailing nalang yung teacher

Bumalik naman siya ng tingin dun sa kapartner ni Stephen.

"Go. Alis na!" pagtataray niya ulit

"Pake mo ba ha! Section C kaba? Ikaw kaya yung umalis. Nakakagulo ka eh!" sabi nung babae

May binulong naman si Lucy dun sa babae at bigla nalang umalis ng nakasimangot.

"Good girl!" sigaw ni Lucy nung tuluyan ng nakaalis yung babae

The end. Joke.

"So, back to reality" panimula nung teacher

"Sa friday, dun niyo ipapakita yung long gown, sportswear and yung talent niyo. At dun na din naman i-a-announce kung sinong pair yung pasok sa top 5 at sa next friday naman gaganapin yung question and answer, evening gown at announcement ng mga best"

"No way!" sigaw ni Faith kaya napatingin kami sa kanya

"Huy, problema mo na naman?" bulong ko

"I'll quit" sabi ni Faith sa amin at aalis na, pero nahawakan ko agad yung kamay niya

"Bitaw" mataray na sabi niya

"No. Ngayon ka na nga lang makakaganti kila Lucy tapos magqu-quit ka pa?" mahinang sabi ko sa kanya

"What?" tanong naman niya

"Talunin mo siya" sabi ko "Para sa sarili mo. Para sa'kin. Please, wag ka ng mag-quit" dugtong ko pa

"Fine" sabi nalang niya at umirap

Living On LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon