Sa sobrang praning ko, sinearch ko siya sa aking Facebook account. Para ma-background check man lang. Baka mamaya itong si Iris mga ni-rereto sa akin mga drug pusher pala o mga matanda na. Namumukhaan ko na sya. Isa siya sa aking mga kaklase ngayong sem... Siya pala ang tinutukoy nila na ''Black Mamba'' ng aming coponan sa school. Daig daw nya sa paglalaro ng basketball si Kobe Bryant. Kaya maraming humahanga sa kanyang angking galing sa paglalaro sa basketball court.
Alas sais ng gabi ng biglang tumunog ang aking phone. nakalimutan ko i-silent mode ang aking phone kaya muntik ko n malaglag ang phone. nakahinga ako ng malalim at binuksan ko ang mensaheng ipinadala sa aking ng isang unknown sender. Ang sabi ng mensahe:
Sender: Unknown NumberThe exciting thing about meeting and getting to know someone for the first time, is that you never know, they could end up being 'the one.' Hi! Goodeve :3
Feeling ko GM lang ito ng nantri-trip lang sa akin na unknown number kaya dinedma ko na lang. Bigla namang nagtext sa akin ang kaibigan ko na si Iris. Itinanong niya sa akin kung may nagsend sa akin ng text message.
Iris: Friend, may nagtext na ba sa'yo? :-)
Me: Marami nagte-text sa akin. Alin ba duon?
Iris: Si secret admirer mo.
Me: Hmm. Well, about 5 minutes ago, may nagtext sa akin. GM eh... 'Di ko nireplyan eh. Baka na-wrong sent lang.
Iris: Ahy nako 'day! Siya na yan. Si Dann.
Me: Replyan ko ba? haha.
Iris: Ano pa nga ba hahaha. Gorabels na ;)Binalikan ko ang i-sinend sa akin ng unknown number na message. Huminga ako ulit ng malalim at nireplyan ko siya.
Me: Goodeve din. Sino po ito?
(after 10 minutes)
Unknown: Hi! Nakalimutan ko nga pala magpakilala. By the way, ako nga pala si Dannon. Or just call me Dann... or whatever suits you. :)Two weeks din kami na magkatext ni Dann. Totoo nga ang sabi ng iba. Napaka-bait niya. Sa loob din ng aming klasrum, nagkakailangan kami kaya kapag nagkakasalubong ng tingin o sa hallway, ngitian lang. Sa tuwing papasok kasi ako, ako lagi ang pinaka-maaga na nakakarating ng klasrum. Siya naman ay kabaligtaran. Lagi siyang late magising. Kaya ako, dail nga sa sobrang bait ko na kaibigan, ine-encourage ko siya na maaga dapat magising para di laging nale-late at na-drop ang classcard sa Student Affair's Office.
Then may project making kami sa aming electronics labotatory na project. Duon na siya naglakas loob na tabihan ako at kausapin. Marami ang nang-aasar. Mismong pati laboratory custodian, instructors at mga kaklase ko inaasar na nila ako. Siyempre di ko maitago ang aking kilig na nadarama. Dahil gabi natatapos ang aking klase, nag-offer siya na ihatid niya ako sa amin. Nahihiya ako ng sobra kasi parang first time ko nanaman madarama ang ganitong feeling. Ang kung paano kiligin.
Tuwing vacant periods namin, dahil sa ako ay loner lagi, sinasamahan niya ako lagi. Dahil sa mahaba ang aming vacant, nag-KTV kami, tapos naglibot sa mall, or sometimes foodtrip. Masasabi ko na ang summer term ko nuon dahil nandun siya. Nakilala ko siya. Ang aking summer love.