Mag-isa kong kumakain sa isang Japanese restaurant malapit sa aming building. Hindi ko na tinawag si Mang Bert para ipagdrive ako. Dahil tatlong minuto lang ang layo, nag-commute na lamang ako. Wala pa ako masyadong kilala sa aming opisina kaya napag-desisyunan ko na kumain mag-isa. Hindi ko rin matawagan ang aking mga kaibigan dahil hindi ko alam kung nagpalit na sila ng kanilang mga contact numbers. Ayaw ko rin ire-activate ang aking account sa Facebook kasi isa lamang itong distraction.
Mahigit sampung minuto dumating na ang order ko. Bago ako kumain, dahil sa nakaugalian ko, nagdadasal na ako. Pagkatapos ay nagsubo na ako. Gutom na gutom ako dahil kape lamang ang kinain ko ng breakfast. Taimtim akong kumaikain ng dumating ang bwisit sa aking buhay. Naupo siya saaking harapan at iniligay niya ang kanyang pagkain sa mesa at nagsimulang magsubo sa kanyang order.
"What the hell are you doing?" sabi ko na sabay baba ng hawak kong chopstick.
" 'Di ba kung saan dapat kumain ang boss dapat duon din ang assistant? Iam just following protocols." Tugon ni Dann habang sumusubo sa noodles ng kanyang seafood ramen.
" At saang rule mo nabasa yan? You really annoy me."
Napatigil sa pagsubo si Dann at tinignan ako ng diretso. "Tutal wala naman tayo sa office, why can't we just talk about ourselves. Kung anong nangyari sa atin after nung college. Para hindi awkward ang ating pagtratrabaho."
Lalo nag-init ang aking ulo sa mga sinabi niya. "Jeez,Dann! Kumakain ako ng tahimik dito kanina nang wala ka. Now, dumating ka saying all this shit on me. Hindi na tayo parang ng dati. Now if you can excuse me, I am having my lunch here. Please go back to wherever you came from."
"If this is about our relationship-"
"Damn it!"
Natigilan ang mga taong kumakain at napatingin sa amin. After ilang segundo ay nagbalik na sila sa kani-kanilang mundo. Napabuntong hininga ako at napa-massage sa aking ulo. Hindi ko to kakayanin. Ayaw ko na.
''Please, leave.'' Sabi ko na nakatingin sa bintana.
Tumayo si Dann at iniwan ang kanyang pagkain. ''I'll see you in the office then, Ms. Moira.''
* * *
''Anung meron at nagyaya ka magshot? Na-promote ka na agad-agad?'' Sabi ni Aldrin. Ang kanyang bestfriend simula pa firdt year college.''Hindi 'pre. Karma. Tinatakot na ako ng karma.'' Tugon ni Dann na umiinom ng beer.
''Wait. Ano ibig mong sabihin?"
''Si... Moira nagbalik na.''
''Patay tayo diyan. Pano mo naman nalaman?"
''Eh boss ko eh.''
''Double kill ka pare. Alam na ba yan ni Jennica?''
''Hindi pa. Ayaw ko ipaalam pa sa kanya.''
''Pare, magkaibigan yang dalawa na yan dati. Mahirap na kung magkasalubong ang dalawang yan. World War III ang labas niyan. Eh anong balak mo ngayon?"
''Nilalapitan ko siya ngayon. Kinakausap ko siya nga eh. Pero para siyang tigre kapag kinakausap ako.''
''Malamang bitter pa rin siya sa mga nangyari noon sa inyo.''
''Matagal na yun pare. Apat na taon na ang nakalipas.''
''Siyempre nakikita ka niya. Bumabalik ang mga naramdaman niya sayo nuon.''
''Mahal... mahal niya pa ako?"
''Hindi ganun yun pare. Ang ibig kong sabihin bumabalik ang sakit na nararamdaman niya ulit nung kayo pa.''
''Kaya nga gusto ko bumawi sa kanya.''
''Ingat ka lang. Baka mamaya eh, may ma-fall sa inyo. May masaktan ka nanaman.''
Tumagay sila ng isang basong beer at umorder ulit ng isa pa. Hindi mawari ni Dann kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Mahigit apat na taon na ang nakaraan. Malinaw pa sa kanyang memorya ang nangyari nuong araw na bigla na lang nawala ang kanyang pagsuyong naramdaman sa kanilang relasyon. Na mas pinili niya makasakit kesa isipin ang mararamdaman ng isa.