''Moira I've been trying to reach you.'' Sabi ni Trixie sa telepono. "I have good news for you.''
''Sa alin tita?" Tugon ko na pumipirma ng mga papeles.
''Well, congrats. Nung first time na na-isulat ko ang article ko sa diary mo, it gained a lot of positive feedback. Nai-angat muli ang production ng aming dyaryo. Ngayon, we will go online. Kami ang mag-sponsor ng iyong blog site.''
Oo nga pala. Bulong ng aking isipan. Nakalimutan ko na nagsesend pala ako ng aking entry sa aking diary kay tita Trixie. Hindi ko nga nagawang basahin man lang ang aking entries sa news. Siguro dahil sa stress, sa dami ng meetings, business trips at iba pang problema sa personal, nakalimutan ko na magsend ng aking entry kay tita Trixie. Mahigit dalawang buwan na ako nagtratrabaho sa British Telecom Philippine Branch. Mahirap din pala maging COO. Kelangan ko maging nanay sa 2687 na empleyado.
''Let me see tita. Lagi kasi pagod after work."Sabi ko na tumayo at pumunta sa bintana.
"So, from what I have read katrabaho mo ang ex mo ngayon.'' Sabi ni Trixie.
''Oo. Ka-badtrip nga eh''
''Oh eh di mas inspired ka na magsulat niyan.''
''Kinakabahan ako tita. Baka... nabasa na niya.''
''And so? Past naman na di ba? Baka naman may nararamdaman ka pa sa kanya kaya ganyan.''
Napatigil ako at napaupo sa sofa. Inisip ang sinabi no tita Trixie. Kaya ba ako nagkakaganito kasi after all this years, may feelings pa ako sa kanya? Hindi pwede ito. Napatigil ang aking pag-iisip ng malalim ng pumasok si Dann para sabihin na may bisita ako. Ang magiging bagong endorser ng kumpanya na si Julia Montes.
''Okay. Let her in.'' sabi ko na tinakpan ang microphone ng aking cellphone. Nang nawala na si Dann, tinanggal ko ang aking kamay sa microphone at kinausap si tita Trixie. ''I'll talk to you later tita. May aasikasuhin lang ako. Bye.''
* * *
Saang sulok ng Manila, bigla na lang binabasa ang Target News. Dati kasi hindi masyado mabenta ang newspaper na ito. Ilang buwan na nakalipas, bigla na nakikipagsabayan ito sa mga kilalang newspaper dahil sa aking mga naisulat na entries. Ayon sa aking tita Trixie, ang mga feedback daw ay magaganda. Puro lahat nakakarelate. Lahat naka-antabay sa mga susunod na entries ko.Nung natigil ang aking pagbibigay ng entries, marami daw ang nagreklamo at nainis bakit sa section ni Trixie Torres wala ng bagong diary. Kaya naisipan ng editor-in-chief nila na gawan ako ng blog site para duon na lang mabasa ng readers ang aking entries.
Pati mismo dito sa office pinagkukwentuhan ang tungkol sa diary. Ang laging tanong pa nila sino ang writer at sino ang heartbreaker ng buhay ni writer. Napapangiti na lang ako minsan kapag naririnig ang kanilang komento. It urges me more to write and share it.