Isinara ni Sir Larry ang pintuan matapos niya ipakilala si Dann. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Kaya napatalikod na lamang ako at pinagmasdan ang gusali sa tapat ng aming building. Nakakabingi ang katahimikang nababalot sa aking opisina. Ang naririnig ko na lang ang pagpitik ng oras sa orasan malapit sa aking mesa. Hindi lang gulat ang aking naramdaman kundi mas nanaig na galit sa aking puso. Ang pagkamuhi sa kanya. Kaya hindi ko siya makausap ngayon.
"Moira? Ikaw na ba talaga yan?'' Sabi ni Dann na nakatayo pa din malapit sa pintuan.
Narinig ko nanaman ang baritono nyang boses. Ang boses na matagal ko ng kinalimutan. Pumunta ako sa aking mesa upang maupo at inayos ang aking upo. ''Have a seat Mr. Zamora.''
''It has been a long time. Marami nagbago sa iyo. Lalo kang gumanda-''
''Stop saying rubbish things Mr. Zamora. Gusto kong linawin sa iyo na hindi ka tinanggap dito sa kumpanyang ito para bolahin ang boss mo. Strictly business ang pag-uusapan dito.''
''I'm sorry. ''
Bigla na lang ako natawa at tinignan siya in a sarcastic way. ''Marunong ka pala magsorry. Nasa bokabularyo mo na pala ang salitang sorry.''
''Kung tungkol ito sa dati-''
''Like I said earlier Mr. Zamora. Be professional. Business ang pag-uusapan. Anyway, since ngayon ka na mag-uumpisa magtrabaho pakikuha sa files room ang mga sales folders mula 2010 hanggang ngayon. And please pagtimpla mo ko ng kape with quarter of sugar and half cream.''
''So paano kita i-address?"
''Don't call me ma'am because that's for my mother. You can call me Moira or with a miss or whatever suits you.''
Tumayo si Dann at inayos ang kanyang black suit. ''Okay. Moira na lang tutal duon naman kita una nakilala. It was nice meeting you again.'' Iniabot niya ang kamay niya.
Tinignan ko lang ang kanyang kamay at siya na nakatingin sa akin at nakangiti. Sumandal ako sa aking upuan at napabuntong-hininga. ''My coffee?''
''Ahh oo nga pala. Sorry. Sige ipagtitimpla na kita.''
Nagmadali siya na lumabas sa aking opisina at isinara ng padabog ang pintuan. Napahawak ako sa aking noo at hinilot ito ng dahan-dahan. Naisipan ko na buksan ang computer na nakalagay sa harap ko at pinindot ko ang Microsoft Word. Inayos k oang aking upo at sinimulan ang paggawa muli ng aking diary.
January 9, 2015
Dear Diary,
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Ipinaglalapit kami muli ng taong matagal ko na dapat nilimot. Guess what makakatrabaho ko siya... ''si heartbreaker''. At siya pa ang napili nila na maging assistant ko. Bakit ba siya ulit? Pwede namang ipadala nila si Suzanne ang talagang assistant ko sa London. Sinasabi ko na nga ba eh. Ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas ay may kakambal na masamang mangyayari.Pero hindi pa rin nagbago ang kanyang itsura. Ganun pa din. Tall...Dark... and... and...Darker. Ha ha ha! Hindi man lang siya lumaklak ng gluta man lang after all this years. Pero ganun pa din ang ngiti niya. Ang ngiting nakakatunaw. Ang ngiti na nakakapang-akit. Killer smile kung ika nga.
April 3, 2009 third year ako nuon na incoming fourth year sa aking kursong electronics engineering. Summer term na namin nuon. Nagdidiscuss ang aming professor tungkol sa cascaded amplifiers na kung saan lahat ay inaantok at pagod na pagod dahil sa 7:30 ng umaga ang aming klase. Kinalabit ako ni Iris at may ipinasa sa aking papel. Nakatupi ito ng walong beses kaya naisip ko na baka ito ay isa lamang biro o isa kong quiz paper na bagsak at sila nakapulot.
Pagkabuklat ko ng papel, isang love note ang nakasulat. Galing kay Heart Breaker. Ang nakasaad dito ay ''Inaantok ka kay ma'am? Ako din eh... Napuyat ako kasi kagabi. Ikaw ang may kasalanan nito. Lagi ka kasi nasa isip ko. Ang cheesy noh? haha. Just want to make you smile.''Napangiti ako at tumingin sa kaliwa ko at itinuro ang dilaw na papel. Tumingin siya at tumatawa ng tahimik sabay kumindat.
After ng klase namin nuon, binigyan kami ng instructor namin ng 30-minute break. Gutom na gutom ako pero 'di ako umalis sa aking upuan. Inaral ko muna ang mga notes na aking kinopya kani-kanina lamang. Biglang may naglagay ng isang mango juice at burger na nakalagay sa aking mesa. Naupo siya sa harap na upuan at kinausap ako. Sinabi niya na ''Oh masyado ka naman seryoso kumain ka nga. Alam ko na gutom na gutom ka na.''
Tinignan ko siya at sinarado ang aking notebook. ''Paano mo nalaman na gutom ako?''
''My manly instincts. Sige balik na ako sa upuan ko at mag-aaral. Kainin mo yan ah.'' Sabi niya ng nakangiti at umalis na siya sa harap ko.
To be honest, siya pa lang nakakagawa sa akin ng ganun. Sa past relationships ko, siya ang nakakitaan ko ng ganoong kilos. Na may concern siya sa akin. Pero nakaraan na. Hindi na ganoon muli ang kanyang maipapakita sa akin dahil may kani-kaniyang buhay na kami. Siguro sila pa rin hanggang ngayon ng syota niyang kamukha si Annabelle mula sa palabas na Conjuring.
Wala na ako pakialam. Basta ako, nandito lang ako para sa aking trabaho at para sa aking pamilya. I don't want to let my personal feelings get in the way. Matagal ko ito natutunan sa London kaya dapat ko na i-apply dito.