Chapter 10: The Assistant

6 1 0
                                    

Mahigit 40 minutes ang aming biyahe mula sa Quezon City kung saan ako ngayon ay nakatira patungo sa Makati. Itinigil ni Mang Bert ang kotse sa harap ng entrance ng 22-storey na building. Nagmadali siyang bumaba sa kotse atpinagbuksan ako ng pinto sa kung saan ako naka-upo. Bago ako bumaba sa kotse nagdasal muna ako sa Panginoon at tsaka huminga ng malalim at bumaba na sa kotse. Tumingala ako at tinignan kung gaano katangkad ang gusali at sabay ngumiti at napabulong ng ''this is it.''

''Anong oras kita susunduin dito iha?" sabi ni Mang Bert na nanginginig ang boses.

''7 pm na lang po. Mag-overtime pa po ako.'' tugon ko.

''O sige. Mag-iingat ka anak ha?''

''Opo. Kayo rin po Mang Bert. ''

Nagmadaling pumasok sa kotse si Mang Bert at pina-andar ang kotse. Naglakad ako papasok sa lobby ng building at itananong ang receptionist kung saan ang floor ng aking office. Marahang sinabi sa akin ng receptionis na babae na nasa 15th floor daw ang aking office. Ngumiti ako at nagpasalamat sabay ko na isinuot ang aking sunglasses. Ayaw ko na makita nila na puyat ako kaya isinuot ko ang bago kong Ray Ban na sunglass.

Habang patungo ako sa elevator, lahat ng tao nakatingin sa akin. Mapa-lalaki o mapa-babae sa loob ng lobby. Nang magbukas ang pintuan ng elevator ang ingay sa loob ng elevator na kung saan punung-puno ng babae ay biglang nanahimik. Pumasok ako at pinindot ang numerong 15 sa gilid at nagsara na ang pintuan. Narinig ko ang dalawang babae na maingay na nagbubulungan tungkol sa akin.

''Akala mo naman kung sino. Pa-sunglasses pa dito sa loob ng elevator. Nasaan ang araw?'' Humagikgik ang babae.

'' Oo nga. Sa tingin ko, imitation ang kanyang bag. Hindi yan totoong Hermes.'' dagdag ng isang babae.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinakinggan ko na lang ang instrumental music na pinapatugtog sa elevator. Nang magbukas ang pintuan ng elevator, nagulat ang dalawang babae dahil sa parehong floor din ang aking destinasyon. Dumeretso ako sa ladies' room para magtouch-up at ang dalawang babae naman ay nagpunta na sa kanilang opisina.

* * *
Si Mr. Larry Narciso ang general manager ng kumpanya ay nagpatawag ng emergency meeting. Ngunit hindi sila sa meeting room nagpunta kundi sa labas lang ng kanyang opisina. Nagtataka ang lahat bakit sa gaanong kaaga nagpatawag si G.M. Larry. Lumabas sya sa kanyang opisina at niluwangan ang kanyang necktie at umubo.

''Good morning everyone. Alam ko na nagtataka kayo bakit sa ganitong kaaga may emergency meeting tayo. Well, we all know na last week ay nagpaalam na si Mr. John O'Conell, ang ating Chief Operations Officer dito sa kanyang mahigit 45 years na pamamalagi dito sa British Telecom, kelangan na niya umuwi sa London at magpahinga na rin. Kaya ang ating mother company ay nagpadala ng papalit sa kanya. Senior network engineer siya duon. She is not a British but a Filipina. Sa Baguio siya naggraduate ng kolehiyo at duon din siya pinanganak.'' Sabi ni Mr. Larry na nakangiti.

''Is she sexy?'' sabi ng isang lalaking empleyado na natatawang sabihin niya ito.

Lahat nagtawanan at tumawa naman din si Mr. Larry. '' To be honest yes she is. Hindi lang siya sexy, maganda at matalino pa.''
Sabay-sabay ang mga empleyado nag ''ooh'' at naeexcite makilala ang kanilang bagong C.O.O. '' Kelangan lang natin siya hintayin within a few minutes baka natraffic-''

''I'm here Mr. Narciso.'' Sabi ko na naglalakad patungo sa kung nasan sila.

Napatingin ang lahat sa akin mula ulo hanggang paa na para bang nakakita ng isang modelo sa Victoria's Secret Fashion Show. Nagulat din ang dalawang babae na nakasabayan ko sa elevator.

''There she is.'' Sabi ni Mr. Larry na sinalubong ako ng yakap.
"Siya ang aking sinasabi sa inyo. Your new COO.''

''Good morning everyone. I am Moira Elayza Cristobal. Your new COO. I hope that we can become friends here and I promise that i'll try not to be your bosszilla.'' Sabi ko na nakangiti at tinanggal ang aking sunglasses. Tumawa ang lahat. ''And what's your name?'' Sabi ko na nilapitan ang isang babae na nakasabayan ko sa elevator na pinagchichismisan ako.

''Kelsy po maam.'' tugon ng babae na namumutla.

''And you?" sabi ko na nilapitang ang katabi niyang babae.

''Uhm...eh... Janice po.'' sabi niya na pinipilit ngumiti.

''Well Kelsy and Janice I would like to inform you that my bag is an original one.'' sabi ko na tumalikod at kinausap si Larry.

Muli sila nagtawanan at pinabalik ni Sir Larry ang mga empleyado sa kanilang trabaho. Sinamahan ako ni Sir Larry at inikot sa buong floor. Si Larry Narciso ay aking nakilala nung nagbusiness trip sila sa London. Kabilang ako sa conference meeting na kung saan nandun din siya. Mestizo at nasa edad na 47 years old. May anak siya na tatlo at napangasawa ang isang sikat na pianist na si Marjorette Alcantara na kabilang sa PhilHarmonic Orchestra.

Itinuro niya sa akin kung saan at sino ang mga makakatrabaho ko. Inihatid niya ako sa aking opisina. Napinturahan ito ng kulay pale blue at nakalagay ang isang painting na aking binili pa sa Milan. ang aking table ay malapit sa bintana. at may mga apat na maroon na sofa sa harap nito.

''Okay lang ba ito sayo?'' Sabi ni sir Larry na nakatayo malapit sa mga sofa. ''Well, nirenovate namin ito para sayo. Si Mr. O'Connell kasi manly ang mga colors na gusto ipinta dito kaya, pinapalitan ko.''

Nakaharap ako sa bintana at pinagmasdan ang mga buildings na nakapalibot sa aming building. ''Its alright.Uhm Sir Larry, Nasan po ang aking assistant? I have to be acquianted with her.''

''Actually its a he. Medyo na-late lang siya onti pero he will-'' Naudlot ang sasabihin ni sir Larry ng may padabog na nagbukas ng pinto. ''Ah, there he is.''

Napaikot ako at nagulat sa aking nakita. Nanlalamig ang aking katawan. Tila parang nakakita ako ng multo. Nanghihina ang aking mga tuhod. totoo nga ang sabi nila. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

''Moira I would like you to meet Mr. Dannon Jared Zamora. Your assistant. Actually to be honest iha, nahirapan ako maghanap ng ka-pareho mo sa skills eh. Hanggang nakita ko sa HR ang kanyang resumé at maganda ang record niya kaya siya ang napili ko para sayo.''Sabi ni Sir Larry. '' Well I better leave you two. I have a breakfast date with one of our investors.''

Please God help me. Ang mga katagang umiikot sa aking utak sa mga sandaling iyon.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon