Nakarating kami sa destinasyon na nakalagay sa isang clue. Nakita namin na katatapos lang nina Kelsy at ang partner niya na si Peter duon at nagmadali silang umalis. Nakita na namin ang nakasuot ng white shirt. Isang babae na siguro local dito sa Laguna. Siya ay medyo may edad na. Kasing edad siguro ni Mang Bert. Nakasuot ng sumbrero na ginagamit ng mga magsasaka at may nakalagay sa kanyang T-shirt na ''troll''.
Sa mga nababasa ko dati ng bata ako, ang mga troll ay nagbibigay ng riddle bago ka makadaan sa dadaanan mo. Iniabot sa amin ang isang envelope na kulay asul. Tama nga ang aking hinala. May riddle siya na iniabot. Binuksan ko ito at binasa naming sabay ni Dann.
'' Suppose you're in a hallway lined with 100 closed lockers.
You begin by opening every locker. Then you close every second locker. Then you go to every third locker and open it (if it's closed) or close it (if it's open). Let's call this action toggling a locker. Continue toggling every nth locker on pass number n. After 100 passes, where you toggle only locker #100, how many lockers are open?'' Sabay naming binasa ni Dann.''20" Sabi ni Dann na may pagka-sigurado.
Umiling ang babae at sinabing mali. ''Last chance.''
Inisip ko ng maigi ang tamang sagot. Inilabas ko ang ballpen ko sa aking bag at isinulat sa likod ng envelope ang solusyon. ''Each of these numbers are perfect squares. Which is based on the factors of each locker number. 'Di ba ang mga numbers from 1-100 na may perfect squares ay-''
'' 1, 4, 9, 16, 25, 36, 49, 64, 81, and 100.'' Dagdag ni Dann.
''Right. So the only way it can be toggle up is if it is open for odd number of times. Therefore the answer is 10."
''Tama.'' Sabi ng babae at iniabot sa amin ang isang pulang envelope.
Binuksan namim ang pulang envelope at isa nanamang riddle ito. Napa-mura si Dann kasi kahinaan niya ito. Maski na nung college ayaw na ayaw niya ng mga ganyan tuwing Literature class namin nuon. Pagbukas ko ng envelope may nakalagay na maliit na piece ng jigsaw puzzle at nakalagay ang isang mensahe na nakasaad ang isang riddle.
''Hanapin ang apat na piraso ng jigsaw puzzle. Para sa next clue sagutin ang riddle at sundan ang mapa.''Binabasa ni Dann.
" You are taking part in a treasure hunt, where the directions to finding the treasure are given using cryptic clues. You start at a cross-roads, with roads heading out east, west, north, and south. You receive the following instructions about heading towards the treasure from your current location:(a) If you travel north or travel east, then you will not find the treasure
(b) If the treasure is to the south, then you can also get to the treasure by traveling east
Assuming that all the instruction given to you are true, which direction should you head to find the treasure? Justify your answer."
''Hindi ko ma-gets.'' sabi ko na patuloy na naglalakad.
''Ahh! gets ko na! Tungkol ito sa direction eh. Ibig sabihin nito diretso tayo sa north.''
''Sigurado ka ba?"
''Oo. Sigurado ako. Ikaw wala kang tiwala sa akin.''
''Naninigurado lang ako. Ayaw ko matalo.''
Sinunod namin ang north. Unti-unti ko na nakikita na nawawala na ang mga yellow mark sa trail. Kaya nagtataka na ako. Mali ata ang inassume ni Dann na direksyon. Mahigit isang oras na kami naglalakad wala kami mahanap na clue. Kaya nagdesisyon ako tumigil sa paglalakad.
''Tama ba ang pinupuntahan natin? Mali naman ata ang sinagot mo eh.'' Sabi ko na umiinom ng tubig.
''Tama. Kahit ulitin mo pa basahin.''Tugon ni Dann.
Umupo ako sa isang maitim na bato at tinignan ang view. Napakaganda. Kahit mainit ang panahon, ang gandang pagmasdan ang nilikha ng ating Panginoon. Umupo sa tabi ko si Dann at huminga ng malalim.
''Magpahinga na muna tayo. Lalo ka na.'' Sabi ni Dann na umiinom ng tubig.
''Matatalo tayo kapag lagi na lang tayo nagpapahinga.''
'' May sakit ka Moira. Ayaw ko naman na dahil dito atakihin ka.''
''Why the hell do you care?"
''Kasi boss kita. Kasama ito sa trabaho ko.''
Kaibigan? kelan ba tayo naging mag kaibigan?
Huminga siya ng malalim at napatingin sa tanawin.''Can't we just talk about something else? Let's talk about us.''
''Mananalo na ang ibang team. Tara na.'' Sabi ko na tumayo at aalis pero hnawakan niya ang aking kamay ng mahigpit.
''Bakit ka ba umiiwas? Ikaw na ang nagsabi na kapag nasa office tayo, hindi tayo mag-uusap ng tungkol sa ating personal na buhay. Now, nandito na tayo sa labas.''
Napatigil ako at nasabi sa aking sarili na tama naman siya. I practice what I preach.Maybe this is the right time to let it go of all the pain I still feel inside. Napaupo ako sa kanyang tabi at pinanatili ang aking tingin sa malayo.
"Sa tuwing tinatanong kita tungkol... sa kung ano ang nangyari sa atin... lagi ka umiiwas. Bakit ba?"
Hindi ako maka-imik. Ngayon na may chance ako sabihin kung ano ang dapat ko sabihin, ngayon naman napaurong ang dila ko. Napahinga ako ng malalim at nagumpisa na magsalita. ''Ano pa ba ang gusto mo pag-usapan?''
''Bakit mo ba lagi ako tinataboy? Hindi ba normal sa mag-ex na maging magkaibigan?"
Natawa ako sa sinabi niya. ''Alam mong hindi Dann. Hindi ko kayang masikmura na nakikita kita lalong-lalo na ang syota mo.''
''Alam ko. Kasalanan ko itong lahat. Mas pinili ko na saktan ka... Kasi yun ang dapat. Ayaw ko pa na pahirapan ka.''
''Saktan? Ha! Yun ang tama?Sino ang nagsabi sayo na yun ang tama? In the first place dapat hindi mo na ako nilandi. Hindi mo ko niligawan. Lalong lalo na, pinaniwala mo ko sa sinabi mo sa salitang forever na yan.''
''I'm sorry, Moira. God knows, minahal kita...It's just dumating lang ako sa point na narealize ko na tama na. Ayaw ko na saktan ka pa...Kasi bigla na lang nawala...Kaya ako bigla nawala ng one month noon. Oo, alam ko mali yun. Hinanap ko ang sarili ko at nahanap ko ang mga sagot sa aking katanungan sa loob ng isang buwan na iyon. Na.... Hindi na kita mahal.''
Nararamdaman ko na tutulo na ang aking luha. Kaya tumayo ako at napatalikod." Bahala ka na sa buhay mo. Basta ako aalis na ako dito. I have a game to win.'' Nagmadali akong naglakad at naghanap ng daan na pabalik.