January 20, 2015
Dear Diary,
May 17, 2009 naalala ko pa ang araw na iyon. Ang araw na pinakamasaya. Oo ilang weeks lang niya ako niligawan sinagot ko na. Sabi kasi ng mga kaibigan kong lalaki 'ang panliligaw di pinapatagal. Ang pinapatagal ang relasyon. Pwede namang ipagpatloy ang pagliligawan kapag kami'. May punto naman sila kaya iniba ko ang game plan sa paghandle ng relationship.Naalala ko umuulan nun eh. Wala ako payong na dala. Gabi na matapos ang klase ko. Susugurin ko na sana ang ulan pero hinawakan ni Dann ang braso ko at sinabi ''baby ko.. ahy mali.'' Napatawa siya. ''Tara may payong ako. Hatid kita sa sakayan niyo.'' Dahil kating-kati na akong umuwi at kumain na nag hapunan, hindi na ako nagpakipot pa. Habang naglalakad kami sa Assumption Road, tinanong niya ako. Pero pabiro lang naman niya tinanong kung kelan ko na ba siya sasagutin. Na kung kelan niya ako pwede tawagin na ''baby ko''. Bigla na lang lumabas sa aking bibig ang salitang ''oo''.
Mismong siya nagulat din. Nagulat ako at tinakpan ang aking bibig. Wala ata ako sa sarili ko nuon. Na-carried away sa sobrang kilig ng sabihin niya ang '' baby ko''. Napatingin siya sa akin at sabay sabi '' Ui. Ano ulit yun?" '' Yung alin?" sabi ko na umiiwas ng tingin.
''May sinabi ka eh. 'Say it again for me, it's like the whole world stops to listen''' kanta niya.
''Oo na. Sige na. Lumalakas ang ulan eh.''Sabi ko na tumatawa. ''Sabi ko, oo. Oo na pwede mo na akong tawaging 'baby ko.' kasi... tayo na.''
Napatigil kami sa Session Road at bigla niya hinawakan ang aking kamay. Sakto naman na tumutugtog ang isang kalapit na bar ng kantang ''Say It Again'' ni Marié Digby. Coincedence na coincidence yun eh. Kaya napa-paniwala ako sa salitang ayaw kong sabihin... nakakasakit sabihin pero sige... i-push ko na... ang salitang ''meant to be''.
Nakarating kami sa aming paradahan. Tumila na ang ulan. Pareho kaming basa dahil nagkasya kami sa isang folding umbrella na binili niya daw sa SM para lang may pang payong daw siya sa akin. Minsan kasi dahil sa stress nagiging makakalimutin ako kaya lalong male-late ang paguwi ko.
Bago ako sumakay ng jeep, hinalikan niya ako sa pisngi at sinabi ''Ingat ka. Text ka ha kapag nakauwi ka na.''Gulat ako dahil sa ginawa niya. Naptingin ako sa kanya at hinalikan din ang pisngi niya at sabay sabi ''Ingat ka rin, baby ko.'' After nun sumakay na ako sa jeep at tumingin sa bintana at kinaway ang aking kamay at binulong sa hangin ang salitang ''bye.''
Araw-araw at tuwing vacant period namin magkasama kami. Pareho kaming ginagawa ang project namin sa aming subject na laboratory nun. sino-solder niya ng maigi ang pagkalagay ng capacitor sa circuit board at samantalang ako tine-test ang bawat circuit na na-accomplish namin ng aming grupo. Minsan nagtutulangan kami sa tamang pagdisenyo at arrangement ng mga capacitors o mga components para maiwasan ang ma-short circuit.
Sa bawat game niya nanunuod ako. Siyempre isa sa mga kaakibat na role ng girlfriend eh ang pagiging supportive. Nagmumukha nga ako na stage girlfriend. Pag pinawisan siya pinupunasan ko ang pawis niya kasi kpag natuyuan siya ng pawis, madali siya magkaubo.
Ang galing niya mag-shoot ng bola. Kagaya nga ng sabi nila, kasing galing niya talaga si Black Mamba ng NBA na si Kobe Bryant. Hindi ko maiwasan na minsan magtampo kasi after ng game dami lumalapit sa kanyang girls. Pero binabalewala ko na lang sila. As long as ako lang naman di ba ang mahal niya, di ko na kelangan pa magtampo.
* * *
January 22, 2015
Dear Diary,
May 30, 2009 nagkasakit ako nuon at hindi makapasok ng dalawang araw dahil sa sakit ko na arrhythmia. Bigla akong nahihilo at nararamdamang naninikip ang dibdib ko kaya napag-desisyunan ng aking mga magulang na wag na lang pumasok. Hindi ko pinaalam sa kanya kasi kelangan niya pumasok at tapusin ang project ng kanilang grupo. Pero dahil sa marami siyang source ay nalaman niya at natunton ang aming bahay.
Pag gising ko nagulat ako at nakaupo siya sa gilid ng kama at hawak ang aking kamay. Parang sa mga telenovela.Napangiti ako at sasabihin ko sana na bumalik na siya sa school pero pinatahimik niya ako at sabay sabi ''baby ko, shh. Wag ka na nga makulit dyan. Higa ka lang. Na-stress ka kasi this past few days kakagawa ng project kaya na-trigger yang sakit mo. Kelangan mo magpahinga. Ako na ang bahala sayo.'' Sabi niya na hinalikan ang aking noo.Magsasalita pa sana ako kaso ipinikit ko na lang ang aking mga mata at inenjoy ang feeling na finally I have found what I have been looking for. Hanggang sa nakatulog na ako. Ang sabi sa akin pagkagising ko hanggang 5 pm siya nasa tabi ko. Pero kelangan niya pumunta sa practice nila at may iniwan siya na boquet of roses sa aking tabi na nakalagay ''Baby ko, sorry i have to go. mapapagalitan nanaman kasi ako ng coach eh. Bukas ng umaga I'll check up on you. Pagaling ka ha? I love you :)"
Sino ba naman hindi magtatampo dun di ba? Kaya, kahit gusto ko magtampo hindi ko magawa kasi ang galing niya sumegway eh. Alam niya saan ang kiliti ko. Haaaaay.