Chapter 22: Gratitude

3 0 0
                                    

After ng aming camping, umalis kami ng maaga sa Mt. Makiling, mga around 6:30 a.m. na. Tahimik ang lahat na sumakay sa bus. Mga halatang puyat kagabi sa camping. Nag-inuman at nagkasiyahan pa sila. Habang ako kagabi, hindi sumali sa kasiyahan at tinapos ko ang pagsusulat sa aking entry sa blog. Naupo ako sa medyo likod ng bus at nakaharap sa bintana. Tumabi nanaman sa akin ang asungot. Hindi ko na lang siya pinansin at nakatingin pa din ako sa bintana.

''Hey. Good morning boss.'' Masayang bati ni Dann ng nakangiti.

Tumingin ako at ngumiti lang tapos tumingin muli sa bintana.''Mukha yatang hindi ka puyat.''

''Oo. Busy kasi ako kagabi kausap si Jenny. Namimiss na daw niya kasi-''Napatigil si Dann sa pagsasalita nakaramdam na wala akong pakialam sa kung ano man sinasabi niya tungkol sa girlfriend niya. ''Um... Salamat pala kahapon. Hindi ko alam gagawin ko sa sitwasyon ko kahapon kung...wala ka.''

Kung wala ka. Paulit-ulit na umeecho sa aking utak. Wala siguro ibig sabihin na iba yun. Siguro... it's a figure of speech. Pinaglalaruan lang ako ng gagong to. Napatingin ako sa kanya at tinitigan lang siya. ''Wala yun. Nakakakonsensya ka kasi tignan kahapon.''

''So it means, okay na tayo?''

Agad ako tumugon.''Hindi. Pero sa ngayon, ceasefire na muna tayo. Nung nasa trail tayo kahapon, bakit nung narinig mo ang Jerusalem, bigla na lang nag-iba timpla ng mukha mo?''

Napahinga siya ng malalim at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan. ''After grad kasi natin nuon, yung recruiter na kakilala ng ninong ko binigyan ako agad ng trabaho sa isang semiconductor na company. Nang nagpunta ako duon, ayun naloko ako ng recruiter. Sabi semicon na company, yun pala magiging isa pala akong smuggler ng mga makina ng kotse. Muntikan na ako makulong. Eh mahirap na makulong sa Middle East di ba? Magdadalawang taon na ako na hindi ko man lang makausap pamilya ko. Nandun ako sa isang isolated na lugar sa Jerusalem na kung saan duon nila pinapatira pansamanatala ang mga detainee. Hanggang sa napatunayan na nasangkot lang ako at walang ka-alam-alam, ayun umuwi na ako dito sa 'Pinas. Isang taon din akong naging security guard sa isang public school dito sa Manila hanggang sa ayun nakahanap ako ng trabaho dito sa BT.''

Karma. Doble pala ang napala niya. Dapat ko na ba itigil ang pagiging bitter ko sa kanila?

''Pasensya na kung mahaba ang kwento ko. Alam ko masyadong madrama...Pero, alam ko na you don't care about it kasi sino ba naman ako di ba? Hindi mo ko kaibigan. Ex mo lang ako. Ang ex na ginago ka.'' Dagdag ni Dann.

''I care. Hindi naman ako bato para walang maramdaman. Tao din ako'' Sabi ko na nakatingin sa kanyang malalim na mata.''To be honest, gusto ko tumawa at sabihing 'buti nga sayo' pero... I would like to say, I'm sorry to hear that.''

''So... I guess, we're friends?"

''I think.''

* * *
Pagkauwi ni Dann sa kanyang apartment, nasa loob ng kusina si Jennica nagprepare ng breakfast. Nagluto siya ng sunny side up na favorite ni Dann at ang piniritong danggit. Inilapag ni Dann ang dalang bag at nagtungo sa kusina. Amoy na amoy ni Dann ang aroma ng niluluto ni Jennica.

''Hon?" Sabi ni Dann na nagtataka.

Napalingon si Jennica na busy na nagluluto ng fried rice. ''Hon!" nagmadaling niyakap si Dann at hinalikan siya sa labi at bumalik sa niluluto.

''Pano ka nakapasok?"

Tumawa si Jennica at sinabi ''Hindi ba, binigay mo sa akin yung spare key? Nagteam building ka lang nakalimutan mo na.--

''Am sorry hon. Oo nga pala. Wala ka ba work today?"

''Meron. Pero siyempre, dahil namiss kita, gusto ko sabay tayo magbreakfast.''

''I see. Tulungan na kita. I'll set the table"

Pagkatapos ni Jennica magluto at naiaayos na ni Dann ang kakainan nila, inihanda na ang kanilang almusal. Habang sila ay kumakain, napagkwentuhan nila ang nangyari sa team building.

''Sinave ako ni Moira. Akalain mo magaling pala siya sa first aid kit. Sa kanya ko nalaman na toxic yung nakain ko na berry.''Sabi ni Dann na sumubo ng kanin.

Napainom ng kape si Jennica at kumain ng tinapay. ''Ahh. Alam ko na dapat ang gawin ko. Bilang pasasalamat sa kanya.''

''Ano naman yun?''

''Basta. You don't have to know. Sige kain ka pa ng marami. Mukha ngang medyo yata pumayat ang honey ko.''

* * *

May kumatok sa aking office door na napakahinhin. May kausap ako sa telepono na bagong investor sa kumpanya kaya hindi ko nasagot sa kung sino ang nasa loob na kumatok. Binuksan niya ang pintuan at pumasok at kumatok muli. Si Janice pala ang kumakatok.

''Ma'am excuse me.'' Sabi ni Janice sa mahinang boses.

Tumingin ako sa kanya at tinakpan ang mouthpiece ng telepono. At bumulong ''I'm on an important phone call. What is it?"

''May kliente po tayo na importante po na puntahan daw po ninyo siya ngayon.''

''Who?''

''I-meet niyo na lang daw po siya sa Starbucks ma'am sa Greenbelt po.''

Narinig ko na nagtataka na ang investor bakit di ako sumasagot sa kanya kaya sinenyasan ko siya ng thumbs up for okay. Kinausap ko na muli ang investor at isinara na ni Janice ang pinto.

* * *
Nagtungo ako sa meeting place na sinabi ni Janice. Habang papunta duon, na-traffic nanaman kami ni Mang Bert. Kaya para mabawasan ang katahimikan kinausap ko si Mang Bert.

''Mang Bert, kamusta naman po kayo?" Sabi ko ng nakangiti.

''Heto, tumatanda na.''Tugon niya na tumawa.

Tumawa din ako at napatingin sa kanya. ''Naku, mukha ngang batang-bata kayo eh.''

''Nambola pa.Ah eh, iha gusto ko sana magpaalam sa iyo na kung pwede ako magleave sa sabado. Wedding anniversary namin ni misis kasi. Pero invited ka naman iha. Punta ka kapag maluwag schedule mo ha?"

''Oo naman po. Pupunta ako. Teka Mang Bert, pang-ilang wedding anniversary na yan?"

''Mag golden na iha.''

''Dapat bongga ang wedding anniversary. Ako na ang sasagot sa venue at sa isusuot niyong mag-anak.''

''Naku iha, wag na. Nakakahiya. Ipunin mo na yam o ibigay mo sa pamilya mo.''

''Mang Bert, bago ako umalis ng Baguio, pinangarap ko at nangako ako sa aking pamilya na papalitan ko ang kapalaran nila. Nagtagumpay ako at stable na ang pamumuhay namin. Ngayon, tutulong naman ako sa aking kapwa. Besides, pangalawang magulang ko na din kayo. This is my way of thanking you sa paghatid at sundo sa akin umulan man o bumagyo.''

''Naku.Marami ka na naitulong sa akin iha. Salamat.''

''Salamat din ho.''





A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon