Chapter 9: Si Mang Bert

13 1 0
                                    

6:00 ng tumunog ng malakas ang aking alarm clock. Agad ako napabalikwas sa aking inuupuang silya at namalayang nakatulog ako sa aking balkonahe. Pagtingin ko sa aking harapan, napakaganda ng bukang liwayway. Kahit na ako ay nasa siyudad na, na-aapreciate ko pa din ang kagandahan nito. Pumunta ako sa loob ng aking silid upang tignan kung may nagsend ng text message o tumawag. Maraming missed call sa akin ang unknown number. Kaya sinubukan ko na itanong kung sino ito.

Engr._ME: Who is this?
(after 3minutes)
Unknown Number: Its me. Your ever beautiful tita Trixie. 0;)
Engr._ME: oh. Sorry tita. Pano mo nakuha number ko?
(Sinave ko ang kanyang number at automatic napalitan ang caller ID name)
TrixieDyosa: Of course I have sources darling. Anyway, nabasa ko na ang ipinadala mong diary. Medyo parang may kulang eh.
Engr._ME: Ano naman po ang kulang?
TrixieDyosa: Passion darling. Paaaasssioooon. But it will do. ;) Keep sending your entries darling. I-sesend ko na lang ito sa aming editor at bukas na bukas mai-publish na ito.
Engr._ME: Uhm, thanks. I gtg na kelangan ko pa magprepare pa po eh. I'll just update you.
TrixieDyosa:Sure, Good morning my darling.
Engr._ME:Good Day. :)

Binaba ko na ang aking cellphone at naghanda na para sa aking first day of work. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko ang aking buhok gamit ng blower at nilagyan ng isang silver-coated na clip ang kaliwang bahagi ng aking buhok at saka kinulot gamit ng curler ang aking mahabang buhok. Isinuot ko ang itim na Chanel na midi-skirt at puting polo na tatak ni Tommy Hilfiger at 5 inch heel na Jimmy Choo. Naglagay ako ng hindi makapal ng make-up at kinuha ang beige na Hermés bag ko. Dress to kill.

Hindi na ako nag-abala na magluto ng aking almusal. Sa office na lang ako nagbalak na kumain. Tinawagan ko kaagad ang car service ng aming kumpanya. Nasa tapat na ako sa aming condominium building at tumingala sa mga naglalakihang gusali sa Manila. ''Manila, be good to me.'' Naibulong ko sa aking sarili.

Dumating na ang car service ng aking kumpanya. Isa itong itim na Honda Civic Sedan. Lumabas sa driver's seat ang isang matanda na na lalaki. mga nasa edad na 60 pataas at naka-uniporme ng puting t-shirt na naka-tuck-in sa kanyang gray na pantalon. Nakangiti siya at bumati ng ''Good morning Ma'am. Ako nga po pala si Roberto Santos. Mang Bert na lang itawag niyo sa akin. Ako po ang magiging driver niyo.''

''Magandang umaga din po, Mang Bert. Wag na po kayo mag-po sa akin. Tutal mas matanda naman po kayo sa akin eh.Ano, tara na Mang Bert?" Nakangiting tugon ko.

Ipinagbukas niya ako ng pintuan sa passenger's seat at nagmadaling nagpunta sa driver's seat at ginising ang makina ng sasakyan. Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasadan ang tanawin. Wala pa rin nagbago sa 'Pinas. Ang mga naglalakihang gusali, ang mga kalalakihan na umagang-umaga nasa isang tindahan nakatambay at umiinom ng gin. Ang mga kababaihang nakapusod ang buhok at papunta na sa palengke at ang mga magagarang kotse na nakikipag-karera sa kapwa motorista.

Napansin ni Mang Bert na tahimik ako na nagmamasid sa aking bintana. Umubo siya at nagsalita ''Ang init noh dito sa Manila.''

Napatingin ako sa kanya at ngumiti. ''Oo nga po eh. 'Di kasi ako sanay sa ganitong ka-init lalong lalo na sa tanghali.''

''Balita ko sa aking 'visor na taga-Baguio ka at nagtrabaho pa sa London.''

''Opo. Tama po kayo. Naging consistent ang aking katawan sa lamig.''

Pansamantalang nanahimik ang kotse ng tumigil kami sa stoplight. Napatingin si Mang Bert sa kanyang wallet at tinignan ang litrato na nakalagay sa kanyang kupas na leather na pitaka.

''Mga anak niyo po?'' Sabi ko na lumapit upang makita ang litrato.

Iniabot nya sa akin ang litrato at tumingin ulit sa kalsada. ''Oo. Anim ang mga anak ko. Panganay ko babae. Pangalan niya ay Evangeline. Mas matanda pa sa iyo ng mga apat na taon. Ang bunso ko naman eh pitong taong gulang. Nasa grade 2 na.''

''Ganda po ng anak ninyo. Ano po natapos niyang course?"

Nag-go signal na ang stop light at iniandar na Mang Bert ang kotse. ''Hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Maaga nagkaroon ng pamilya si Evangeline. sa edad na kinse siya nagka-anak. hanggang sa nadagdagan ang kanyang mga supling. Apat na ang naging anak nila ng kinakasama niya hanggang sa iniwan na lang basta-basta sa kalye ang aking anak at apo. Kaya kahit matanda na ako, kami ng aking misis di pwede tumigil sa pagtratrabaho kasi kawawa ang apo at mga anak ko eh.''

Napasandal ako sa aking upuan at dinaramdam din ang nadaramang kirot sa kanyang puso. Naawa ako sa kanyang pamilya. Lalong-lalo na si Evangeline. Na iniwan na lamang ng walang-hiyang lalaki na ginawa siyang inahin at di kayang panindigan. Mga lalaki talaga.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon