Chapter 14: Si Jennica

4 1 0
                                    

Si Jennica Christie Gomez ay isang mechanical engineering student din sa aming university. Maputi, magaling kumanta, minsan may kaartehan pero okay lang at marami nagiging boyfriend. Sikat kasi siya. Dahil sa kanyang pagiging cheerful at friendly na ugali kaya lagi siya napapansin. Every week nagpapalit pa yan ng kulay ng kanyang kuko. Depende kung ano mood niya. Nakilala ko siya sa glee club. Isa na kasi ako sa old member ng glee club namin sa university ng pumasok siya. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon.

Tandang-tanda ko pa isa ako sa nagjudge sa kanya nung nag-audition siya. Kinanta niya ang ''There You'll Be'' ni Faith Hill. Isa siya sa mga nakuha at napabilang sa mga soprano. Dahil puro kami higher at siya ay sophomore pa lang nuon, wala siyang kakilala at nahihiya pa. Sa tuwing training namin, nilapitan ko siya at kinausap. Gusto ko kasi na lahat ng new members maramdaman nila na welcome sila sa aming organisasyon.Doon na nag-umpisa ang aming pagkakaibigan. Sabay kami na inaaral ang choir piece. Alto kasi ako at siya ay soprano para marinig ang variation at masanay siya na dapat ang tono lang niya ang dapat niya sundin.

Dahil sa close nga kami, sinasama ko din siya kung may game si Dann. Naging close din sila ng dahil sa akin. Kapag may problema si Jennica lalo na sa lovelife, nandun ako para maging ate niya at maging karamay niya. Kapag may hindi siya naintindihan sa physics, tinuturuan ko siya. Kumbaga, parang naging kapatid na ang aking turing sa kanya. Pinagbe-bake niya ako minsan ng lemon square. Ang lagi niya ibine-bake kapag bored siya.

Mahilig siya sumelfie. Laman nga ng profile niya mukha niya eh. Napagkakamalan tuloy siya na GGSS o Gandang Ganda Sa Sarili. May naging boyfriends siya. Pero not so serious relationship din. Siyempre ako, bilang ate, ginagabayan siya at kino-comfort ko siya.

Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko. Sa sobrang close na ni Dann at ni Jennica, kinukutuban ako na baka may something sila. Pero ayaw ko naman bigyan ng malisya kung ano man ang relasyon nilang dalawa. Pero hindi ko aakalain na it will turned out to be different. Biglang lumamig ang pakikitungo sa akin ni Dann. Hindi na siya yung dating sweet at laging may pick up line, bigla na lang naglaho.

Simula nung wala na kami ni Dann, kinalimutan ko na ang lahat. Ang aming pagkakaibigan. At ngayon nagbalik na ako, ibang-iba na ako. Ibang Moira Cristobal na ang haharap sa kanila. Mabangis, matapang at hindi na muli magpapakatanga.

                                               * * *
Pumasok ako sa aming floor at nakitang nagtawanan at nagkakainan sila. Tinignan ko ang aking watch, hindi pa naman break pero bakit kumakain sila at nagkakasiyahan. At sina Dann at Jennica ay nagsusubuan ng nahating lemon square. Nasa isang business trip si Sir Larry kaya ako, na second-in-command sa company ang maghahawak ng mga empleyado.

Pagkalapit ko sa mga nagkumpulang empleyado sa desk ni Dann,na aking assistant bigla silang nanahimik at natigilan sa pagkain ng lemon squares. Signature pastry ito ni Jennica.

''What is this?" sabi ko na nakatayo ng tuwid na parang naka-pose para sa mga beauty pageant.

''Uhm Ms. Moira kasi yung girlfriend po ni Dann,bumisita may dala ng binake niya para sa kumpanya. Eto po oh para sa inyo.'' Sabi ni Kelsy na inaabot sa akin ang isang saucepan na may isang hati ng lemon square.

''Let this be clear to all of you. Hindi kayo binabayaran ng kumpanyang ito para dito kayo maglampungan. Office hour pa. Mamaya pa ang mga breaks niyo di ba? Go back to work. Kung ayaw niyo na ireport ko ito sa HR.'' Sabi ko na nakatingin sa kanila at pinagtarayan ng tingin sina Dann. Pumasok akp sa aking opisina at tumayo sa likod ng pintuan. Lord, ano po itong pagsubok na ibinigay niyo sa akin? Kay Dann pa nga lang po, nahihirapan na ako... Ngayon si Jennica na. Unti-unti na po nila ako pinapatay. Napapikit na lang ako at sinubukang umupo sa sofa at nag-isip muli.

Sa labas ng aking opisina, gulat na gulat pa rin si Jennica sa mga pangyayari. Hindi niya aakalain na darating ang araw na muli sila magkakaharap ng kanyang itinuring na ate at bestfriend. Napaupo siya sa gilid ng mesa ni Dann at nararamdaman ang pagkalamig ng kanyang katawan. Para bang nakakita ka siya ng multo. Ang multo ng kahapon.

''Hon, okay ka lang?" Tanong ni Dann na ibinaba sa mesa ang tupperware na kinalagyan ng lemon squares.

''Si Moira na ba talaga yun? Siya ang... ang boss mo?" Nanginginig na sabi ni Jennica.

''Oo. Siya nga. Actually, yan din reaction ko nung una ko siya nakita. Ang laki ng pinagbago niya.''

''Hon, paano ito? galit kaya siya sa atin? Lalong lalo na sa akin?"

''Sshhh. Hindi naman siguro. Pinagtarayan niya lang tayo kanina kasi totoo naman. Office hour kasi namin. Hayaan mo na muna siya. By the way, nagustuhan nila ang lemon squares. At nasarapan din ako hon. ''Giit ni Dann na nakangiti at hinalikan sa lips si Jennica para mabawasan ang tension na nararamdaman niya.

''I'm sorry to interrupt your honeymoon.''Sabi ni Peter na ka-close ni Dann sa aming opisina.May dala siyang mga expandable folders na kulay berde at blue.''Kung ayaw niyo ma-tarayan nanaman ni Ms. Moira,mamaya niyo na yan ituloy. Mamaya niyan Dann mawalan ka pa ng trabaho. Ibigay mo na ito kay Ms. Moira. Nandyan yung mga files ng sales invoices at debtors last February. Dali na.''

''Hon, hintayin mo na lang ako mamaya. Sabay tayo maglunch ha?'' Sabi ni Dann na kinuha ang mga folders at hinalikan muli sa labi si Jennica.

''Okay, sige. Hintayin kita sa lobby. I love you.'' Sabi ni Jennica.

''I love you more honey.'' tugon naman ni Dann na kumindat at pumasok na sa loob ng aking opisina.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon