Naglakad ako palayo kay Dann. Hindi ko matanggap ang sinabi niya sa akin.Makasarili siya! Hanggang sa may narinig ako na parang sumusunod sa aking likuran. Tumingin ako at si Dann. Si Dann na makasarili. Si Dann na syi-nota ang kaibigan ko. Napansin ko na parang nanghihina siya maglakad. Baka nag-iinarte lang siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko na parang may bumagsak na malaking bagay sa daan. Napalingon ako at nakahandusay sa daan si Dann. Tumakbo ako para tignan kung ano nangyari. Nakapikit ang mga mata ni Dann. Tinignan ko kung may pulso si Dann sa bandang leeg. Hiniwakan ko at meron siyang pulso. Nahimatay siya... Teka. Bakit ako naging concern sa taong ito? Matapos ng ginawa niya sa akin? Pagkatapos niya ako pagsawaan dahil sa invalid reason niya, ngayon bibigyan ko siya ng concern? Baka nag-iinarte lang ito.
Binitawan ko ang kanyang kamay at tumayo.Lalayo na sana ako pero inuusig ako ng aking konsensya na bumubulong ''tao ka rin kagaya niya. Kung ang Diyos 'di namimili ng tinutulungan, ikaw pa kaya na isa lamang nilalang na ginawa niya para bigyan ng malasakit at pagmamahal ang mga nangangailangan.'' Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking mga hita.
Tirik na ang araw at tumutulo na ang aking pawis. kinuha ko ang maliit na tuwalya sa aking bag at ipinunas sa aking mukha. Nakita ko na pati siya ay tumutulo ang pawis. Pero 'di na ako nagdalawang isip pa, pinunasan ko na din ang pawis sa kanyang mukha. Naghanap ako ng pwede maging pamaypay sa paligid at nakita ko ang halaman ng palmyra. nagputol ako ng isa at ginawang pamypaypay para sa kanya.
Mga higit labing dalawang minuto nagkamalay siya at umupo at naghanap ng pwede i-suka ang kinain. Hinaplos ko ang kanyang likod habang siya ay nagsusuka. Nang matapos siya sa pagluwal, iniabot ko ang kanyang drinking bottle at ipinainom sa kanya.
''Ano ba nakain mo at bigla kang nanghina?" Tanong ko habang patuloy sa pagpapaypay.
''May nakita ako sa daan ng ganito.''Tugon niya na inilabas sa kanyang bulsa ang mapupulang maliliit na bilog na parang mukhang cherry. Naalala ko itong prutas na ito sa London.Maselan ang prutas na ito dahil nilalaman nito ang cyanide na magdudulot ng pagsusuka at pagsasakit ng ulo. Limang piraso ang nasa kamay niya. ''Nagutom kasi ako kanina eh. Tapos nakita ko ito. Mukha namang cherry eh.''
''Didn't you know that this is an elderberry?"
''Hindi ako familiar eh.''
''Toxic ang elderberries kapag di mo muna pinakuluan ito. Baka nakain mo pa ang buto.''
''Naparami pa ko ng kain... Wait... na-jejebs ako... Saan ko ito ilalabas?''
''Medyo lumayo ka ng kaunti. mga 5 meters.''
Sumunod si Dann sa aking sinabi. Nagpunta sya sa madahon na lugar. Maitatago ang kanyang buong katawan sa kanyang gagawin. Bigla ulit siya nagsalita habang inaayos ko ang gamit namin. ''Uhm. Moira... May tissue ka ba diyan?"
Napahinga ako ng malalim sa sobrang inis sa kakulitan niya. ''Gumamit ka na ng dahon diyan.''
''Eh madumi eh.''
Napalingon ako kung nasaan siya. ''Alam mo hindi ka pa din nagbabago. Maarte ka pa din. Ano ba gusto mo? Maglakad the whole day na may dumi sa puwet? o gamitin na yang dahon diyan bilang pamunas?"
''Okay. Sorry. Wag ka na magalit.''Sabi ni Dann na nagtago muli sa damuhan.
''Pagnatapos ka na, ibaon mo sa lupa yan. Forest reserve to so you should keep the viscinity clean.''
''Yes ma'am"
Pagkatapos niya ilabas ang sama ng panahon sa kanyang tiyan, lumapit siya sa akin at kinuha ang kanyang bag. ''Whoa! whoa! You're disgusting.''
''Disgusting?''
''Wala ka bang alcohol? So balak mo pa talaga magkalat ng germs.''
''Eh wala naman paghuhugasan dito ah.''
Tinapon ko sa kanya ang aking hand sanitizer at wet wipes.''Ayan hugasan mo.''
''Akala ko ba wala kang tissue?''
Tumawa lang ako.''Sige na. Linisan mo na kamay mo at tanghli na. Kelangan na nating bumalik sa camp. Akin na yung riddle. Iintindihin ko na lang ulit.''
''Eto oh.''Iniabot nya ang envelope.
''By the way, inumin mo itong soda, it will help your tummy to calm down.'' Sabi ko na iniaabot ang Dr. Peppers.
''Thanks.''
Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko nung narinig ko ang salitang sinabi niya. ''What did you say?''
''Thank you sa concern mo sa akin. Tatanawin ko itong utang sa iyo.''
''Sure.'' Sabi ko na nakatingin pa rin sa kanya.
Nakangiti siya sa akin. Na-miss ko ang ngiting yun. Nakatunganga na ata ako sa kanya habang nakatingin sa kanyang nakakahumaling na ngiti. Bigla akong nahimasmasan at napatalikod at lumakad ng mabilis. Nagtaka si Dann bakit bigla na lang ako nagwalkout. Hindi pa rin siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
''What are you waiting for?'' Sabi ko na napatigil sa paglalakad at lumingon sa kanya.
''Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Tugon ni Dann.
''We head west.''