Chapter 5: The Diary

8 0 0
                                    

Simula pa nung high school, nakahiligan ko na magsulat. Kung may naisip o gumagana ang aking imahinasyon, gusto ko maisulat ang bawat detalye nito upang hindi mawala ang magandang imaheng naipipinta sa aking utak. Pero nuong ako ay nag-kolehiyo na, sadyang nakalimutan na ng aking mga kamay at imahinasyon paano ito paganahin muli. Dahil na rin siguro sa pagiging busy ko sa aking pag-aaral at sa pagiging buhay kolehiyala.

Hanggang sa eto nga, na-heartbroken nanaman ako. Yung tipong gabi-gabi iniiyakan mo siya. Yung hindi ko pwede makausap mga magulang ko kasi busy sila at hindi ko naman pwedeng gisingin ang aking mga friends ng late ng gabi para magdrama sa telepono. Kaya sa unan ko na lang binubuhos ang lahat mg sakit at ang aking mga luha. Iyakin kasi ako eh. Mataray man ako at nagtatapang-tapangan, pero mahina pa rin ako. Kapag alam kong hindi ko na kaya magpanggap na matapang ako, napapaiyak na lang ako tapos biglang sabayan pa ng mga malulungkot na kanta kaya lalo ako nagiging emotional.

One day, sa isang family reunion namin tuwing ika-dalawampu't limang araw ng Disyembre, nagkita-kita kami ng buong angkan ng mga Cristobal. Pati mga malalayong kamag-anak ay nakikilala ko. May isang lalaking hindi familiar sa aking memorya. Nilapitan ko siya at tinanong ''Hello po. Cristobal ka rin po ba? Hindi kasi familiar ang mukha mo eh.''Lumingon siya at ngumiti '' Yup, Cristobal ako. third cousin ako ng papa mo. but my mom is the Cristobal. My surname is Torres.''

Namumukhaan ko siya. Hindi ko lang maalala kung saan. Kung sa isang article ng dyaryo o magazine hanggang sa nagsalita siya at tinapik ang aking balikat. ''I'm working at the local newspaper. Kaya ka siguro napatulala diyan.''Sambit niya na nakangiti.

''Ahh. yeah now i remember. Kaw po yung nasa Target News. Nice meeting you po tito.''

''Naku ateng! di ba halata sa akin na ako ay isang bakla? So don't call me tito.. instead call me tita. Tita Trixie. hahaha! well ang tunay na name ko eh Patricio... eh di ba nag baho pakinggan kaya ayan. Trixie na ang tawag sa kin ngayon ng aking mga friendships.''

''Pasensya na po. hindi kasi halata-''

''I intended na di magcross-dresser... Idol ko kasi si Boy Abunda sa pananamit. kaya napaka-formal ko ngayon.''

Ako ay biglang napangiti sa kanya. Kasi ngayon lang kami nagkakilala pero parang matagal na kami magkakilala. Nakipag-chikahan kami ng matagal at napag-usapan nga namin ang aking lovelife. Si Trixie ay isang writer sa isang local newspaper na sa Lifestyle Entertainment column eh meron syang part duon na kung saan ang kanyang mga naisusulat ay tungkol sa love, travel, fashion at nakakapagbigay advice sa well... love at financial problem.

'' So I heard from your papa na isa ka daw journalist sa newspaper nyo sa school. Well, alam mo naman ang pudra mo pinakialaman ang mga gamit mo... binigay nya sa akin some of your articles and I must say I am impressed. Bakit engineering kinuha mo? Hindi ka na lang nag-journalism." Sambit nya habang umiinom ng softdrink.

'' Hobby ko lang ang pagsusulat tita. Ang puso ko nasa engineering talaga... Duon ang calling ko.'' tugon ko na nakatingin sa malayo.

''Oh nabanggit mo lang ang puso... Ang layo na ng tingin mo. I have an idea. Why don't you try write in a diary. Tapos... i-send mo via snail mail sa akin. I-publish ko sa newspaper ang mga nangyari sayo. it will be a good publicity for the cpmpany and well for me and you.''

''Snail mail? May e-mail naman tita eh.''

''Makaluma akong tao.. tignan mo nga cellphone ko oh.. ung Samsung na sliding pa rin. I don't really see the sole purpose kung may iPhone ka na phone eh. So anyway, do you accept my offer?''

Napaisip ako ng malalim. Publicity? Malalaman ng buong samabayanang Pilipino ang storya ng aking sawing puso? Lalo na at mahilig pa namang magbasa ng newspaper si Dannon...Teka bakit sya nanaman iniisip ko? Bulong ng aking utak sa akin habang nag iisip.

''Hello? still there?'' sabi ni Trixie na kumakaway sa aking harapan. ''so do you accept my offer?''

''pag-iisipan ko pa po tita.''

''Well, here is my number. Text mo lang ako ha?" sabi nya na nakatingin sa kanyang gold Rolex watch. '' I got to go. Maaga pa bukas ang aking biyahe papuntang Batangas. May fashion show kasi ang aking dear friend na si Jenna Harding kelangan ma-feature ko sa akimg article. It was nice meeting you Moira.''

Iniabot nya sa akin ang kanyang calling card at saka tumayo at nagpaalam na rin sa aking lolo at lola. tinitigan ko ng matagal ang calling card at saka naisipang ibulsa ito sa aking palda na dinesenyo na may bulsa.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon