Hindi ako makatulog sa sobrang init ng gabi. Hindi gumagana ang number 4 na pag-ikot ng blade ng aking electric fan. Tinignan ko ang lumang orasan na nakadikit sa isang pader at alas dose y media na pala. Binuksan ko ang pintuan ng balkonahe ng aking kwarto at umupo sa isang silya na may mga lumang libro na ipinamana sa akin ng aking abuela. binuhat ko ang mga libro at ipinatong sa isang lumang mesa na katabi ng silya at ako ay naupo at saglit pinikit ang aking mga mata.
Hanggang sa naramdaman ko na may naupuan ako na maliit na cardboard. hinila ko ito at tinignan. Ang calling card ni Trixie. Sign ba ito na kaya ako di makatulog kasi...Shit! Bakit ko ba lagi naiisip si Dann? He doesn't even give a damn about me now. Bulong ng aking isip. kinuha ko sa aking kwarto ang aking laptop at binuksan ang Microsoft Word. Napatigil ako at nag-isip. Kung tama ba ang aking gagawin. Na ipamahagi ang aking nararamdamang sakit sa buong Pilipinas? Kung ilang ampalaya shake ang aking nainom sa pagkabitter ko sa kanya. Pinapanuod ko ang pag-blink ng text cursor. Huminga ako ng malalim at tsaka sinabi ''bahala na.''
January 9,2015
Dear Diary,
12:30 am na dito sa Pilipinas. Bagong yugto nanaman ang nabuksan sa libro ng aking autobiography. Ewan ko ba. Kung bakit sa ganitong oras ako nagising. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa init ng panahon o dahil sa... apat na taon ng nakalipas... Hindi ko pa din makalimutan ang aking nakaraan? Kung bakit sa dalawang bilyon na tao sa mundong ito, ako pa ang napili nung gagong yun na lokohin at paasahin? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya at ako pa na ilang ulit na nagpakatanga at naulit muli.Akala ko ang pagpunta sa London ang solusyon para makalimutan ang mga masasakit na nangyari sa akin. Pero panandalian lamang pala. Parang band-aid, kapag pudpod na ang adhesive glue kusa na matatanggal. Nagtagumpay man ako sa karera ng aking buhay ngunit sa loob ko, I am empty. I tried to fill it with happiness, but still... I feel empty and in pain.
Why do I deserve this? Ako lang ang nasasaktan pero bakit siya hindi? Nakakapagpost siya ng masasayang picture nila ng bago niyang girlfriend. Kung sabagay, matagal naman na manhid yun. Iniisip niya lang sarili niya. Haaaaay! Baka kasi... kaya ako nagkakaganito... kasi...dahil mahal ko pa siya?
Unti- unti na tumutulo ang aking luha habang iti-natype ko ang mga letra sa aking isinusulat. Nuong ako ay naggraduate sa aking bachelor's degree na electronics engineering, agad ako sumabak sa board exam. Mahirap ngunit ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang pumasa ito. Sa awa ng Diyos, napasa ko ito. Humanap ako ng trabaho sa ibang bansa para makatulong na din sa aking magulang at makatulong na din sa pag-papaaral sa aking kapatid na si Moises na ngayon ay nasa fourth year college na sa kursong architecture.
Pinalad akong makapasok sa isa sa pinakamalaking telecommunication company sa buong mundo ang British Telecom. Pagkatapos ng dalawang taon na pamamalagi sa kumpanya, ako ay napromote bilang senior network engineer. Hindi ko aakalain na makakamit ko ang tagumpay ng mabilisan. Lumaki ang aking sahod kaya naman nakakapagpadala na ako ng malaki sa aking mga magulang. Napatapos na ang dreamhouse namin sa Baguio. At nakapagpatayo na rin kami ng restaurant at cafe bistro sa aking kinalakihang bayan sa Baguio.
Dahil nagustuhan ng aking mga boss ang aking working etiquette, ako ang ipinadala dito sa Asya upang maging Chief Operating Officer sa kanilang branch dito sa Pilipinas. Muntik ko ng tanggihan ang ibinibigay sa aking posisyon, ngunit kailangan kong isipin na dapat isipin ko ang pamilya ko lalo na at nangangailangan ang aking lolo ng mga mamahaling gamot sa kanyang sakit na diabetes. Ang nakaraan ay nakaraan na.
Bukas na ako mag-uumpisa sa trabaho at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinave ko ang document at saka isinend ito sa e-mail address ni Trixie. Mag alas dos na ng umaga ng ako ay nakatulog sa balkonahe na tumutulo pa din ang aking mga luha.