oChapter 17: The Team Building

5 0 0
                                    

Pagkatapos ng mahabang business trip ni Mr. Larry sa Argentina, nagbigay siya ng maliliit na pasalubong sa amin. Binigyan niya kami ng souvenir na galing duon. May tig-iisa kami na South American masks na figurine. Habang kami ay nagsasaya sa pagbabalik ng aming mabutihing manager, pinatawag kami ng aming CEO.

Si Mrs. Elise Kingsley ang CEO ng branch ng British Telecom dito sa bansa. Siya ay purong British na matagal na naninirahan dito. Kahit 15 years na siya dito namamalagi, hindi pa rin siya makapagsalita ng wikang Filipino. Ang kanyang bob-cut hair ay bumabagay sa kulay ng kanyang buhok na gray. Nasa edad 50 na siya ngayon ngunit hindi mo mababakas sa kanyang postura at sa pananamit na nasa golden age na siya.

Nakaupo siya sa gilid ng kanyang mesa at may kausap sa kanyang iPhone. Kausap niya ang kanyang asawa na nasa Australia kasama ang kanyang kambal na anak dahil duon na sila naninirahan. Ma'am K ang tawag sa kanya dito sa opisina. Madalang siya kung pumasok sa opisina dahil minsan, nasa Australia siya para bisitahin ang kanyang pamilya o di naman kaya nasa business trip o conference siya.

Naramdaman niya na pumasok kami sa kanyang opisina kaya binaba niya ang kanyang cellphone at tinignan kami at ngumiti. Ang kanyang hazel eyes ang kanyang appeal. Napakaganda pala ni Ma'am K. Sabi ko sa aking sarili.

''Have a seat.'' Sabi ni Ma'am K habang paupo siya sa kanyang office chair at naupo ng may poise at ngumiti. ''I must say my apologies to both of you for calling you at this hour and welcome back by the way Mr. Narciso.''

''Thank you Ma'am K.'' tugon ni sir Larry na nakangiti at inayos ang kanyang neck tie.

''Since it has been a tradition here in our company to cater team building every end of the month of april, I want both of you to be on the planning team for this.'' Sabi ni Ma'am K na tumayo muli at nagtungo sa bintana at nakatingin sa malayo. ''If you have any ideas, you can uplift it now.''

''What if we go to a beach and have some beach parlor games in there? What you think Moira?" sabi ni sir Larry na nakatingin sa akin.

Nagulat ako at muling nabuhay. Wala ako sa aking sarili dahil medyo masakit ang aking ulo sa stress. Napagod ako sa biyahe galing Baguio para bisitahin ang aking mga magulang. Napalingon si Ma'am K at tumingin sa akin ng diretso. ''Yeah what do you think Moira?"

''Uhm, honestly Ma'am K and Sir Larry, I don't usually attend team buildings even in the mother company. So that's why I can't be able to help.'' Sabi ko ng nahihiya.

''Well, now you should come.'' Sabi ni Ma'am K na nakangiti at hinawakan ang aking balikat.

''I agree with Ma'am K. You should come. It is fun.'' dagdag naman ni Sir Larry na nagtitimpla ng kape sa gilid.

Bigla na lang may nagtulak sa akin na magsabi ng idea para hindi ako mapahiya ng husto. ''Okay Ma'am K, I will. I have an idea. Why won't we have a hiking team building or an Amazing Race theme in one of the forests here in Luzon?''

Nagtinginan ang dalawa at napangiti at sabay sinabi ''good idea. I love that.''

* * *
Dumating ang araw ng aming team building. Napag-usapan namin na sa Mt. Makiling kami mag-team building. Alas sinko ng umaga nagkita kami sa harap ng aming kumpanya. May isang mini-bus na naghihintay sa amin. Nakasuot ako ng khaki shorts white na sando at naka-maong na topper. Bitbit ko ang isang pack bag at isang sleeping bag.

Pag-akyat ko sa bus, magulo at maiingay ang mga kasamahan ko sa trabaho. Ang mga naka-postura at tahimik na mga empleyado sa loob ng opisina, ay nag-transform na wild. Pagkatapak ko pa lang papunta sa aking uupuan, nanahimik sila. Siguro, hindi pa din nila maalis sa isipan nila ang nangyari nung last month nuong bumisita si Jennica.

Naghahanap ako ng bakanteng mauupuan, pero wala. Hanggang sa itinaas ni Dann ang kanyang kamay at winagayway ito. Wala akong choice kaya nagtungo ako sa second to the last row sa kaliwa.

''Gusto mo ba dito sa may bintana? Palit tayo?" sabi ni Dann ng nakangiti.

Tinitigan ko lang siya ng naka bitch face. Umupo siya at nanahimik. Naupo na rin ako sabay labas ng aking iPhone at inilagay sa aking tenga ang earphones. Ayaw ko makipag-usap sa kanya kaya medyo nilakasan ko ang volume. Kumpleto na ang nasa loob ng bus at sumakay na din si Sir Larry kasama ang isang team building facilitator.

''So since kumpleto na ang lahat, my name is Sandra. Your team facilitator and good morning everyone. Before we start, let's all be silent and feel the presence of the Lord today.''Sabi ni Sandra na nakayuko. Nanahimik kaming lahat at nagdasal. Isang minuto lang ang tinagal at nagsalita muli si Sandra. '' Bago iandar ni manong ang bus, ipapaalala ko lang sa inyo na kung sino ang katabi ninyo ngayon ay siya ang magiging teammate ninyo. Ka-partner ninyo sila sa magaganap na amazing race. Since isang araw at kalahati tayo duon, I want both of you to work as a team not an individual kaya naman ito tinawag na team building di ba? So without further adieu, manong abante na.''

Pinaandar na ng driver ang bus. Habang kami ay nasa biyahe, napansin ko na wala na ang kaninang ingay. Ang iba ay tulog, ang iba naman naglalaro sa kanilang tablets o ipads at ang iba naman ay nakatingin sa malayo at nakikinig ng musiko sa kanilang mga gadgets. Nagtataka ako na ang madaldal na si Dann, hindi nagsasalita. Kaya nagpapasalamat naman ako at hindi na niya ako kinukulit sa biyahe. Tinignan ko siya, nakatulog siya at nakasandal sa headrest ng aming upuan.

Hindi pa rin nagbago itsura niya paano matulog. Sabi ko sa aking sarili. Kapag natutulog kasi si Dann, half lang na nakabuka ang kanyang bunganga. Mahilig siya magsnore. Pero hindi kalakasan. Bigla siya napagalaw kaya umiwas ako ng tingin.

Ipinikit ko rin ang aking mga mata at sinubukang matulog. Habang pinapakinggan ang isang kanta na match na match sa kung anong nararamdaman ko. Nakukuha ko na ang aking tulog ng biglang, isang ulo ang sumandal sa aking balikat. Naimulat ko ang aking mata at nagulat. Pagtingin ko sa aking tabi, si Dann ang nakasandal at mahimbing ang tulog. Hindi ko alam ang gagawin kung itutulak ko ba or just... let it be.

Pero sa nakikita ko, mahimbing tulog niya. Why would I care with this piece of crap? Eh nung kami nga, kapag sumasandal ako ng ganito noon, tinutulak ako. May nagtutulak sa akin na feeling ko konsensya ko na pabayaan ko na muna. Kahit ngayon lang. Kaya ipinikit ko ang aking mga mata at nakatulog na rin.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon