Lakad-takbo ang ginawa ni Cristine para lamang makarating sa ospital kung saan sinugod ang buong mag-anak ng pinsan n'yang si Lia. Alas-dos na noon ng madaling araw. Halos kakauwi pa lang n'ya ng bahay galing sa party ngunit sumambulat sa kanya ang balitang naaksidente ang mga ito.
" Doc,ako po ang pinsan ng naaksidente sa banggaan ng isang kotse at truck. Kamusta na po sila? ",umiiyak na tanong ni Cristine.
" Dead on arrival ang mag-asawa. Pero buhay ang bata. Hindi din namin maipaliwanag,pero sa nangyaring aksidente,yupi ang kotse nila. Hindi namin inaasahan na kahit galos ay walang natamo ang bata. But she's still on shock. ",ang wika ng Doctor.
Wari ay nauupos na kandila na napapaluhod si Cristine sa kaalamang patay na ang kanyang pinsan. S'ya naman dating ng kanyang mga kaibigan.
" Cristine! ",sabay pang tawag ng mga ito. Ngunit humagulhol na lamang na yumakap si Cristine sa mga kaibigan.
.....
Inasikaso ni Cristine at ng mga magulang n'ya ang libing ng kanyang pinsan. Samantalang ang labi ni Zandro ay kinuha ng kapatid nito. Si Madelaine ay hindi pa din nagkakamalay.
Habang inihuhulog ang labi ni Lia sa hukay,muling nanumbalik ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan bago ito mamatay.
" I can't take it anymore! How could he do this to me? ",ang umiiyak na wika ni Lia,pinakiusapan n'ya ang pinsang si Cristine na makipagkita ito sa kanya.
" Couz,huminahon ka muna. Baka naman hindi pa sure yan. ",ang pag-aalo ni Cristine sa umiiyak na pinsan.
" Nakita ng dalawa kong mata! S'ya at ang babae n'ya! Mga walanghiya! ",sigaw na ni Lia.
Huminga ng malalim si Cristine. Ang totoo,alam n'ya ang kalokohang ginagawa ng asawa nito. Minsan kasi ay nahuli din n'ya ito at nakita s'ya nito. Ngunit hindi n'ya sinabi sa pinsan ang nakita dahil ayaw n'yang magkagulo. Kinausap na lamang n'ya si Zandro. Kaya nga galit sa kanya si Zandro dahil sa pag-aakalang s'ya ang nagsabi sa kanyang pinsan.
" Tama na yan. Huminahon ka muna. Ikaw ang may karapatan dahil ikaw ang legal na asawa. ",ang payo ni Cristine.
" Cristine,mangako ka. Ano man ang mangyari sa akin,ikaw ang magcucustody para kay Madelaine. At wag na wag mong hahayaang mapunta s'ya sa walanghiya n'yang ama. ",ang umiiyak pa ding sabi ni Lia.
" Ano kaba? Imbis na ganyan ang iniisip mo,ayusin mo ang sarili mo. ",ang wika ni Cristine na medyo kinabahan sa habilin ng pinsan.
Nagbalik sa kasalukuyan si Cristine ng maramdaman na hinawakan s'ya sa braso ng kanyang mga kaibigan. Muli n'yang sinulyapan ang puntod ng pinsan at nangakong tutuparin ang ihinabilin nito. Aalagaan n'yang mabuti si Madelaine.
....
Kinabukasan,agad na pinuntahan ni Cristine sa ospital si Madelaine. Gusto n'yang malaman ang kalagayan nito. Ngunit laking gulat n'ya ng malamang ididis-charge na daw ang bata. Agad s'yang tumakbo papunta sa kwarto nito.
" What's going on? ",ang humihingal na tanong ni Cristine. Inaayos na ang gamit ni Madelaine.
Isang mareno,matangkad at gwapong lalaki ang napalingon kay Cristine. Bahagya namang natigilan si Cristine sa pagtatama ng kanilang mga mata. Bigla ang pagbilis ng pintig ng puso ni Cristine. Hindi n'ya natagalan ang nanunuring tingin ng lalaki sa kanya.
" A-anong nangyayari dito? ",ang tanong ulit ni Cristine.
" Ako si Euseph. Ang kapatid ni Zandro na Daddy ni Madelaine. Sa akin inihabilin ng kapatid ko ang aking pamangkin. ",ang malamig na paliwanag ng binata kay Cristine.
" Huh? Wait! Ako ay pinsan ng Mommy ni Madelaine at sa akin n'ya inihabilin ang bata. ",ang awat naman ni Cristine sa patuloy na pag-aayos ng gamit ng bata.
Matiim s'yang tiningnan ni Euseph. Hindi naman magawang salubungin ni Cristine ang titig na iyon ng binata. Tila ba may kung anong galit s'yang nababanaag dito.
" Ako ang mag-aalaga kay Madelaine,is that clear? ",ang tila panginoong wika ni Euseph. Napaangat ng tingin si Cristine. Hindi n'ya mawari kung bakit parang galit sa kanya ang kaharap.
" Im sorry! Pero may binitiwan akong pangako sa pinsan ko na ako ang mag-aalaga kay Madelaine. ",ang sabi naman ni Cristine.
Magsasalita sa sana si Euseph ng sabihin ng nurse na nagkakamalay na si Madelaine. Sumugod agad sina Euseph at Cristine sa tabi ng bata.
" Hmmm. ",ang tila hirap na namutawi sa bibig ng bata.
" Madelaine,baby. ",ang malamyos na wika ni Cristine,hinawakan pa ang kamay ng bata. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang bata. Salitan ang ginawang pagtingin kina Cristine at Euseph.
" Mommy,Daddy! ",ang nasambit ng bata,nakatitig kina Cristine at Euseph.
Napamaang si Cristine. Naipaling n'ya ang paningin sa binata. Tila iisa naman nasa isip nila. Hindi kaya.....
