Kinabukasan,araw ng Linggo. Kaarawan ng Donya kaya naging abala ang buong hasyenda. Sa gabi kasi ay magaganap ang isang malaking party para dito.
" How was your night? ",pabulong na tanong ni Cristine kay Euseph.
" Leave me alone. Or else,itutuloy ko ngayon ang naudlot kagabi! ",may pagbabantang wika ni Euseph.
" Pikon! ",nakangiting wika ni Cristine,bago tuluyang iniwan si Euseph.
Pinuno ng iba't-ibang dekorasyon ang buong hasyenda. Nilagyan ng maraming ilaw. Ang mga pagkain ay inihahanda na din. Abala noon si Cristine sa pagdedecorate nang biglang may tumawag sa kanya.
" Cristine! ",buhat sa likod ay narinig ni Cristine. Lumingon si Cristine. Nagulat s'ya dahil nakita n'ya sina Arbie,kasama ang nobyo nito,maging si Len. Ang ngiti sa kanyang labi ay biglang napalis. Ngunit agad ding nagpaskil ng ngiti at sinalubong ang mga kaibigan.
" Cristine! Kamusta na? Ang ganda pala dito! ",ang masayang wika ni Len. Iniligid pa ang paningin.
" Ok naman. Kayo,kamusta na? Paano n'yo nalaman ang lugar na ito? ",tanong ni Cristine.
" I invited them! ",buhat sa likuran ay sagot ni Euseph. Lumapit pa ito sa kanila. Tiningnan naman ni Cristine ng nagtatanong na tingin si Euseph. Ngunit hind s'ya pinansin nito.
" Welcome,guys! Come,ihahatid ko kayo sa magiging kwarto n'yo! ",nakangiti pang wika ni Euseph.
Naitutok ni Cristine ang kanyang panigin sa taas. Parang gustong tumulo ng kanyang luha. Hindi naman maiwasan ni Arbie na yakapin si Cristine.
" Sumunod na kayo kay Euseph para makapagpahinga na kayo. ",ang wika na lamang ni Cristine. Pinigilan ang pag-iyak. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang sinusundan ang mga kaibigan.
" Bakit kailangang imbitahin pa s'ya? ",ang nagmamaktol na bulong ng utak ni Cristine. Hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi na muling naibalik ang dating sigla ni Cristine.
Unti-unti nang dumadating ang mga bisita. Abala ang buong pamilya nina Euseph sa pag-iistima. Hindi na din nilayuan ni Cristine si Euseph. Lagi s'yang nasa tabi nito saan man magpunta. Ang rason n'ya ay si Madelaine.
" I just go there! May kakausapin lang ako. D'yan ka muna,baby ha! ",paalam ni Euseph. Pero ang dating kay Cristine,wag n'ya itong sundan. Nagngitngit na naman si Cristine. Hindi n'ya nilubayan nang tingin si Euseph. Hindi maaaring makalapit si Len dito.
" Hija,come. Ipapakilala kita sa amiga ko! ",ang tawag ng Donya kay Cristine. Napahinga ng malalim si Cristine bago lumapit sa mga ito. Nakipag-usap s'ya ng kaunti sa mga ito at muling hinanap nang kanyang paningin si Euseph. Ngunit hindi n'ya makita. Sinunod n'yang hinanap ay si Len. Ngunit maging ito ay hindi n'ya makita. Nagmamadali s'yang naglibot sa paligid. Hinanap n'ya maging sa sulok ng hasyenda ang dalawa. Hanggang sa kanyang makita.
Nakasandal si Len sa pader,habang malapit naman ang katawan ni Eusep dito. Nanlaki na lalo ang mata ni Cristine dahil nakita n'yang tila naghahalikan ang mga ito. Tuluyan nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Ang mukha nang dalawa ay kay lapit. Bahagyang nakatalikod si Euseph sa kanya. Ngunit base sa kilos ng ulo nito,nakikipaghalikan ito kay Len.
Halos pigil ang kanyang paghinga. Napahawak na s'ya sa pader. Nanlalambot ang kanyang tuhod. Bigla s'yang lumakad palayo sa dalawa. Hindi na n'ya makakayanan pang makita ang ginagawa nang mga ito. Hilam sa luha na unti-unting napapaupo si Cristine. Impit na hagulhol ang kanyang nagawa. Maya-maya ay tumayo s'ya at inayos ang sarili. Muli s'yang pumasok kung saan ginaganap ang party. Sa tuwing may waiter na dadaan,kumukuha ng alak si Cristine at iniisang lagok lang. Nakita s'ya ni Arbie,nilapitan ito at kinausap.
" Ok ka lang ba? ",nag-aalalang tanong ni Arbie.
" Bakit s'ya pa ang tatraydor sa akin? ",galit na wika ni Cristine. Lasing na ito.
" Tama na yan. Lasing kana! ",awat ni Arbie,ngunit hindi nakinig si Cristine.
" Hayaan mo ako. Gusto ko lang malimutan ang sakit. ",tumutulo na naman ang luha ni Cristine.
Napapikit si Arbie. Eto na nga ba ang inaasahan n'yang mangyayari sa pagpunta nila sa hasyenda nina Euseph. Lalo namang nanlisik ang mga mata ni Cristine dahil nahagip nang paningin n'ya ang masayang kwentuhan nina Euseph at Len. Pasiring-siring na nilapitan ni Cristine ang dalawa.
" Enjoy? ",ang biglang tanong n'ya sa mga ito ng makalapit s'ya. Sabay tungga s ahawak na alak.
" Lasing kana. Tama na yan! ",ang sabi ni Euseph.
" Hindi pa ako lashing! Matino pa ako! ",bahagya nang malakas ang tinig ni Cristine.
" Don't make scene! ",madiing bulong ni Euseph.
" Oh! Scene? Eh kayong dalawa,anong eksena ang ginagawa n'yo? ",ang sabi ni Cristine.
" Cristine,tama na! Halika na sa kwarto mo. ",sabi ni Len,akmang hahawakan si Cristine ngunit tinabig ni Cristine ang kamay nito.
" Para namang tunay ka talagang kaibigan kung mag-alala. Bakit? Para masolo mo si Euseph? My dearest bestfried! Ikaw pa pala ang tatraydor sa akin! ",sigaw ni Cristine. Tinginan ang bisita dito.
" Stop! Nakakakuha kana ng atensyon. Ihahatid na kita sa kwarto mo. ",bulong ni Euseph,hinawakan ang braso ni Cristine.
" Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya na wala sa akin? Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Mahalin mo naman ako! ",umiiyak na wika ni Cristine.
Natigilan si Euseph. Ang lahat nang tao ay nakatingin sa umiiyak na si Cristine. Humahagulhol na ito. Tila ang alak na nainom ay nakapagbigay lakas dito upang isambulat ang nasa kanyang dibdib.
" Bakit s'ya pa? Bakit hindi na lang ako? ",umiiyak pang wika ni Cristine. Nilapitan ni Arbie ang kaibigan at pinigil.
" Tama na! ",awat ni Arbie. Hinawakan ang nanlalambot na si Cristine.
" Ikaw! Pinagsisisihan kong nakilala kita! ",ang malakas na sigaw ni Cristine na nagpayanig kay Len. Dulot na siguro nang sobrang kalasingan,unti-unting nawalan ng malay si Cristine. Buti na lang at nasalo ito ni Euseph. Nagmmadali nitong dinala sa kwarto ang dalaga. Napasunod ang Don at Donya,maging si Madelaine ay umiiyak dahil sa nakitang pagluha ng inaakala n'yang Mommy.
