Chapter 6

4.1K 98 3
                                    

Maagang nagising si Cristine kinabukasan. Masaya s'ya dahil sa unang pagkakataon,hindi n'ya naramdaman ang galit ni Euseph kagabi. Habang nakahilig ang ulo n'ya sa dibdib nito,ang init ng katawan nito ay nakapagbibigay ginhawa sa kanya.

Nagluto ng almusal si Cristine na may ngiti sa kanyang labi.

" Wake up,baby! Male-late ka sa school. ",ang pangigising ni Cristine sa pamangkin.

" Hmm. Morning,Mommy! ",bati ni Madelaine na sinabayan pa ng pag-inat.

" Morning,baby! Common,get up! Gisingin mo na din si Daddy para sabay-sabay tayong magbe-breakfast. ",ang utos ni Cristine.

" Yes,Mommy! ",nakangiting bumangon si Madelaine at patakbok lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Euseph upang gisingin ito.

" Daddy,wake up! Mag breakfast na tayo! ",masuyong pinaghahalikan ni Madelaine ang mukha ni Euseuph.

" Hmmm. ",ang naaalimpungatang tugon ni Euseph. " Huli ka! ",sabay yapos ni Euseph sa pamangkin. Kiniliti n'ya ito. Humalakhak ng humalakhak si Madelaine.

" Tama na ang kulitan n'yong dalawa. Lalamig na ang pagkain. ",ang nakangiting awat ni Cristine sa mag-tito. Natigil naman ang dalawa. Kinarga ni Euseph si Madelain at naglakad patungong kusina.

" Morning! ",ang masuyong bati ni Cristine kay Euseph ng mapatapat ito sa kanya.

" Morning. ",ganting bati ni Euseph. Simpleng pagbati lang nito,malaking kaligayahan na para kay Cristine.

Masayang dumulog ang tatlo sa hapagkainan. Nilagyan pa ni Cristine ng pagkain sa plato ang mag-tito. Nakangiti na naman si Cristine. Hindi kasi tumanggi o nagalit si Euseph sa ginawa n'ya. Naging masaya ang simula ng kanyang araw.

" Euseph,pede mo bang ihatid si Madelaine sa school? Nasira kasi yung car ko. Ipapaayos ko pa mamaya. ",wika ni Cristine. Hindi naman talaga nasira eh,gusto lang n'ya magkaroon sila ng conversation ni Euseph.

" Ok. ",maikling sagot ni Euseph.

" Mommy,wala kang car? Paano ka pupunta sa botique? ",tanong naman ni Madelaine.

" Magtataxi na lang ako,baby. Baka kasi malate ka kapag isinabay kita eh. ",paliwanag ni Cristine.

" Ay! Kawawa ka naman, Mommy! Ihahatid ka na lang din ni Daddy. Diba,Daddy? ",sabay baling ng tingin ni Madelaine kay Euseph.

" Naku! Wag na! Maa-out of the way ang Daddy kapag hinatid n'ya ako. ",biglang wika ni Cristine.

Tumingin ng nakakaawang tingin si Madelaine kay Euseph. Lihim na napahinga ang binata bago nagsalita.

" Ok! Arrange your self bago tayo malate pare-pareho. ",hindi man nakatingin si Euseph kay Cristine,ngunit alam ni Cristine na ihahatid s'yang talaga ni Euseph.

" Salamat! ",labis na kagalakan ang nararamdaman ni Cristine. Hindi na s'ya tumanggi pa. Nagmamadali n'yang inayos ang sarili,ilang saglit lamang ay lulan na sila ng sasakyan ni Euseph.

Masayang nagkukqentuhan ang mag-tita habang nasa biyahe sila.

" Yehey! Sa wakas,ang Mommy at Daddy ko ang maghahatid sa akin sa school! ",labis ang tuwang nawika ni Madelaine. Nagkatinginan sina Cristine at Euseph. Agad din namang nabawi. Masaya naman si Cristine. Nahuli din n'yang tumingin sa kanya si Euseph.

" Baby,mag-aral kang mabuti ha! I love you! ",ang sambit ni Cristine. Inihatid din nila ni Euseph ang pamangkin sa loob ng classroom nito. Proud pa nga silang ipinakilala nito sa mga kaklase.

" Eto ang Mommy at Daddy ko oh! ",ang wika nito.

" Hello! ",magiliw na bati naman ni Cristine,kaway naman ang ibinati ni Euseph. Ilang saglit lang ang nagpaalam na ang dalawa sa pamangkin.

" Ang saya ni Madelaine nuh? ",pambabasag ni Cristine sa katahimikan. Nabiyahe na sila patungong botique.

" Hmm. ",tanging sagot ni Euseph.

Muling natahimik si Cristine. Pero maya-maya lang ay nagsalita itong muli.

" Anong gusto mong dinner mamaya? Ipagluluto kita para naman makabawi sa paghahatid mo sa akin. ",ang tanong ni Cristine.

" Wag ka nang mag-abala pa. ",sagot ni Euseph.

" Ok lang. I insist. Pasasalamat sa lahat! ",pangungulit ni Cristine.

" Wag na! Hindi ako sa condo magdidinner mamaya. ",ang sagot ni Euseph. Natigilan naman si Cristine. Malamang ay iimbitahin ulit nito si Len. Kailangang mag-isip ulit s'ya ng paraan para hindi iyon matuloy. Hanggang sa marating nila ang botique.

" Salamat ha! Wag kana bumaba at late kana! ",sabi ni Cristine. Kumaway na lang ito sa papalayong sasakyan ni Euseph. Hindi na n'ya ito pinababa,baka magkita pa sila ni Len eh.

" Oh! Hinatid ka ni Euseph. Why oh why? ",ang naiintrigang tanong ni Arbie.

" Ihahatid daw n'ya ako eh! Hinatid muna namin si Madelaine saka n'ya ako hinatid dito! ",kwento ni Cristine. Hindi n'ya alam kung paano s'yang nakapagsinungaling sa kaibigan. Ang gusto lang n'ya ay marinig iyon ni Len.

" Morning,Len! Bakit mukhang namatayan ka? ",ang tanong ni Cristine. Bahagya kasing sumimangot si Len.

" Morning! Masakit lang ang ulo ko! ",matabang na sagot ni Len.

" Ah! ",hindi maiwasan ni Cristine na ngumiti ng lihim. Nagmamasid lang naman si Arbie.

Makalipas ng ilang sandali,natuon na ang atensyon ng magkakaibigan sa kaniang trabaho. Malapit na pala ang lunch ng biglang magpaalam si Len sa mga kaibigan.

" Guys,maaga akong aalis ha! Magla-lunch kami ni Euseph. Nagtext s'ya sa akin. Babawi daw dahil di natuloy dinner namin kagabi. ",paliwanag ni Len,may malaking ngiti sa labi. Nangunot ang noo ni Cristine. Nagkatitigan ang dalawa. Nakakalokong tingin ang ipinukol ni Len kay Cristine,isang galit na tingin naman ang ibinigay ni Cristine kay Len.

" Chow! ",paalam ni Len bago pakembot na nilisan ang botique. Hindi naman mapakali si Cristine.

" Punta lang ako ng restroom. ",paalam n'ya kay Arbie. Nasundan na lang ng tingin ni Arbie ang kaibigan habang napapailing.

Pagkapasok ni Cristine sa restroom agad n'yang tinawagan si Euseph.

" Hi! It's me,Cristine. Gusto ko lang sabihin na hindi ko makakaon si Madelaine. Pedeng ikaw na? Biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko kakayanin na bumiyahe. ",pinahina ni Cristine ang boses na tila tunay na may sakit.

" Ok. ",maikling sagot ni Euseph.

" Ihatid mo na s'ya sa condo ha. Uuwi na din ako. Masama talaga ang pakiramdam ko. ",umubo pa si Cristine.

" Ok na ba ang kotse mo? ",tanong ni Euseph.

" Nope! Magtataxi na lang ako. ",ang sabi ni Cristine.

" Ganito na lang. Kakaunin ko si Madelaine then dafaanan kita d'yan sa botique. Mahirap magtaxi kung masama ang pakiramdam. ",ang suhestiyon ni Euseph.

" Ha? Ok lang ba? Salamat ha! ",kay saya na naman ni Cristine.

" Ok. Bye! Aalis na ako para kaunin si Madelaine. Hintayin mo na lang kami d'yan. ",ang wika ni Euseph bago tuluyang magpaalam.

Masayang lumabas ng restroom si Cristine. Agad n'yang inayos ang kanyang gamit.

" Uuwi ka na din? ",ang tanong ni Arbie.

" Yup! Hihintayin ko lang ang sundo ko. ",masayang wika ni Cristine.

" Sundo? Sino? ",takang tanong ni Arbie. Hindi umimik si Cristine. Ngumiti lang ito ng matamis.

Kalahating oras ang lumipas,dumating na nga ang sundo ni Cristine.

" Bye! ",bulong ni Cristine kay Arbie saka patamlay na sumakay sa kotse ni Euseph. May sakit nga eh.

Natampal ni Arbie. " My oh my! Magkakaroon na yata ng World war 3! ",nasambit ni Arbie.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon