Nang ilabas nga sa ospital si Madelaine,wala nang nagawa si Euseph kung hindi ang isama sa kanyang condo ang Mommy kuno nito na si Cristine. Ngunit nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil ayaw n'yang makita man lang ito.
Wala ding nagawa pa si Cristine kung hindi ang pumayag na tumira sa condo ni Euseph. Kinakabahan s'ya,pero hindi n'ya hahayaang mapunta dito ang kanyang pamangkin.
" Dito ka muna hanggat hindi pa ok si Madelaine. Pero kapag ok na s'ya,aalis ka na sa condo ko. ",walang pakialam si Euseph kung masama ang hatid ng salitang iyon para kay Cristine. Gusto lang n'ya ipaalam dito na ayaw n'yang nasa paligid ito.
Kuha naman agad ni Cristine ang ibig sabihin ng binata.
" Hindi ko din naman gustong manatili dito. Pero hindi ko basta maiiwan ang pamangkin ko! ',ang sagot ni Cristine sabay tayo at pinuntahan sa kwarto ang natutulog na si Madelaine. Huminga s'ya ng malalim ng tuluyang makapasok sa loob ng kwarto. Halatang galit sa kanya ang binata. Ngunit hindi n'ya maitatangging sa tuwing malapit ito sa kanya,tila namamagnet ang buo n'yang pagkatao.
.....
Inalagaang mabuti ni Cristine si Madelaine. S'ya na din ang nag-aasikaso sa condo ni Euseph. Kapag nagpupunta s'ya sa botique,kasama n'ya ang bata.
" Mommy! ",ang masayang tawag ni Madelaine kay Cristine. Kakadating lang noon ni Cristine,iniwan n'ya saglit si Madelaine sa opis ni Euseph.
" Paano,kakaunin ko na si Madelaine ha. Aalis na kami. ",ang paalam ni Cristine.
" Mommy,mamasyal tayo nina Daddy. ",ang paglalambing ni Madelaine sa dalawa.
" Baby,may trabaho ang daddy eh. Next time na lang. ",ang wika ni Cristine.
" Daddy,please! ",nilapitan pa ni Madelaine si Euseph at binigyan ng nakakaawang reaksyon sa kanyang mukha. Kaya hindi na nagawa pang tumanggi ni Euseph.
" Ok! You win ",ang nakangiting saad ni Euseph. Hindi naman maipaliwanag ni Critine ang sayang kanyang nararamdaman.
Sa isang park namasyal ang tatlo. Halata ang sobrang tuwa ni Madelaine. Hindi maipaliwanag ang sayang nakikita sa mga mata nito.
" Daddy,Mommy! Bakit hindi kayo nagkikiss? Tingnan mo yung Mommy at Daddy doon o,nakita ko nagkiss sila. Kayo din! Please! ",ang makulit na wika ni Madelaine.
" Baby,bawal na makita ng mga bata kapag nagkikiss ang Mommy at Daddy! ",paliwanag ni Euseph.
" Pede naman,Daddy. Bakit sila oh! ",ang sabi ni Madelaine,sabay turo sa dalawang naghahalikan.
" Diyos por santo! ",napaantanda si Cristine. Live nga naman ang kissing scene. Hindi tuloy n'ya maiwasang mapatingin sa binata. Matiim na tingin na naman ang ipinukol nito sa kanya. Umandar tuloy ang kalokohan sa ulo n'ya.
" Pede naman pala eh. Bakit hindi natin itry? ",ang nananantyang tanong ni Cristine kay Euseph. Tinitigan s'ya nito,nakipagtitigan naman s'ya dito. Naiinis na kasi s'ya sa mga pagalit na tinging ipinupukol nito sa kanya. Na hindi naman n'ya maipaliwanag kung bakit ganoon ito sa kanya.
" Wanna try me? ",balik tanong ni Euseph.
" Nagpapaalam kaba? O tila natatakot ka? ",ang panghahamon ni Cristine. Walang sabi-sabing hinapit ni Euseph ang bewang ni Cristine at mariing hinalikan. Nanlaki naman ang mga mata ni Cristine. Nagbibiro lang naman s'ya eh. Hindi naman n'ya alam na masamang biruin ang lalaking kaharap. Ayaw lang kasi n'yang isipin nito na natatakot s'ya sa bawat tinging ipinupukol nito sa kanya. Ngunit ang halik nito ay mapagparusa. Nakakaramdam s'ya ng sakit.
" Yehey! ",ang tuwang-tuwang reaksyon ni Madelaine ng makitang naghalikan ang dalawa. Binitiwan naman s'ya ni Euseph ngunit bumulong muna sa kanya.
" Wag kang umasa na mahuhulog ang loob ko s'yo,dahil hindi iyon mangyayari! ",bulong lang ngunit bombang parang sumabog sa pandinig ni Cristine. Natigilan si Cristine. Hindi n'ya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kanya. Napipilitang sinundan n'ya sina Madelaine at Euseph.
....
Malungkot na nakapangalumbaba si Cristine sa kanyang table. Nasa botique s'ya. Dinala ni Euseph si Madelaine sa lolo at lola nito. Hindi naman s'ya niyaya ni Euseph na sumama kaya pumasok na lang s'ya sa botique.
" Daig mo pa ang binagsakan ng langit at lupa ah! ",ang komento ni Len ng makitang tila wala sa planet Earth ang isip ni Cristine.
" Ha? ",ang nagulat na reaksyon ni Cristine.
" Ayon! Wala nga sa Earth ang isip mo! ",singit ni Arbie.
" Naman eh! ",nagpapadyak pa si Cristine.
" Si Euseph na naman ba? ",ang tanong ni Len.
Isang buntong-hininga na lang ang naisagot ni Cristine.
" Kailangan kong makita yang si Euseph para malapa,este mabistahan kung bakit yan ganyan! Baka naman kulang lang sa himas? ",ang natatawang saad ni Len.
" Len ha! Umandar na naman yang kalokohan mo! ",natatawang sabi ni Cristine.
" Eh bakit ba yan ganyan sa'yo? Baka naman may nagawa kang di maganda? ",tanong ni Arbie.
" Hindi ko alam. Unang pagkikita pa lang namin eh ganyan na s'ya. Malamig ang pakikitungo sa akin. Parang laging galit. Nasasaktan ako. ",lumungkot ang mukha ni Cristine.
" Wag kang mag-alala. Tutulungan ka naming alamin ang dahilan n'ya! Alam mo na,atat na si Geoff na magka-fafa tayong dalawa! ",pampalubag loob na wika ni Len. Isang hampas ang ibinigay ni Cristine sa kaibigan. Kapag kasama talaga n'ya ang mga ito,nawawala kahit paano ang problema n'ya.
Gabi na ng umuwi si Cristine sa condo ni Euseph. Nandoon na din ang dalawa. Nakatulog na din si Madelaine. Nakita n'ya si Euseph sa library,binati n'ya ito.
" Hi! Kamusta ang gala n'yo ni Madelaine? ",ang nakangiting tanong ni Cristine.
" Fine. ",ang matabang na sagot ni Euseph. Tila naman nahalata ni Cristine na walang ganang makipag-usap si Euseph,tatalikod na sana s'ya,pero minabuti n'yang pumasok sa library. Isinara n'ya ang pinto. Gusto n'yang makausap ng masinsinan si Euseph.
" Bakit ganyan ka kung makitungo sa akin? Ano ang naging kasalanan ko sa'yo? ",ang hinanakit ay hindi maitago sa tinig ni Cristine. Sinulyapan lang ni Euseph si Cristine. Ngunit hindi ito nagsalita.
" Common,tell me! ",ang pamimilit ni Cristine.
" Leave me alone! ",ang namutawi sa labi ni Euseph.
" No! Pag-usapan na natin ito ngayon! ",ang pangungulit ni Cristine. Biglang tumayo si Euseph at nilapitan si Cristine. Isinandal sa dingding ang likod ng dalaga.
" Wag mo akong simulan! Baka hindi mo kayanin! ",ang wika ni Euseph. Bago tuluyang lumabas sa library. Naiwan si Cristine na umiiyak. Dahil sa araw-araw nilang pagsasama ni Euseph,kahit galit ang ipinapakita nito. Sumisibol ang pag-ibig n'ya para dito.
