Isang fashion show na naman ang nagaganap. Syempre,iyon ang ang fashion show ng DESPERADA'S BOTIQUE. Na pinamamahalaan ng tatlong matalik na magkakaibigan. Sina Arbie,Cristine at Len. Hindi magkamayaw ang tatlo sa pag-iistima sa kanilang mga bisita. Talagang umaarangkada ang kanilang botique nitong nakaraang dalawang taon.
" Arbie,hindi ba pupunta dito si Geoff? ",ang pabulong na tanong ni Cristine sa kaibigan.
" Pupunta yun! Pektus yun sa akin kapag namiss n'ya ang show na ito! ',ang nakalabing wika ni Arbie. Boyfriend ni Arbie si Geoff.
" S'ya iayos mo yang nguso mo. And'yan na prince charming mo. ",ang wika naman ni Len,sabay nguso sa entrance. Papasok nga ang gwapong-gwapong si Geoff. Sinalubong na agad ito ni Arbie.
" Konti na lang malelate kana! pektus ka talaga sa akin! ",ang wika ni Arbie ng makalapit sa nobyo.
" Kiss lang ang katapat ng tampo mo. ",ang nakangiting wika ni Geoff,walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang ng nobya at siniil ng halik sa harap ng maraming tao. Kislapan tuloy ang kamera ng media na imbitado sa fashion show na iyon.
" Walanjo na kung mang-inggit! ",ang naniningkit na mga matang wika ni Len. Natatawa naman si Cristine. Happy ito sa nakikitang kaligayahan ng kanyang kaibigan.
Isang matagumpay na fashion show ang naganap. Sobrang ligaya ng tatlo dahil hindi nasayang ang ginawa nilang pagpe-prepare para sa naturang fashion show. Hindi din nila sukat akalain na magiging ganoon ka perfect ang nangyari.
" Well! Another amazing fashion show! Im so proud of you! ",ang wika ng pinsan ni Cristine,si Lia. Kasama nito ang anak na si Madelaine.
" Thanks,couz. ",ang nakangiting wika ni Cristine,niyakap pa nito ang pinsan. Saka binalingan ang pamangkin na si Madelaine.
" Ang cute kong pamangkin! Pakiss nga! ",ang sabi ni Cristine. Binuhat ang limang taong si Madelaine at pinaghahalikan. Humahagikhik naman sa kiliti ang bata.
" Lia,Madelaine,come on. Lets go! ",ang yaya ni Zandro,ang asawa ni Lia. Ni hindi nito binati man lang si Cristine. Kung tutuusin ay ayaw nitong sumama sa fashion show na iyon,pinilit lang ni Lia. Actually,madalas ng mag-away ang mag-asawa. Nagtitimping pumayag na lamang si Lia. Ayaw n'yang sa party pa ng pinsan sila abutin ng pag-aaway ng kanyang asawa.
" Paano,we have to go! See you tomorrow na lang. ",ang paalam ni Lia kay Cristine. Niyakap nito ng mahigpit ang pinsan,matagal. Niyakap din ni Cristine si Lia. Pero bakit ganoon? Biglang may kabang bumundol sa kanyang dibdib. Parang gusto n'yang pigilan ang pag-alis ng mga ito. Sinundan pa n'ya ng tingin ang tatlo habang papalayo. Nakita din n'yang sinulyapan s'ya ng pinsan,at nag-iwan ng isang malungkot na ngiti. Ipinilig na lamang ni Cristine ang kanyang ulo at inalis ang anumang kabang nasa dibdib.
Samantala,hindi na napigilan ni Lia na komprontahin ang asawang si Zandro.
" Ganyan na ba kagaspang ang ugali mo? Ni hindi mo magawang batiin ang pinsan ko! ",ang galit na wika ni Lia.
" Bakit? Dahil yang pinsan mo ang lumalason sa utak mo! ",ang sigaw ni Zandro.
" wag mo akong sigawan!Hindi nilalason ni Cristine ang utak ko! Ni hindi ka magpabalat sibuyas! Anong klaseng ugali yan? ",ang sigaw na din ni Lia.
" Oh common! Wag mo akong gawing ignorante! Dahil sa babaeng yan,kung ano-ano na ang pumapasok sa utak mo! ",ang sigaw pa ni Zandro.
" Look who's talking? Ikaw ang gumagawa ng di kanais-nais,kaya wag mong ibintang sa akin at sa pinsan ko ang kasalanan! ",ang hindi nagpapatalong sigaw ni Lia.
Ang batang si Madelaine ay naiipit sa nagaganap na away ng mag-asawa. Tila ba nabibingi ito na tinakpan ang sariling tenga at pumikit ng mariin. Simula ng madalas na ang away ng kanyang mga maglang,naging madalang na din kung magsalita si Madelaine. Ang kung anomang kanyang nararamdaman ay idinadaan sa walang kibo. Ang kalungkutan ay laging nababanaag sa malamlam nitong mga mata.
" Ayoko ng makikipagkita kapa sa pinsan mo! At wag na wag mong dadalhin sa kanya si Madelaine! ",ang pasigaw na wika ni Zandro.
" Wag mo akong utusan sa dapat kong gawin! Gagawin ko ang gusto ko lalo na pagdating sa anak ko! ",sigaw ng palabang si Lia.
" Wag mo akong subukan! ",galit na binalingan ni Zandro ang asawa,balak sampalin ngunit ang headlights ng kasalubong nilang truck ang umagaw sa kanilang pansin. Ngunit huli na,wala ng chance na umiwas pa.
" Zandro,mababangga tayooo! ",ang sigaw ni Lia. Ngunit hindi na narinig iyon dahil sumalpok na ang kanilang kotse sa unahan mismo ng truck. At isang malakas na tunog ang pumailanlang sa katahimikan ng gabi bunga ng salpukan iyon.
Samantala,bigla na lamang nalaglag ang hawak na baso ni Cristine. Sumigid ang kaba sa kanyang dibdib. Bahagya pa nga n'yang natutop ang dibdib dahil nahirapan s'yang huminga.
" Ok ka lang ba,Cristine? ",ang nag-aalalang tanong ni Len,nakita nito ang ayos ng kaibigan.
" Im fine. Medyo pagod na siguro ako. ",ang wika ni Cristine. Ngunit hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib. Lihim s'yang nagdasal na sana ay walang nangyaring masama isa man sa kanyang pamilya. huminga s'ya ng malalim saka muling inistima ang kanilang bisita.
![](https://img.wattpad.com/cover/41106239-288-k991556.jpg)