Chapter 10

4K 95 2
                                    

Masayang bumalik sa hasyenda sina Cristine at Euseph. Nagbitaw lang sila sa pagkakahawak sa kamay ng isa't-isa ng papasok na sa loob ng villa.

" Mommy,ang tagal n'yo ni Daddy. ",ang inip na wika ni Madelaine.

" Nainip ka ba,baby? Sorry. ",ang wika ni Cristine. Binuhat ang pamangkin at pinaghahalikan.

Paano ba naman hindi sila magtatagal. Habulan na lang ng habulan. Parang mga batang nagtakbuhan sa gitna ng prutasan.

" Tama na,Mommy! Nakikiliti ako! ",humahagikhik na wika ni Madelaine.

" Hindi mo pa ako binibigyan ng kiss! ",nakangusong wika ni Euseph sa pamangkin.

" Oo nga pala! ",hagikhik na naman ni Madelaine. Ngumuso din at hinalikan si Euseph.

" Daddy,si Mommy,di mo ikikiss? ",tanong pa ng bata.

" Nagsawa na,este,wag na. ",ang natatawang wika ni Cristine.

" Baka sumumpong ang bata. Pagbigyan. ",bulong ni Euseph kay Cristine.

" Baliw! ",wika ni Cristine pero kinikilig naman.

" Kiss! Kiss! Kiss! ",pumalakpak pa si Madelaine.

Kaya yun,magkahinang na naman ang labi nina Cristine at Euseph.

" Ooopppsss! Sorry! ",ang wika ng Donya. Gusto kasi nitong silipin kung sino ang kausap ng kanyang apo,pero ang maalab na halikan nina Cristine at Euseph ang kanyang nakita.

Biglang layo sa isa't-isa sina Cristine at Euseph. Ang pagkapahiya ay hindi maitatago sa namumula nilang mukha.

" Lola naman eh! Istorbo! ",si Madelaine ang umangal.

" Sorry naman apo! Ok! Continue! Continue! ",natatawang bumalik sa garden ang Donya.

Hindi na din mapigilan nina Euseph at Cristine ang mapahagikhik. Sabay pa nilang binigyan ng halik ang cute at kupida nilang pamangkin.

...

Isang masaganang hapunan ang pinagsaluhan ng lahat. Ang makulit na si Madelaine ang laging kinatutuwaan.

" Mommy,kailan ako magkakaroon ng kapatid? ",ang tanong ni Madelaine habang nakain sila.

Nabulunan si Cristine sa narinig. Muntik pa n'ya maibuga ang pagkaing nasa bibig. Agad s'yang uminom ng tubig.

" Are you ok,hija? ",tanong ng Donya.

" Ok lang po. ",ang sagot ni Cristine. Nakahinga s'ya ng maluwag ng makainom ng tubig.

" Mommy,gusto ko ng magkaroon ng kalaro! ",ayaw talagang tumigil ni Madelaine.

" Baby,kumain ka pa ng madami ha. Para lumaki agad. ",pilit na inililiko ni Cristine ang sinasabi ng pamangkin.

" Bakit ba ayaw n'yong sagutin ang bata? ",tanong ng Don.

Tuluyan ng nasamid si Cristine. Nahagod naman ni Euseph ang likod nito. Magkatabi kasi ang kanilang upuan.

" Hindi na kayo bata,bakit hindi pa totohanin yan? ",ang wika ng Donya,sabay subo ng piraso ng karne.

" Ma,Pa,calm down. Relax,ok. ",ang wika ni Euseph.

" Sus! Pakipot kapa,hijo! Noong kabataan ko,sunggab agad ako sa Mommy mo. Kaya kita mo naman,lagi ng nakadikit sa akin. ",ang kwento ng Don.

" Teka! Ako ba ang palaging nadikit o ikaw? Ni hindi mo na nga ako nilubayan eh! ",hirit ng Donya.

" Mahal! Bawal magsinungaling! Naririnig ka ng ating apo! ",ang bulong ng Don sa asawa.

" Mahal,kung ayaw mong outside de kwarto,umayos ka! ",taas kilay na wika ng Donya.

" Oh! Akala ko ba eh kami ni Cristine ang bida. Bakit naging kayo na? ",natatawang wika ni Euseph sa mga magulang.

Sabay-sabay na nagkatawanan ang lahat. Nakatunganga naman si Madelaine dahil hindi maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Natapos ang kanilang hapunan sa masayang kwentuhan.

....

Pabaling-baling ng higa si Cristine. Hanggang ngayon ay hindi pa din naaalis ang ngiti sa kanyang labi. Hindi n'ya inaasahan na ang pinakaaasam na ligaya sa piling ni Euseph ay nakamtan na. Bigla s'yang napaupo sa kama. Hindi s'ya makatulog. Bigla na naman s'yang nakaramdam ng alinsangan. Minabuti n'yang bumaba at magpahangin. Ngunit ang nag-aanyayang swimming pool ang kanyang unang nabuglawan. Sinipat n'ya muna ang paligid. Tulog na ang lahat,tahimik na. Walang sabi-sabing hinubad ni Cristine ang kanyang pantulog at dahan-dahang lumusong sa pool.

Naipikit ni Cristine ang mata. Nakaramdam s'ya ng ginhawa. Pabalik-balik ang ginawa n'yang paggalugad sa pool. Ngunit sa muli n'yang paglutang,ang kabuuan ni Euseph ang kanyang nasilayan. Muling napalubog sa pool si Cristine. nahiya s'ya s akanyang ayos. Two piece lang ang suot n'ya. Kitang-kita ang makurba n'yang katawan.

" Nacurios lang ako kung sino ang naglalangoy sa ganitong oras ng gabi. ",ang narinig ni Cristine na sabi ni Euseph.

" Ha? Sorry! Nagising pa kita! Maalinsangan na naman kasi. naisip kong magswimming ng konti. ",paliwanag ni Cristine.

" No,it's fine! Just enjoy. ",ang wika ni Euseph.

" Ha! Tapos na din ako. Aahon na ako kasi inaantok na din ako. ",ang sabi ni Cristine,nagmamadaling umahon sa pool at kinuha ang kanyang damit. Ngunit dahil basa s'ya,bahagya s'yang nadulas sa sementong nilalakadan. Buti na lang at naging maagap si Euseph. Nasalo ang katawan ni Cristine bago ito tuluyang bumagsak. Nagkalapit ang katawan ng dalawa. Imbis na lamig ang maramdaman ni Cristine dahil sa basang katawan,tila inaapoy s'ya ng lagnat sa sobrang init. Nakita pa n'yang bahagyang napalunok si Euseph.

" S-salamat! ",nauutal na wika ni Cristine. Kumilos s'ya upang makawala sa pagkakayakap ni Euseph,ngunit dahil basa ang semento,nadulas na naman s'ya. Napigil na naman s'ya ni Euseph,yun nga lang,nagtama na ang kanilang labi. Wala munang kumibo. Nakalapat lang ang labi nila sa isa't-isa. Ramdam din nila ang paglunok ng bawat isa. Hanggang sa unti-unting kumibot ang labi ni Euseph. Dahan-dahan muna,na nauwi sa isang maalab. Itinayo ni Euseph si Cristine,isinandal sa dingding. Hinawakan pa ang mukha at naglaban sa isang maalab at lalong umiinit na halikan.

Naging palaban din si Cristine. Tinutugon ang bawat mainit na halik sa kanya ni Euseph. Hanggang sa naging malikot na ang mga kamay ni Euseph. Lalo na silang nakaramdam ng init sa kanilang katawan.

Habang patuloy ang kanilang halikan,ipinapasok na ni Euseph si Cristine sa loob ng villa. Paakyat sa taas,papunta sa kanyang kwarto. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Nabuksan na ni Euseph ang kanyang kwarto. Papasok na sila.

" Mommy! ",pupungas-pungas na wika ni Madelaine. Lumabas ito dahil hindi nito makita si Cristine sa kanyang tabi. Agad na nagbitaw ang dalawa. Napapikit si Euseph,nagtago sa likod ng pinto.

" Baby. ",bahagya pang humihingal si Cristine.

" Saan ka galing? ",tanong ni Madelaine.

" Nagswimming lang ako saglit. Halika na,tulog na tayo. ",ang yaya ni Cristine sa pamangkin. Bahagya n'yang sinilip si Euseph. Tinanguan na lang n'ya ito at tuluyan ng pumasok sa kanilang kwarto ni Madelaine.

Nagmamadaling isinara ni Euseph ang kanyang kwarto,pumasok sa banyo at itinapat ang sarili sa shower. Gusto lang n'yang patayin ang init. Baka kung ano ang sumabog kapag hindi n'ya naagapan ang init sa kanyang katawan.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon