Chapter 8

4.1K 102 2
                                    

Masayang bumiyahe patungong hasyenda nina Euseph ang tatlo. Mahahalata ang saya ni Madelaine dahil kasama na nito si Cristine. Hindi din naman maikakaila ang kislap sa mga mata ni Cristine dahil sa sobrang kagalakan. Tatlong oras din ang biyahe bago nakarating sa Quezon ang tatlo.

" Wow! Ang ganda naman dito! ",bulalas ni Cristine habang binabagtas ang patungo sa hasyenda nina Euseph.

" Madaming fruits dito,Mommy! ",kwento pa ni Madelaine.

" Talaga! I really like this kind of place. Yung makakarelax ka! ",saad pa ni Cristine,ipinikit ang mga mata at sumamyo ng sariwang hangin. Nadadaanan nila ngayon ang mga puno ng mangga.

" Mommy,birthday ni Lola sa Sunday! ",wika pa ni Madelaine.

" Really? ",gulat pang reaksyon ni Cristine,sinulyapan n'ya si Euseph ngunit nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho.

" Yup! Kaya nga happy ako,Mommy! Kasi makakaattend ka sa birthday ni Lola. ",nakangiti pang wika ni Madelaine. Ngumiti din si Cristine. Excited s'ya na kinakabahan sa pagtatagpo nila ng pamilya ni Euseph. Ilang sandali lamang ay narating din nila ang malawak na hasyenda nina Euseph.

" Madelaine! ";masayang salubong ni Donya Lucita sa apo.

" Lola! ",galak din ang mababakas sa boses ni Madelaine,patakbo pa nitong pinuntahan ang lolo at lola nito. At mahigpit na niyakap. Bigla namang naituon ng Dinya ang paningin kay Cristine,nakangiti n'ya itong nilapitan.

" Hija,I'm glad you came! ",wika ng Donya sabay yakap ng mahigpit kay Cristine. Pagkagulat ang unang naging reaksyon ni Cristine. Ngunit maya-maya lamang ay gumanti s'ya ng ngiti at yakap sa Donya.

" Salamat din po. ",kiming wika ni Cristine.

" Halika na sa loob. Mukhang pagod kayo sa biyahe. Ihahatid ko kayo sa kwarto n'yo! ",masiglang hinawakan ng donya ang kamay ni Cristine at bahagyang hinila papasok sa loob ng villa.

" I know na nagulat ka kung bakit kilala na kita. Nakilala lang kita base sa kwento sa akin ng aking apo. And I noticed that she loves you so much! ",bulong ng Donya kay Cristine. Ngumiti ng matamis si Cristine.

Isang malawak na kwarto ang pinagdalhan ng Donya kay Cristine.

" Salamat po,Maam! ",wika ni Cristine.

" Mama! Call me,Mama! ",ang wika ng Donya. Nakaramdam ng hiya si Cristine,pero masaya at naglululundag ang puso n'ya.

" Ok po,M-mama. ",medyo nautal pa si Cristine.

" Nice to hear. Maiwan na muna kita! Kakatok na lang ako mamaya para sa pananghalian. Nagpahinga ka na muna. ",nakangiting wika ng Donya bago tuluyang isinara ang pinto ng kwarto ni Cristine. Hindi makapaniwala si Cristine sa warthm welcome na ipinadadama ng Donya sa kanya. Mukhang hindi s'ya mahihirapang makisama dito.

Dahil sa excited si Cristine na libutin ang buong lugar,nagpalit lang s'ya ng damit at bumaba na din. Mas gusto n'yang pagmasdan ang paligid kesa magpahinga.

" You look great! Hindi ka ba pagod sa biyahe? ",nakangiting tanong ng Donya.

" Mas nakakarelax pong pagmasdan ang lugar n'yo! ",sagot ni Cristine

" I'm glad you like here! ",halata ang saya sa mukha ng Donya.

" Gustong-gusto ko po dito! Mukhang maeenjoy ko ang bakasyon namin dito! ",nakangiti ding sagot ni Cristine.

Samantala,habang abala sa pakikipag-usap si Cristine sa Mama ni Euseph,magkausap naman ang mag-ama.

" Parang nalimutan ni Mama na dumating din ako! Hindi ako pansin eh! ",pabirong turan ni Euseph.

" Sa tingin ko nga! ",natatawang wika ng Don.

" By the way! Cristine is a nice girl,right? Simple yet irresistible! ",palihim ma sinulyapan ng Don ang anak.

Lihim din namang nasipat ni Euseph si Cristine. Tanaw kasi nila ito buhat sa kinaroroonan nilang mag-ama.

" I dont know. ",sagot ni Euseph sa Papa n'ya,ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

" Maiba ako,tingin ko oras na para mag-settle down ka na! ",wika ng Don.

" What do you mean? ",kunot noong tanong ni Euseph.

" You know! Mas magiging masaya ang hasyenda kapag madaming bata. ",wika ng Don.

" Pa,cut this nonsense talking! ",wika ni Euseph.

" Common! Hindi kana bata at hindi ba din kami malakas tulad ng dati ng Mama mo! Gusto lang namin ay nasa ayos na ang buhay mo! ",sermon na ng Don.

" Pa,dont mind me! Im fine! ",sagot ni Euseph.

" I dont think so! ",naiiling na wika ng Don. Hindi na umimik pa si Euseph. Ilang saglit lang ay tinawag na sila ng Donya para magtanghalian.

Masarap na pananghalian ang nakahain sa hapagkainan. Masayang dumulog ang lahat. Inasikaso ni Cristine si Madelaine,nilagyan ng pagkain ang plato nito. Palibhasa at nasanay na si Cristine na nilalagyan din ng pagkain ang plato ni Euseph,tumayo s'ya upang salinan ng pagkain ang plato nito,ngunit pinigilan s'ya ng binata.

" No! Kaya ko na! ",ang awat ni Euseph sa balak na paglalagay ng pagkin ni Cristine sa kanyang plato.

" Hijo,nasa harap kayo ng apo ko. ",pasimpleng wika ng Donya. Alam nito ang lahat tungkol sa pagpapanggap nina Euseph at Cristine na mga magulang ni Madelaine,habang hindi pa bumabalik sa dati ang apo.

" Continue,hija! Continue! ",ang nakangiting wika ng Donya kay Cristine. Lihim namang sumaya si Cristine,sa wakas ay nakahanap na din s'ya ng kakampi. Iiling-iling na lamang si Euseph. Lihim din namang nagsipaan ang Don at Donya. Tila may binabalak ang mga ito.

Masayang kumain ang lahat. Hindi mapigilan ni Cristine na mangiti habang kumakain. Tila naman pinamumulahan ng mukha si Euseph,pinagkakaisahan yata s'ya ng kanyang mga magulang.

" Daddy,hindi mo din susubuan si Mommy? Tingnan mo si Lolo,sinusubuan si Lola! ",ang sabi ni Madelaine,sabay turo sa kanyang Lolo.

Bahagyang nandilat si Euseph sa kanyang mga magulang. Hindi naman dating ganoon ang mga ito,bakit biglang sweet? Napapakamot s'ya sa kanyang batok.

" Baby,kaya ko namang kumain mag-isa eh. ",ang wika ni Cristine.

" Kaya ko din,pero syempre,mas masarap na sinusubuan ka. ",ang wika ng Donya. Maging si Cristine ay napangiti ng patabingi.

" Sige na,Daddy! ",pangungulit pa ni Madelaine. Napahinga ng malalim si Euseph,nilapitan si Cristine at sinubuan. Napabuka tuloy ng bibig si Cristine.

" Apo,mas sweet kami ng Lolo mo,diba? ",ang tanong ng Donya sa apo.

" Oo nga! Sweetan mo din kasi,Daddy! ",tila may paninising wika ni Madelaine. Napakunot na ang noo ni Euseph. Pero pinagbigyan pa din ang pamangkin. Sinubuan n'ya si Cristine,nang may bahagyang napalapat na ulam sa bibig nito,marahan n'ya iyong inalis sa labi ni Cristine. Tila naman nakuryente si Cristine ng dumampi ang daliri ni Euseph sa labi n'ya. Nagulat din naman si Euseph sa kanyang ginawa. Napabigla tuloy s'ya ng tayo.

" Busog na ako! Magpapahinga na muna ako. ",wika nito at nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto nito.

Nanatili namang nakayuko si Cristine,nararamdaman n'ya na namumula pa ang kanyang mukha. Hindi sa hiya kundi sa init na hatid ng simpleng pagkakadait ng balat ni Euseph sa labi n'ya.

Lihim namang nagkatinginan ang Don at ang Donya,at nagpaskil ng matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon