Isang araw,sinadyang bisitahin nina Arbie at Len si Cristine sa condo na tinitirhan nito. Gusto nilang makita si Euseph. Nagkataon namang hindi nagtrabaho si Euseph kaya nagkita-kita sila.
" Hi! Ikaw pala si Euseph. Im Len. S'ya naman si Arbie. ",ang malanding wika ni Len.
" Hi! Nice to meet you,guys. ",ang wika ni Euseph. Pero napatitig ito kay Len. Nakipagtitigan naman si Len sa binata.
Isang tikhim buhat kay Arbie ang nagpabalik sa katinuan ng dalawa.
" So,kamusta na ang kalagayan ni Madelaine? ",ang tanong ni Arbie. Para maiwasan ang nagsisimulang tensyon sa pagitan nina Cristine,Euseph at Len.
" She's fine. Dadating ang panahon,mababalik na din ang kanyang dating pag-iisip. ",ang tugon ni Euseph.
" Ah! Mabuti naman kung ganoon. ",tila wala ng mahagilap na sasabihin pa si Arbie. Nararamdaman n'ya ang kakaibang tinginan nina Len at Euseph. Para namang maiiyak ang mga mata ni Cristine.
" Ahmmm! May lakad pa pala kami ni Len. Paano,aalis na kami ha! ",ang paalam agad ni Arbie. Kailangan n'yang makausap si Len.
" Ok,ihahatid ko na kayo. ",ang malungkot na wika ni Cristine. Nagpahatid lang ang dalawa hanggang sa may elevator. Bumalik na si Cristine sa condo ni Euseph. Pagbukas n'ya ng pinto,nakabantay ito.
" Len is cool,right? ",ang wika ni Euseph. Kitang-kita ang sakit sa mga mata ni Cristine. Bakit si Len ang nakita nito? Bakit hindi na lang s'ya? Tiningnan n'ya ito na tila nagluluha ang kanyang mga mata. Nasasaktan s'ya,sobra. Huminga s'ya ng malalim at nagderetso na sa kwarto nila ni Madelaine. At doon n'ya ibinuhos ang kanyang luha.
.....
Kinabukasan,matamlay na pumasok sa botique si Cristine. Agad s'yang sinalubong ni Len.
" Cristine,invited ako ni Euseph na magdinner mamayang gabi. ",ang masayang pagbabalita ni Len.
" Bakit? ",ang tanong na iyon ay dalawa ang kahulugan. Bakit s'ya inimbitahan? At bakit kailangang gawin ni Len na makipagmabutihan dito gayaong alam nito na itinatangi n'ya si Euseph?
" Tinawagan n'ya ako kagabi eh. Ask n'ya if free daw ako tonight. Sabi ko,oo. Yun,ininvite n'ya akong magdinner. ",paliwanag ni Len. Tila hindi naintindihan ang ibig ipakahulugan ni Cristine.
" Ah! Enjoy na lang. ",ang matamlay na wika ni Cristine. Iniwan n'ya ang kaibigan,maiiyak na kasi s'ya.
Buong maghapong matamlay ang pakiramdam ni Cristine. Samantalang tila ang saya-saya ni Len. Walang kibo naman si Arbie,pinakikiramdaman ang dalawa n'yang kaibigan.
Biglang kuminang ang utak ni Cristine. S'ya ang kasama sa condo ni Euseph,kaya mas lamang pa din s'ya kay Len. Kaya napagpasyahan n'yang umalis ng maaga sa botique. May maganda s'yang plano.
" Guys,gotta go! ",ang masayang paalam ni Cristine sa dalawa n'yang kaibigan. Nagkatinginan naman sina Len at Arbie. Naguluhan sa biglang pagbabago ng mood ni Cristine.
Nang makaalis si Cristine sa botique,nagderetso s'ya sa supermarket. Mamimili s'ya para sa lulutuin n'ya para sa dinner mamaya. Kasehadong gamitin n'ya si Madelaine para lang hindi matuloy ang dinner date nina Len at Euseph,gagawin n'ya. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Nagderetso na din s'ya sa eskwelahan ni Madelaine. Napasok na kasi ito. Kinaon n'ya ang pamangkin at nagderetso ng uwi sa condo.
Nang makarating ang mag-tita sa condo,naging abala ang mga ito para sa paghahanda ng dinner. Kinahapunan,pinatawag ni Cristine si Madelaine para pilitin si Euseph na umuwi para sabay-sabay sila magdinner na tatlo.
" Daddy,uwi ka na. Naghanda kami ni Mommy para sa dinner natin.",ang masayang kwento ni Madelaine.
" Baby,may important meeting ako tonight eh. Hindi makakauwi si Daddy. ",ang wika ni Euseph.
"Daddy,please! Pinaghirapan namin ni Mommy ang dinner natin. ", ang pakiusap ni Madelaine.
" I'm really sorry,baby! Daddy can't come. ",ang tanggi ni Euseph.
Hindi na nagsalita si Madelaine. Narinig na lang ni Euseph na sumisinghot si Madrlaine. Narinig din n'yang nagsalita si Cristine.
" Baby,busy si Daddy. Next time na lang. ",ang narinig ni Euseph na wika ni Cristine. Ilang saglit lang ay naputol na ang tawag ng kanyang pamangkin.
Napabuntong hininga si Euseph. Inayos n'ya ang sarili. Uuwi s'ya sa condo. Ayaw n'yang magtampo ang kanyang pamangkin sa kanya.
Samantala,inaalo ni Cristine ang umiiyak na pamangkin. Maging s'ya ay napaiyak na din. Dahil mas pinili ni Euseph si Len kesa sa kanila ni Madelaine. Naupo si Cristine sa sofa na tila pagod na pagod.
Makalipas ang kalahating oras. Dumating si Euseph sa condo. Laking gulat ng mag-tita. Pero laking tuwa din nila.
" Daddy,dumating ka! ",ang masayang wika ni Madelaine. Patakbo pa itong lumapit sa kararating lang na si Euseph. Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Cristine.
" Matitiis ko ba ang baby ko.",ang wika ni Euseph,niyakap ang pamangkin at kinarga. Nagderetso naman si Cristine sa kusina. Doon n'ya pinakawalan ang labis na kasiyahan. Muli n'yang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng dinner nilang tatlo. Maya-maya lamang,narinig na ni Cristine ang masayang halakhakan ng mag-tito.
Gabi,naulinigan ni Cristine na may kausap si Euseph sa phone nito. Nasa loob ito ng sariling kwarto. Hindi n'ya mapigilang idikit ang kanyang tenga upang marinig ang sinasabi nito at alamin kung sino ang kausap nito.
" Len,im sorry pero hindi ako makakarating sa dinner natin. Nasa condo na ako. Naglambing kasi si Madelaine eh. ",narinig ni Cristine na wika ni Euseph. Napakagat labi s'ya.
" Sorry talaga ha! Next time na lang. Bye! ",nang marinig ni Cristine na nagpaalam na si Euseph,maingat ngunit mabilis s'yang pumasok sa kwarto nila ni Madelaine. Doon tumulo ang kanyang luha. Tila may namumuo nang pagtitinginan sa pagitan ng kanyang bff at lalaking iniibig. Mabilis n'yang pinahid ang kanyang luha. Kailangan na n'yang ayusin ang sarili. Magpapaganda s'ya para mapansin ni Euseph. Ilang sandali lamang ay isang kaakit-akit na Cristine ang lumabas sa kwarto. Bahagyang natigilan si Euseph ng makita ang dalaga,ngunit agad ding binawi ang tingin dito at ibinalik sa pamangkin.
" Wow! Ang ganda ng Mommy ko! ",ang puri ni Madelaine ng makita si Cristine.
" Thank you,baby! ",nakangiting saad ni Cristine. Hinihintay n'yang purihin din s'ya ni Euseph,ngunit lalamig na ang pagkain hindi man lang s'ya tiningnan nito. Niyaya na lang n'ya ang dalawa na magdinner.
Halata ang saya ni Madelaine habang sabay-sabay sila kumakain na tatlo. Panay ang sulyap ni Cristine kay Euseph ngunit hindi man lang n'ya mahuling tumitingin din ito sa kanya. Huminga s'ya ng malalim at lakas loob na niyayang magsayaw si Euseph.
" Let's dance. ",ang yaya ni Cristine. Medyo tipsy na dahil inisang lagok lang ang wine na nasa kanyang baso. Tuwang-tuwa naman si Madelaine. Hindi naman tumanggi si Euseph. Nagpunta sila sa gitna ng salas. Pumailanlang ang malamyos na awitin. Balak magsalita ni Eiseph ngunit inunahan agad ito ni Cristine.
" Please! Kahit ngayong gabi lang. Kalimutan mo ang galit mo sa akin. Kahit ngayon lang. ",ang anas ni Cristine. Natigil ang balak na pagsasalita ni Euseph. Inihilig ni Cristine ang ulo sa dibdib ng binata. Ipinikit ang mga mata habang marahang gumagalaw sa saliw ng tugtugin.
