Chapter 12

4.1K 97 3
                                    

Gising na si Cristine,ngunit nanatili s'yang nakahiga sa kama. Hindi n'ya magawang makapagpakita sa lahat dahil sa kahihiyang ginawa kagabi. Alam n'ya ang kanyang ginawa kahit pa sabihing sobra ang kanyang kalasingan. Hindi lang talaga n'ya napigil ang bugso nang kanyang damdamin. Pinahid na naman n'ya ang luhang naglandas sa kanyang mga mata.

" Mommy! ",buhat sa labas nang kwarto ay tawag ni Madelaine. Kumatok pa ito.

Napabigla nang bangon si Cristine,napalapit sa may pinto. Ngunit hindi n'ya binuksan ang pinto. Hinawakan lang n'ya habang hinihmas,lalo nang nag-uunahan ang luha sa pagpatak.

" Mommy! Tulog ka pa? ",gumaralgal na ang tinig ni Madelaine.

Natakpan ni Cristine ang kanyang bibig upang hindi kumawala ang malakas na hagulhol. Sisimulan na n'yang tikisin ang pamangkin,upang nang sa ganoon,masanay itong wala s'ya sa tabi nito.

" Mommy! Miss na kita! Paggising mo,puntahan mo ako ha! Aalis na ako. ",ramdam ni Cristine na umiiyak na ang pamangkin dahil narinig n'ya na suminghot ito. Habag na habag naman si Cristine. Gusto n'yang buksan ang pinto upang yakapin ang pamangkin,ngunit pinigilan n'ya ang kanyang sarili. nakalupagi ito sa sahig habang impit ang pag-iyak.

Gabi na naman,ngunit hindi pa din lumalabas nang kwarto si Cristine.

" Hija,halika muna sa labas. Kumain ka muna. ",ang wika nang Donya,kinatok ang kwarto ni Cristine.

" Busog pa po ako. Salamat po. ",sagot ni Cristine. Hindi na nangulit pa ang Donya. Iniwan nitong muli si Cristine. Nang mga oras na iyon,hinihintay na lamang ni Cristine ang maghatinggabi. Dahil nagpasya na s'yang lisanin ang lugar na iyon. Kasabay ang pag-iwan n'ya sa pinakamamahal na pamangkin.

Dumating ang hatinggabi,patiyad na lumabas ng kwarto si Cristine. Gustuhin man n'yang hagkan ang pamangkin sa huling pagkakataon,pinigil na lamang n'ya ang sarili. Iyak na lamang ang kanyang ginawa. Tuluyan nang nakalabas sa Villa si Cristine. isang lingon pa ang kanyang pinakawalan,at tuluyan na s'yang tumalikod upang lisanin ang lugar at alisin ang sakit na dulot nito sa kanya. Hilam ang kanyang mga mata sa luha. Ngunit buo na ang kanyang desisyon.

" Cristine! ",ang narinig na tawag ni Cristine sa kanyang pangalan. Napatulala na naman pala s'ya. Dalawang buwan na ang lumipas buhat na lisanin n'ya ang hasyenda nina Euseph.

" Ikaw pala,Carlos. ",wika ni Cristine. Dito s'ya sa Bagiuo napadpad.

" Shall we go? ",ang nakangiting tanong ni Carlos kay Cristine. Batid ni Cristine na may pagtingin ang binata sa kanya. Ngunit batid din n'yang hindi pa handa ang puso n'ya na buksan para sa iba. Nakangiti s'yang sumabay ng lakad kay Carlos. Sa isang flower farm/shop nagtatrabaho si Cristine. Nagdedesenyo s'ya ng mga bulaklak para sa kasal or birthday etc. At nag-eenjoy na din s'ya kahit paano. Si Carlos ay anak ng may-ari ng kanyang pinagtatrabahuhan.

" Teka lang. May gusto lang akong tawagan. ",ang wika ni Cristine. Gusto n'yang makausap ang kanyang Mama.

" Ok! ",sagot ni Carlos.

Agad na idinayal ni Cristine ang phone number sa mansyon nila. Pay phone ang ginamit n'ya. Wala s'yang cellphone.

" Ma. ",mahinang wika ni Cristibe ng mabosesang ang Mama ang sumagot sa tawag n'ya.

" Cristine,anak! Nasaan kaba? Umuwi kana. Nag-aalala na ako sa'yo ng sobra! ",garalgal ang tinig ng Donya.

" Ma,I'm fine. ",pinipilit ni Cristine na huwag maiyak.

" Nasaan ka ba? Ipapasundo kita! ",wika pa ng Donya.

" Ma,hayaan mo muna ako. Don't worry,ok. Ahmm. May balita ba kayo kay Madelaine? ",kinakabahang tanong ni Cristine.

" Tinawagan ako ng lola ni Madelaine,hinahanap ka. Hindi daw kumakain ang bata. Laging matamlay at umiiyak. ",pagbabalita ng Donya.

Natakpan ni Cristine ang kanyang bibig. Miss na miss na din n'ya ang pamangkin.

" Mabuti na din ito,Ma. Para masanay s'ya na wala ako sa tabi n'ya. ",pilit itinatago ni Cristine ang pagpiyok sa kanyang boses.

" Ma,gotta go! Bye! Ingat kayo ni Papa! Pakumusta sa kanya. Love you. Bye! ",hindi na naghintay pa ng sagot si Cristine,agad na ibinaba ang phone. Pasimpleng pinahid ang luha upang di makita ni Carlos.

" Lets go. ",malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Cristine bago ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi sa kanyang tinitirhan.

....

" Baby,we need to go back to Manila. Late kana sa school. ",ang wika ni Euseph sa matamlay na pamangkin.

" No! Baka pag umalis tayo,saka dadating si Mommy. ",tanggi ni Madelaine.

" Baby,alam naman n'ya ang house natin sa Manila,diba. So doon na lang s'ya pupunta. ",nahihirapan na si Euseph na humanap ng paliwanag para sa pamangkin. Matalino ito at madaling naiintindihan ang nangyayari sa paligid.

" Daddy,hindi na ba ako love ni Mommy? Bakit n'ya ako iniwan? ",nagsisimula na namang magluha ang mga mata ni Madelaine.

" Mahal na mahal ka ng Mommy. Someday,mauunawaan mo din ang lahat. ",maging si Euseph ay nahihirapan din. Hinahanap ng paningin n'ya ang dalaga. Noong time na malaman nilang umalis ito,hinanap n'ya sa buong paligid ang dalaga. Maging sa karatig lugar. Kahit sa Maynila,ngunit bigo s'yang makita ito.

" Kung mahal ako ni Mommy,babalik s'ya! Babalikan n'ya tayo! ",tila nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ng bata.

" Kung talagang mahal tayo ng Mommy,babalikan n'ya tayo! ",wika naman ni Euseph.

Matamlay na ngumiti si Madelaine. Muling itinuon ang paningin sa may gate.

" Mahal mo ba si Mommy,Daddy? ",biglang naitanong ni Madelaine.

" Ha? ",hindi agad nakasagot si Euseph.

" Sabi ni lola,if love mo isang tao,pag nawala ito,masakit daw. Love ko si Mommy kaya masakit dito. ",ang sabi ni Madelaine sabay turo sa dibdib.

" Ikaw Daddy,masakit din? ",lumuluha na si Madelaine.

Hindi nagsalita si Euseph. Niyakap na lang n'ya ang umiiyak na pamangkin. Makakapagsinungaling ang bibig ngunit hindi ang puso. Huminga s'ya ng malalim upang pakawalan ang paninikip ng kanyang dibdib.

.....

" You really dont believe ng sabihin ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman? ",ang tanong ni Carlos kay Cristine. Niyaya nito ang dalaga na magdate. Inamin na din ang nararamdaman n'ya para dito.

" Naniniwala. Pero may mga bagay na hindi ganoon kadali. Mahirap kasing ipaliwanag. ",sagot ni Cristine.

" I understand. Mahirap talagang intindihin kung bakit hindi ka mahal ng mahal mo. ",nanulas sa labi ni Carlos.

" Naitanong ko na din yan sa sarili ko. ",buntong-hiningang saad ni Cristine.

" Acceptance lang naman ang dapat nating gawin. But still,belivieng at paghihintay sa tamang panahon,yan ang gagawin ko. ",nakangiting wika ni Carlos.

" You deserve someone better! ",sabi ni Cristine.

" Maybe! Pero hindi mapipilit ang puso kung sino ang dapat na itibok nito. Just enjoy the flow. Hindi ka magiging masaya kung hindi ka makakaramdam ng sakit. ",wika pa ni Carlos.

" You really amaze me! ",nakangiting wika ni Cristine.

" Dont be. Baka mainlove ka sa akin! ",nagtatawang wika ni Carlos.

" Sira! ",hinampas pa ni Cristine ang braso ng binata. Gumaan kahit paano ang dinadala n'ya. Bakit nga ba hindi n'ya buksan ang puso para sa binata? Huminga s'ya ng malalim at nagpakawala ng isang ngiti.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon