Chapter 13

3.8K 97 2
                                    

Mabilis na lumipas ang anim na buwan. Hindi alintana ni Cristine dahil nag-eenjoy s'ya sa kanyang bagong kapaligiran. Samahan pa ng makulit ngunit sweet na si Carlos.

" Flowers for this lovely lady! ",ang wika ni Carlos sabay lahad ng mapupulang rosas sa harapan ni Cristine.

" Pumitas ka na naman ng mga rosas! Mapapagalitan ka na ng Mama mo! ",sermon ni Cristine,ngunit nagpaskil ng matamis na ngiti sa kanyang labi.

" Dont worry! Boto sa'yo ang Mama. ",nakangising bulong ni Carlos.

" Puro ka talaga kalokohan. ",nawika ni Cristine. Ngunit totoo ang sinabi nito. Minsan ay kinausap s'ya ng Mama ni Carlos. Sinabi na malaki ang ipinagbago ni Carlos simula ng nakilala s'ya. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang tulad ni Carlos. Ang problema nga lang,ang puso n'ya. Pero unti-unti,nakakapasok na si Carlos sa puso n'ya. Konting push na lang kumbaga,matutugunan na n'ya ang pag-ibig nito.

Samantala,nang nga oras na iyon,malungkot na namang nakatanaw sa may gate si Madelaine.

" Baby,I think its about time na bumalik na tayo sa Maynila.",ang untag ni Euseph sa pamangkin.

" Daddy,babalik si Mommy,alam ko! ",sagot ni Madelaine.

" Listen,Baby! Its time to give up! Dahil kung babalik s'ya,sana noon pa! ",kailangan na ni Euseph na maging matigas sa harap ng kanyang pamangkin.

" Mommy said,habang may buhay,may pag-asa! ",wika ni Madelaine.

" Yes! But we also have to continue our life! Baby,tigilan na natin ang paghihintay. Dahil naghihintay tayo sa wala! ", sinisikap ni Euseph na pakalmahin ang sarili.

" Daddy,igigive-up ko na din ba ang love ko kay Mommy? ",inosenteng tanong ni Madelaine.

Natigilan si Euseph. Hindi n'ya alam ang dapat na isagot sa tanong na iyon ng pamangkin. Huminga s'ya ng malalim.

" Just move on and continue our life. ",mahinang wika ni Euseph.

Ngumiti nang malungkot si Madelaine.

" Daddy,kung babalik si Mommy,sabihin mo,love na love ko s'ya at miss na miss na. ",mahinang wika ni Madelaine. Kasabay noon ay ang pagpikit nito. At tuluyang iginipo ng kalungkutan ang katawan ng bata. Maagap na nasalo ni Euseph si Madelaine. Tila hindi na himihinga ang bata.

" Baby,wake-up! Wag mo akong biruin ng ganyan ha! ",nanginginig ang boses na tinapik-tapik pa ni Euseph ang pisngi ng bata.

" Madelaine! Madelaineeeee! ",ang malakas na sigaw ni Euseph. Agad na binuhat ang pamangkin na hindi na humihinga.

" Ihanda ang kotse! Dalian n'yo! ",umiiyak na sigaw ni Euseph.

Hindi pa man alam ng Donya ang nangyayari,base sa nakita n'yang lungayngay na ulo at kamay ng apo,dagli itong pinanawan ng ulirat. Buti at naging maagap ang pagsalo ng Don dito. Agad na isinugod sa ospital ang mag lola.

...

Napahawak sa may pinto si Cristine. Bigla ang kabang dumapo sa kanyang dibdib. Hindi n'ya maipaliwanag,pero kakaiba ang naramdaman n'ya.

" Mommy! ",buhat sa likod ay narinig ni Cristine. Bigla ang kanyang naging paglingon dahil kilala n'ya ang boses na iyon.

" Madelaine! ",nasambit ni Cristine. Ngunit ibang bata ang nakita n'ya. At ibang Mommy ang tinutukoy nito. Huminga ng malalim ang dalaga. Nasapo pa ang kanyang dibdib. Akala talaga n'ya ay si Madelaine ang natawag na Mommy sa kanya.

Halata ni Carlos ang pagka-alumpihit ni Cristine. Hindi n'ya maiwasang tanungin ang dalaga.

" Ok ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali? ",tanong ni Carlos.

" Hindi ko din alam. Bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba. Bigla ang kaba ko. ",sabi ni Cristine.

" Relax ka lang,ok. Kung gusto mo tumawag ka sa inyo. ",suhestiyon ni Carlos.

" Yan nga ang gagawin ko. Hindi talaga ako mapakali eh! ",ang sagot ni Cristine. Agad na idinayal ang number sa kanilang mansyon. Ilang beses na nagring bago may sumagot.

" Hello,Manang. Nasaan si Mama? Si Cristine ito. ",ang wika ni Cristine ng mapagsino ang sumagot sa kanya tawag.

" Ma'am Cristine,nasa ospital po ang inyong Mama. ",sagot ng katulong.

" Ha? Bakit? ",dagundungan ang dibdib ni Cristine.

" Isinugod daw po sa ospital si Madelaine. ",sagot ng katulong.

Pinangapusan na ng hininga si Cristine. Unti-unting nanlalambot ang kanyang tuhod. Maagap s'yang naalalayan ni Carlos.

" Cristine,ano ang nangyari? ",kinakabahan na ding tanong ni Carlos.

" Kailangan kong lumuwas ng Maynila! ",nanulas sa labi ni Cristine. Kasabay ang ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon