Chapter 18

4.3K 98 1
                                    

Wala nang nagawa pa si Cristine kundi ang sumama pamamasyal kina Euseph at Madelaine.

" Mommy,hindi ka ba masaya sa pamamasyal natin? ",tanong ni Madelaine. Nakita kasi nitong nakasimangot si Cristine.

" Naku,masaya ako syempre! Tara doon! ",turo ni Cristine sa isang bahagi sa Zoo. Doon sila dinala ni Euseph. Huminga nang malalim si Cristine at sinikap na pasiglahin ang sarili para sa pamangkin.

" Mommy,picture! ",sabi ni Madelaine.

" Daddy,akbayan mo si Mommy! Mommy,ngiti ka! ",utos pa ng bata. Ito ang may hawak nang camera. Hindi na umangal pa si Cristine,umayon na ito sa gusto nang pamangkin. Inakbayan s'ya ni Euseph,inihilig naman ni Cristine ang ulo sa may dibdib nito at ngumiti nang matamis.

" Ayan! Ang ganda! ",sambit ni Madelaine. Bumilang nang tatlo bago kunan sina Euseph at Cristine. Nakangiti pang ipinakita ng bata ang litrato nina Euseph at Cristine. Parang tunay din naman na may pag-ibig na kalakip sa mga ngiti nila.

" Pasyal pa tayo! ",ang yaya ni Cristine. Masayang hinila ang pamangkin,naghabulan,nagkasiyahan,nagbibiruan. Sa isip nang bata,sana ay wala ng katapusan ang kasiyahan nilang tatlo.

Gabi na nang makauwi sa condo ang tatlo. Nakatulog na din si Madelaine sa sobrang pagod,ngunit bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan.

Inihiga lang ito ni Euseph sa kama. Pinagmasdan nila ni Cristine ang mahimbing na pagkakatulog ni Madelaine.

" Can we talk? ",maya-maya ay tanong ni Euseph kay Cristine.

" I'm tired. ",sagot ni Cristine.

" Please! ",pakiusap ni Euseph. Huminga nang malalim si Cristine at nauna ng lumabas sa kwarto. Naupo s'ya sa sofa na nasa sala.

" Wine or whisky? ",tanong pa ni Euseph.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Gusto ko nang magpahinga! ",ang wika ni Cristine. Ngunit inabutan pa din s'ya ni Euseph ng wine. Tinanggap na ni Cristine ang wine. Kailangan din n'ya siguro iyon.

" Ano ba ang pag-uusapan natin? ",tanong ni Cristine.

" Bakit ka biglang umalis? ",tanong ni Euseph.

" God! Wag mo nang ibalik sa akin ang kahihiyang pinagsisisihan ko ng sobra! ",wika ni Cristine.

" So,pinagsisisihan mo din ba na sinabi mo sa aking mahalin naman kita? ",nananatyang tanong ni Euseph.

Bahagyang natigilan si Cristine. Tila nangapal ang kanyang mukha sa pag-alala sa nasabi noon.

" Yan ang labis kong pinagsisisihan! ",sagot ni Cristine,sabay tayo. Balak nang pumasok sa kwarto ngunit pnigilan s'ya ni Euseph.

" Sabihin mo ulit sa akin ang mga salitang iyon at sasabihin ko ang sagot ko! ",anas ni Euseph,hinawakan kasi nito ang braso ni Cristine at isinandal ang dalaga sa dingding.

" Tama na ang minsang kahibangan! Nagising na ako! ",pilit na iniiwas ni Cristine ang mukha kay Euseph.

" Ayaw mo bang alamin ang magiging sagot ko? ",anas muli ni Euseph.

" Ano bang gusto mo? Hindi kaba nakakaintindi na isang pagkakamali nang bitawan ko ang mga salitang iyon! ",wika ni Cristine.

" Pero hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo! ",anas na naman ni Euseph.

" Iba din ang nakikita ko sa mga mata mo. Lust! Yan ba ang gusto mo? Pagbibigyan kita! ",ang wika ni Cristine. Isa-isang tinanggal ang kanyang suot na damit. Hanggang sa ang matira ay dalawang maliit na saplot na lamang.

" Ito ba ang makakapagpatahimik sa'yo? Sana pagkatapos nito,tigilan mo na ako! ",wika ni Cristine,sinimulang tanggalin ang maliit na saplot na nakataklob sa kanyang dibdib.

Nasuntok ni Euseph ang dingding. Dahilan upang mapatigil si Cristine sa pagtatanggal ng kanyang saplot. Unti-unting naitakip ni Cristine ang kamay sa kanyang hubad na katawan. Ang luha ay nag-uunahan na sa pagpatak.

" Hindi mo na ba talaga kayang sabihin sa akin ang mga salitang iyon? ",tanong muli ni Euseph.

" Katulad ng rason mo kung bakit hindi mo masabi sa akin noon kung bakit ka galit na galit sa akin! ",wika ni Cristine.

Tinungga ni Euseph ang alak na nasa kanyang baso.

" Bakit ka nakipagrelasyon sa kapatid ko? ",ang galit ay mababakas sa tinig ni Euseph.

Napamaang si Cristine. Hindi n'ya maintindihan ang sinasabi ni Euseph.

" Bakit ka nakipagrelasyon sa kapatid ko? Bakit? ",hinawakan na ni Euseph ang dalawang braso ni Cristine.

" Yan ba ang dahilan kung bakit ka nagagalit sa akin? Dahil ako ang kabit nang kapatid mo? ",hindi makapaniwalang tanong ni Cristine.

Sinuntok na naman ni Euseph ang dingding. Napapikit si Cristine. Agad n'yang kinuha ang kanyang damit at pumasok sa kwarto nila ni Madelaine. Natakpan n'ya ang sariling bibig habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha.

Umalis naman ng condo si Euseph. Hindi n'ya matanggap na totoo ang sinabi ng kanyang kapatid. Base sa pananahimik ni Cristine,inamin nito na tunay ang lahat. Hindi mapigilan ni Euseph na pumatak ang kanyang luha. Noon pa man,simula nang makita n'ya ang litrato ng dalaga,lihim na n'ya itong minahal. Minsan pa nga,dinadalaw n'ya ang botique nito upang lihim na masilayan ang dalaga. Ngunit bigla na lamang nagbago ang lahat nang mahuli n'yang may kalandian ang kapatid sa telepono. At inamin ng kanyang kapatid na ang karelasyon ay ang pinsan ng asawa nito na si Cristine. Doon na lumabas ang galit ni Euseph. Mismong pinsan ay kinatalo ni Cristine.

Nagderetso si Euseph sa isang bar at doon nilunod ang sarili sa alak. Noong una n'yang makaharap ang dalaga,gusto n'ya itong saktan dahil ito ang naging dahilan upang mag-away ang kapatid at ang asawa nito na naging dahilan ng pagmakatay ng dalawa. Ngunit ang puso n'ya ay sinasalungat ang gusto ng isip n'ya. Kaya naging malamig ang pakikitungo n'ya sa dalaga,ngunit nandoon pa din sa kabilang bahagi ng puso n'ya ang lihim na pagtatangi para dito. Hindi lang n'ya matanggap,bakit ang kanyang kapatid pa? Bakit hindi na lang s'ya?

Habang nilulunod ni Euseph ang sarili sa alak,nanatili namang umiiyak si Cristine. Nawindang s'ya sa kanyang natuklasan. Sino ang nagsabi kay Euseph na s'ya ang kabit nang kapatid nito? Nalugmok si Cristine sa pagkakaiyak. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Euseph simula pa lang. Hindi s'ya papayag na habang buhay n'yang dalhin ang gulong ginawa nang kapatid nito. Hahanapin n'ya ang babaeng tunay na kabit nang kapatid ni Euseph at ihaharap sa binata. Para ipamukha dito na malinis s'ya at hindi masamang babae. Madaling araw na nang marinig ni Cristine ang pagbukas ng pinto ng condo. Saka lang s'ya natulog nang masiguradong umuwi na si Euseph. Malaking paratang ang iginawad ng binata sa kanya. At papatunayan n'yang mali ito sa pag-aakalang isa s'yang masamang babae.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon