" Teka naman! Hindi na ako makahinga! ";ang nakangiting angal ni Len. Hindi na kasi s'ya binitiwan ng yakap ng kanyang dalawang kaibigan.
" Wag na kasi umangal! ",natatawang wika ni Arbie.
" Namiss ka lang namin ng sobra! ",wika naman ni Cristine.
" Ihhh! May bukas pa naman! Pedeng huminga muna? ",wika pa ni Len. Nagtatawang binitawan na nga nina Arbie at Cristine si Len.
" By the way. Anong plano mo na ngayon,Cristine? Pupuntahan mo ba yung dating karelasyon ng kapatid ni Euseph? ",tanong ni Len.
" Kailangan ko s'yang makausap para maging malinaw ang lahat kay Euseph. Hindi ko inaasahan na ganoon kasama pala ang tingin ni Euseph sa akin. ",malungkot na wika ni Cristine.
" Mahal mo pa s'ya,tama? ",tanong ni Arbie.
Hindi sumagot si Cristine. Nangalumbaba lang ito. Nasa botique na sila noon.
" Kahit hindi ka sumagot,ramdam namin. ",wika naman ni Len.
" Bakit kasi ang hirap turuan ng pusong ito? ",bahagya pang pinalo ni Cristine ang sariling dibdib.
" Natatandaan mo ba kami ni Geoff? Ganyan din ako. Nasasaktan na,sige pa din. Pero sumugal ako,kaya heto,masaya na ako sa piling n'ya! ",wika ni Arbie.
" Nakakatakot sumugal ulit baka di ko na kayanin. ",sabi ni Cristine.
" No matter what happen,tandaan mong hindi ka namin iiwan. Hindi ka naman nag-iisa eh,andito kami. ",wika ni Len.
Nagluha na naman si Cristine. Munti ng mawala ang mga kaibigan sa kanya.
" I'm sorry dahil hindi ako naniwala sa'yo. I'm sorry dahil muntik nang masira ang pagkakaibigan natin. Pero tama kayo,anoman ang mangyari,walang iwanan! ",wika ni Cristine. Nagyakap muli ang magkakaibigan. Nasisigurado na nila na lalo pang tumibay ang kanilang samahan.
....
Masayang umuwi nang gabing iyon si Cristine sa condo. Tila nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib. May ngiti pa s'ya sa kanyang labi ng pumasok sa loob ng condo.
" Mommy,bakit ang tagal mo? ",tanong ni Madelaine,sinalubong pa nito si Cristine.
" May inayos lang si Mommy! At ok na ang lahat! ",tumawa pa si Cristine,binuhat si Madelaine at pinaikot. Masayang-masaya talaga ang kanyang pakiramdam.
Bigla na lamang natigil si Cristine nang maramdamang tila may nakatitig sa kanila.Nandoon nga si Euseph.
" Hi! ",bati ni Cristine. Ngunit hindi s'ya pinansin ng binata. Ibinaba ni Cristine si Madelaine at pinuntahan si Euseph.
" Lets talk! ",wika ni Cristine.
" Nothing to talk about. ",walang ganang wika ni Euseph.
" Meron. Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo. ",wika ni Cristine. Ngunit hindi na pinansin pa ni Euseph si Cristine. Hindi na napigilan pa ni Cristine ang sarili. Hinawakan n'ya sa braso si Euseph.
" Listen to me! Ito na ang huling pagkakataon na makikiusap ako para maayos lang ang gulong nasa pagitan natin. Kung hindi ka makikipag-ayos,well,wala na nga tayong dapat pang pag-usapan. ",wika ni Cristine. Hindi na naman umimik si Euseph. Kinuha ni Cristine ang papel na ibinigay sa kanya ni Arbie. Ang address ng kabit ng kapatid ni Euseph.
" Puntahan mo s'ya at malalaman mo ang totoo. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi mo muna ako nagawang tanungin about sa bagay na ikinagalit mo sa akin. Sinentensyahan mo ako ng walang kalaban-laban. ",sumbat ni Cristine. Inakay si Madelaine at pumasok silang dalawa sa kwarto.
Natingnan ni Euseph ang papel na hawak. Sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga. Gulong-gulo na s'ya. Pero nandoon ang kuryusidad. Dahil umaasa din s'ya,kahit katiting na mali ang kanyang paniniwala.
Kinabukasan....
Gising na si Euseph ngunit hindi pa s'ya nabangon. Plano n'yang puntahan ang address na binigay ni Cristine. Susubok s'ya at sana ay hindi masayang ang gaggawin n'ya.
Nakapagluto na si Cristine ngunit hindi pa nalabas sa kwarto si Euseph. Mukhang hindi na uubra ang anomang paliwanag sa binata. Masyado ng nabulag sa maling paniniwala ito. Wala na s'yang magagawa pa. Ginawa na n'ya ang lahat ng kanyang makakaya. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Nagpasya na lamang s'yang maligo at ihatid sa eskwelahan si Madelaine. Hindi na din s'ya kumain. Dederetso na lang s'ya sa botique.
Nagmadali si Euseph na ayusin ang sarili ng masiguradong umalis na sina Cristine. Agad n'yang pinuntahan ang address na nasa papel. Narating n'ya ang pakay na lugar.
" Tao po! ",ang wika ni Euseph. Medyo may kaliitan ang bahay.
" Bakit? ",tanong ng isang babae. May karga itong bata. na sa tingin ni Euseph ay bubuwanin lang.
" Hinahanap ko po si Marissa. Nandito po ba s'ya? ",ang tanong ni Euseph.
" Ako si Marissa. Anong kailangan mo? ",ang wika ng babae. Natigilan si Euseph. Pinagmasdan ang babae. Tingin n'ya ay tila payat ito. Bigla s'yang napatitig sa batang hawak nito.
" Kilala mo si Zandro? Kapatid ko s'ya. Gusto kitang makausap. ",ang wika ni Euseph.
Tila tinakasan ng dugo si Marissa. Namutla ito at napalunok ng ilang beses.
" Pakiusap,may dapat lang akong iklaro. Nakasalalay dito ang kaligayahan ko. ",ang wika pa ni Euseph.
Wala ng nagawa pa si Marissa,pinapasok n'ya sa Eiuseph sa kanilang bahay.
" Just tell me the truth. Ikaw ba ang...ang babae ng kapatid ko? ",medyo nakaramdam ng hiya si Euseph sa tanong n'ya.
Napayuko si Marissa. Wala na nga sigurong dahilan upang magtago pa s'ya. kailangan na din ng anak n'ya ang suporta dahil sobrang hirap na hirap na s'ya.
" Ako nga! I'm sorry! Minahal ko lang ang kapatid mo. Alam kong mali,pero hindi ko mapigilan ang aking puso. ",pag-amin ni Marissa.
Naihilamos ni Euseph ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Ngunit isang malawak na ngiti ang kumawala sa kanyang labi.
" Salamat! Hindi mo lang alam kung gaano kaimportante sa akin ang naging sagot mo! Pero,anak ba s'ya ng kapatid ko? ",muli ay tanong ni Euseph. marahang pagtango lang ang ginawa ni Marissa.
" Wag kang mag-alala,aasikasuhin ko kayong mag-ina. Karapatan ng bata na dalhin ang pangalan namin. Ako na ang bahalang magpaliwanag kina mama at papa. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. ",ang pangako ni Euseph.
" Salamat! Maraming maraming salamat! ",nagluluha na si Marissa. napakabait pala ng kapatid ni Zandro.
Umuwi si Euseph na may ngiti sa kanyang labi. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Makikipaglinawan na s'ya ngayon kay Cristine. Eversince pala,mali ang pagkakakilala n'ya dito. Nilamon s'ya ng galit na hindi naman dapat. May tampo s'yang naramdaman sa namayapang kapatid. Tinikis n'ya ang sarili na hindi naman pala dapat. Babawi s'ya kay Cristine.
...
Masama ang pakiramdam ni Cristine. Hindi n'ya maintindihan ang bigat ng katawan n'ya. May bahagyang pagkaliyo din s'yang nararamdaman. Nagmamaneho pa naman s'ya. Napahawak si Cristine sa kanyang sentido at napapikit. Ngunit hindi n'ya inaasahan na may kotseng kasalubong. Naipreno ni Cristine ang kanyang kotse. Pilit na iniiwas sa kasalubong na sasakyan. hanggang sa magpaikot-ikot ang kotse ni Cristine.
" Ahhhhh! ",malakas na sigaw ni Cristine. Bago tuluyang bumanggang ang kotse nito sa isang poste. Na naging dahilan upang ang isang malakas na tunog ay pumailanlang.
