Chapter 3

5.1K 115 1
                                    

Gulat ang mababanaag sa mukha ni Cristine. Lalo na ng tumayo si Madalaine at yumakap sa kanya.

" Mommy. ",ang wika nito sabay yakap ng mahigpit kay Cristine. Niyakap din ni Cristine ng mahigpit ang pamangkin. Napaiyak pa s'ya dahil sa awa dito. Hinagod n'ya ang likod ng bata.

" Daddy! ",ang tawag naman ni Madelaine kay Euseph. Napilitang lumapit ang binata sa pamangkin. Walang sabi-sabing sabay na niyakap ni Madelaine ang dalawa. Nagulat si Cristine dahil sobrang lapit na ng mukha nila ni Euseph. Napigil n'ya ang paghinga. Sumusuot sa ilong n'ya ang mabangong amoy ng binata. Lihim na paglunok ang nagawa ni Cristine.

" Mommy,Daddy! ",muli ay wika ni Madelaine. Unang bumitaw si Euseph.

" Baby,listen. Ahmmm. ",hindi alam ni Euseph kung paano ipapaliwanag sa pamangkin ang lahat. Nagbigay s'ya ng malalim na buntong hininga.

" Baby,si Mommy at Daddy mo n-nasa h-heaven na. K-kasama ni Papa Jesus. ",pilit ang pagpipigil ni Cristine na umiyak.

" Eh bakit kayo nandito? Kasama din ba ako ni Papa Jesus? ",ang tanong ng bata.

Maang na naman si Cristine. Nagtatanong ang tinging ipinukol n'ya kay Euseph.

" Baby,yung Mommy Lia at Daddy Zandro mo ang ibig naming sabihin. Ang tunay mong Mommy at Daddy. ",mahinahong paliwanag ni Euseph.

Biglang napalayo si Madelaine sa dalawa at unti-unting nag-ulap ang mga mata hanggang sa tuluyan na itong umiyak.

" Hindi n'yo na ba ako love? May iba na ba kayong baby? ",ang umiiyak na tanong ng bata. Tila habag na habag ito habang umiiyak.

Nataranta na naman si Cristine. Nilapitan n'ya ang pamangkin at masuyong niyakap.

" Syempre ikaw pa din ang baby ko. ",umiiyak ng wika ni Cristine. Humihingi s'ya ng tulong kay Euseph ngunit ipinaling lang nito ang paningin sa ibang direksyon. Buti na lang at dumating ang Doctor ni Madelaine.

" Bakit umiiyak ang cute na baby? ",masuyong tanong ng Doctor. Nakikiusap ang tingin dito ni Cristine. Agad na tinurukan ng pampakalma ang bata. Maya-maya lamang ay nakatulog na ito. Agad ding ikinuwento ni Cristine ang kakaibang nangyayari sa pamangkin.

" Hindi ko masasabing amnesia ang nangyayari ngayon sa pamangkin n'yo. Dahil ayon sa obserbasyon namin sa mga test n'ya,ni hindi naalog ang ulo nito dahil cover ito ng mga magulang n'ya noong nangyari ang aksidente. Malamang isa yan sa trauma. Na kung saan,ang mismong pasyente ang nag-aalis ng masasamang pangyayari sa buhay n'ya at itinitira na lamang ang masasaya n'yang ala-ala. Siguro,kayong dalawa ang isa sa mga masasayang itinara ni Madelaine sa utak n'ya. ",mahabang paliwanag ng Doctor.

Nagkatinginan ang dalawa.

" You mean,Doc,kami ang naaalala n'yang mga magulang n'ya? ",tla hindi makapaniwalang tanong ni Euseph.

" As what you've seen,malamang ay tama ka sa sinabi mo. ",ang sabi ng Doktor.

" Hanggang kailan po ganito ang pamangkin ko? ",tanong ni Cristine.

" Who knows? Tanging ang pasyente ang makapagbabalik s alahat ng kanyang ala-ala. Kailangan lang n'ya ang gabay n'yong dalawa. ",ang wika ng Doktor.

Matapos ang usapang yon,pinili ni Cristne na umalis muna at makipagkita sa mga kaibigan.

" Hey! Kamusta na si Madelaine? ",tanong ni Len.

" Not fine! Ako ang naaalala n'yang Mommy> ",malungkot na sabi ni Cristine.

" Wow! Instant baby! "sagot ni Arbie.

" Yeah! At si Euseph ang naaalala n'yang Daddy! ",sabi pa ni Cristine.

" Wow! Instant lover! ",ang tili ni Len.

" Len! ",nakasimangot na wika ni Cristine.

" Pinapatawa ka lang. ",nakalabing saad ni Len.

" Ok naman sa akin na maging Mommy ni Madelaine eh! Kaya lang...",hindi na naituloy ni Cristine ang sasabihin.

" Kaya lang,ang problema ay yung Daddy kuno. Kung tutuusin wala namang probema eh,unless,may lihim kang pagtangi sa Daddy kuno ni Madelaine. ",ang nananantiyang wika ni Len.

" Huh? Ano ba yang sinasabi mo? ",hindi magawang salubungin ni Cristine ang tingin ng mga kaibigan. Ngunit kilala na s'ya ng mga ito. Kaya napilitan s'yang umamin.

" Inlove kana! ",mas excited pa si Len.

" Hindi naman siguro! Hindi lang ako sanay. ",ang sabi ni Cristine.

"Hey,girls! Kamusta na kayo? ",ang biglang sulpot na tanong ni Geoff.

" Love,inlove na si Cristine! ",ang excited na pagbabalita ni Arbie sa nobyo.

" Talaga! Hay salamat! Kung ano man ang tulong na gusto mo,magsabi ka lang s aakin ha,Cristine! ",kay lawak ng ngiti ni Geoff.

" Atat kang masyado ag! ",puna ni Len.

" Dalawang taon na kaya akong naghihintay! Maawa naman kayo sa akin! Dahil ayaw pa akong pakasalan ni Arbie hanggat hindi pa kayo nagkakanobyo! ",ang tila pagsusumbong na wika ni Geoff.

Hindi mapigilan ng tatlo ang mapatawa. Lagi nga nitong niyayaya ng kasal si Arbie ngunit ang pangako ng tatlong babae ay mananatiling pangako.

" Basta! Dalian n'yo ng dalawa ha! ",ang sabi pa ni Geoff. Sinabayan na din n'ya ang tawanan ng tatlong magkakaibigan.

MAHALIN MO NAMAN AKO (SERIES 2: DESPERADA'S) By: Reinarose (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon